"This one, I would call it tigas-ulo."
Ito ang paglalarawan ni Angeli Pangalinan-Valenciano sa health issue ng mister na si Gary Valenciano kamakailan.
Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Angeli sa sidelines ng Sony Music Publishing media launch, na ginanap sa Gallery MiraNila noong Martes, February 24, 2026.
Dito ay ipinaliwanag ni Angeli na naospital si Gary dahil sa cellulitis, pero na-discharge rin noong Martes ng umaga, February 24.
Bukod dito ay nagkaroon din ito ng injury sa bandang talampakan.
Ikinuwento muna ni Angeli ang aktibidades ni Gary bago ito naglabas-pasok sa ospital.
Lahad niya: "Si Gary is so healthy. He bikes 30, 40 kilometers. He's been doing yung face-to-face mental health campaign niya. Naka-65 schools na siya.
"Yeah, he's done this, you know, he gives a free performance. He tells the kids, because of the suicide rates today, 'You don't have to give a permanent solution to a temporary problem.' Yun ang sinasabi niya."
Binibigyan daw ni Gary ng inspirasyon ang kabataan sa pamamagitan ng pagbahagi ng mga hirap na pinagdaanan nito sa buhay.
"Permanent kasi yung problem. Parang, ang ginagawa niya, he tells them na, 'Ako nga, 47 years na ang diabetes.' Tapos, 'When I was 14, my parents separated. We lost pa our house sa Greenhills.'
"So sosyal sila, tapos nawala. Tapos, they had to be split up. Tapos, his house burned.
"Sabi niya, 'But through it all, you know, I've been victorious because of faith tsaka discipline.' Yung mga pinag-uusapan niya ganyan."
Iyon daw ang pinagkakaabalahan ni Gary nitong mga nagdaang dalawang linggo.
Pagpapatuloy ni Angeli: "So, he did one. He did two na. N.U. Laguna, two weeks ago, at saka Mapua—very successful.
"Tapos nung Monday [February 16], it was Quezon City Science High School. So he's standing up for five and a half hours, almost six hours.
"He tells a story. He sings songs like 'Saranggola' or 'Take Me Out of the Dark' or 'Shout for Joy.'
"And then he did 'Hataw Na' because everybody was saying, 'More, more, more!' Baka nag-watch sila ng SexBomb," saad ni Angeli.
Naalala ni Angeli na nag-viral kamakailan ang "Hataw Na" na impromptu performance ni Gary V. nang mag-guest ito sa SexBomb concert kaya marahil ni-request ng mga estudyante.
Pagpapatuloy niya: "But anyway, tapos nagulat ako. Gusto niyang mag-bike. Sabi ko, 'Huh?' So, nag-bike siya.
"He biked 31 kilometers without warm-up. So when I say tigas-ulo, I always tell him, 'Warm-up first before you bike, or you know, do any exercise.'
"So, parang na-overexertion siya."
Dahil nagkulang sa warm-up, nagkaroon daw si Gary ng "Achilles heel" o injury sa bandang talampakan.
Masakit daw iyon, ayon kay Angeli.
Bukod sa overexertion, na-diagnose din si Gary ng cellulitis.
Ang cellulitis, ayon sa mayoclinic.com, ay skin infection sa lower leg. Kung hindi naagapan ay maaaring kumalat sa tissue, lymph nodes, at sa dugo.
Paliwanag pa ni Angeli, "And he must have been bitten by a mosquito or something. Nagkaroon ng infection tuloy. So it developed into cellulitis.
"E, pag i-Google mo yun or i-ChatGPT mo, grabe! You can go into sepsis within 12 hours. Ganyan. It could be life-threatening."
Ang sepsis ay seryosong kondisyon na hindi malabanan ng katawan ang impeksyon kaya't maaaring ma-damage ang organs ng katawan.
Read: Elisse Joson reflects on failed relationship with McCoy de Leon
ON GARY V'S OVER-ALL HEALTH
Hindi raw inasahan ni Gary na magkaroon ito ng cellulitis dahil maayos naman daw ang resulta ng recent annual physical exam (APE) nito.
"But because Gary is very, you know, very conscious of his health and he just had APE, yung annual physical.
