Lagpas dalawang taon na ang relasyon ng Sparkle artists na sina Althea Ablan at Prince Clemente.
Seven years ang age gap nila. Si Althea ay 21 at si Prince ay 28.
Ano ang sini-set nilang boundaries sa isa't isa?
Saad ni Althea, "Yeah. Siyempre po, sa mga nakakaalam po, malayo po ang age gap namin.
"Meron kaming seven years age gap.
"At totoo nga na ang social media, talagang nakakaramdam po kami ng pressure.
"Lalo na po parehas nga po kaming nasa line ng industry.
"So, hindi kami po masyadong nagpa-public, like, nagkukuwento about sa relationship po namin.
"Ano siya? Private but not, ano... ano yung tawag doon? Private but not secret.
"And nag-focus lang po talaga kami sa kanya-kanya po naming work."
So, hindi sila nagpi-PDA o public display of affection?
Tugon ni Althea: "Wala po. Hindi po kami, like, nagto-talk about our relationship talaga. But alam po ng mga tao na kami po."
Bida si Althea sa advocacy vertical film na Wait Muna, katambal si Zyren dela Cruz.
Dahil Wait Muna ang title ng pinagbibidahan niyang proyekto, hanggang kailan nila kayang maghintay ni Prince?
"Ako naman po, I'm in a relationship but we don't rush things. And we set boundaries rin po.
"Especially, parehas kaming artista, gusto po namin ma-achieve muna yung mga dreams namin.
"And saka kami yung magdi-decide talaga if kami talaga together, di ba?
"Pero, lagi ko rin pong tinatanong kay Lord na bigyan niya ako ng sign... bakit naiiyak? Char!" emosyunal na pahayag ni Althea.
Pagpapatuloy niya: "But, yeah! Totoo naman.
"Honestly, kasi ako, I'm the type of a person na go with the flow.
"Parang kung ano yung meron, tatanggapin ko. I'll take the risk, ganun.
"But during this film, doing this, nare-realize ko na parang totoo nga. Parang ang sarap maghintay.
"Tsaka, kung para sa yo talaga, di ba, yun ang ibinibigay talaga ni God for you.
"Basta we won't rush things."
Nakausap ng piling media si Althea sa vertical film showing ng Wait Muna sa Quezon City noong Martes, Pebrero 24, 2026.
Kasama niyang humarap ang mga miyembro ng Puso Movement na nasa likod ng pelikula, ang co-star na si Zyren Dela Cruz, manunulat na si Anna Aleta Nadela, at direktor na si Jojo Nadela.

Read: Rita Daniela, bakit umalis sa Sparkle at lumipat sa Viva?
ALTHEA ABLAN TALKS ABOUT WAIT MUNA ADVOCACY FILM
Ang advocacy film na Wait Muna ay tumatalakay sa growing national emergency ng teenage pregnancy, HIV, at ang kinakaharap na hamon nito sa mga kabataan ngayon.
Bakit napapayag si Althea na gawin ang proyekto?
Lahad ng Sparkle star: "Nag-yes po ako dahil nga relevant itong topic na ito at sensitive siyang topic, lalo na mga Gen Z ngayon.
"Ako po ay introvert. Ayoko na makipag-socialize sa mga tao, makipag-communicate.
"But by this film nga po, talagang... sa mga taong visualize, di ba, in a way, matututo sila sa film na ginawa naming Wait Muna para hindi sila paliguy-ligoy ng path.
"Para i-direct lang sila kung saan talaga sila papapuntahin ni Lord."

Ano ba ang role niya sa vertical film na ito?
Aniya: "I played the role of Sheena po. So, siya na po ay top student at meron siyang strict parents, lalo na ang kanyang daddy.
"Siyempre gusto niyang patunayan sa magulang niya na talaga magpo-focus muna siya sa pag-aaral niya. Dahil dito sa story na to, parang high school pa lang siya.
"Then, nagkaroon sila ng heart-to-heart talk ng kanyang parents.
"So, doon niya unti-unti na-realize na tama nga yung parents niya.
"And what if, gawin din niya, di ba po? Kaya importante din na mapanood niyo yung episode na yun.
"Para din meron tayong realization sa sarili natin na kailangan pa rin natin yung parents natin para i-guide po tayo sa paglaki natin, di ba?
"Kasi madami pa pong mangyayari sa life namin, ng mga Gen Z, and upcoming generation pa po."
Ang isang episode ng Wait Muna ay lagpas lamang ng sampung minuto at nahahati ito sa limang episodes.
Ayon sa namamahala ng Wait Muna, pagkatapos mailabas ang limang episodes sa Facebook, pagsama-samahin nila ito na parang isang buong pelikula.
Magkakaroon daw sila ng film showing sa iba't ibang schools para magkaroon ng awareness ang mga kabataan.
Napanood na ang unang episode ng Wait Muna sa Facebook nitong nakaraang February 25, 2026.
Read: Pretty actress, natuklasan ang lihim ng influential boyfriend