"Everything was normal, believe it or not. Konting taas lang ng cholesterol but everything was normal.
"So in other words, his organs were all healthy despite 47 years of diabetes. So, confident siya.
"But, after one week [of being in an out of the hospital], he got discharged today. Yung sa Achilles heel, he can walk, but masakit."
Nakadalo pa si Gary noong Sabado sa presscon para sa kanyang upcoming podcast show.
Sinabi ng ilan sa mga nakadalo sa event na naka-wheelchair si Gary pagpasok ng venue, pero nakapaglakad din pagkatapos ng program nang walang aid. Ito marahil ay dahil sa heel injury ng beteranong singer.
Hindi pa raw alam ni Angeli kung dalawa o tatlong linggo bago maka-recover si Gary sa kanyang injury.
Pero posible raw na pumasok pa rin ang singer sa ASAP Natin 'To, ang Kapamilya Sunday musical-variety show, sa Linggo, March 1.
Sabi pa ni Angeli sa PEP: "So if he goes to ASAP, he might... Kasi Coco Martin wants him to sing for the last [week] of Batang Quiapo, di ba? So he might sit sa stool."
Read: Coco Martin smoothly evades query about Rod Navarro Jr. issue
ANGELI PANGILINAN RECALLS GARY V'S HEALTH SCARE IN 2024
Noong December 20, 2024, matatandaang nagkaroon ng health issue si Gary sa gitna ng Gary V Pure Energy: One More Time sa Smart Araneta Coliseum.
Maagang natapos ang concert dahil hindi mabuti ang pakiramdam ni Gary kaya nag-alala para sa kanyang kalusugan ang nasa audience pati na mga kapamilya at kaibigan nito.
Read: What Gary Valenciano tells crowd before ending his concert
Sinabi noon ni Gary na maaaring mag-lie low siya sa pag-headline ng big concerts pero patuloy pa ring magbibigay-inspirasyon sa smaller-scale productions.
Balik-tanaw naman ni Angeli, natapos ang ikalawang gabi ng concert ni Gary noon nang walang aberya.
Ikinuwento rin ni Angeli na noong 2025, nakapag-concert tour pa rin si Gary sa pitong cities sa Australia at New Zealand at limang cities sa U.S.
Determinado raw si Gary na ipagpatuloy ang paggamit sa talento nito, basta maalagaan nito ang pangangatawan.
Tugma ito sa madalas sabihin ni Gary na nagpapasalamat siya sa Diyos sa buhay na ipinagkaloob sa kanya para magawa ang tingin niya'y misyon niya.
Sabi pa ni Angeli: "You see, people don't understand that si Gary kasi, as a Type 1-diabetic, alam mo he's attached to a tube for 20 years na. Pero yung diabetes niya, 47 years.
"People don't understand that if you're well-controlled, walang problema. Kasi, you just have to be conscious of your diet, your medication, supplements and, of course, the exercise.
"E, nung December 20 na yun nagkamali si Gary. Kasi, I think he tried an infusion or took something, whatever it was, it was not even related to his diabetes.
"It was, like, food poisoning. Parang ganun. Anybody who had food poisoning will become weak, right? So, that's what happened."
Read: BINI, Gary V, Darren, Maki, at Mayonnaise nagpasiklaban
ANGELI ON GARY V'S PODCAST SHOW.
Ngayong 2026, isang bagong yugto ang tatahakin ni Gary dahil sasabak siya bilang podcast host sa weekly show na Unshaken with Gary V: Stories of Grit and Grace.
Ito ay in-offer kay Gary ng iHeartMedia, Inc., isang audio-media company na nakabase sa U.S. at mayroong 500 radio stations sa iba-ibang bansa.
Ayon kay Angeli, naka-shoot na si Gary ng 16 episodes para rito.
Ilan sa guests na ininterbyu ni Gary ay sina Coco Martin, James Reid, at Martin Nievera.
Bahagi raw ang proyekto ng 40th anniversary ng Manila Genesis Entertainment and Management Inc., ang management company na pag-aari at pinamamahalaan ni Angeli. Siya ang CEO at president ng kumpanya.
