PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pastor urges public to be “gracious” toward Alvin Aragon

Pastor clarifies why Alvin appears assertive in expressing his faith.
by Khryzztine Joy Baylon
Published Feb 25, 2026
Christian pastor urges public to be “gracious” toward Alvin Aragon
Pastor Nixon Ng of Victory Church urges the public to give grace to Alvin Aragon amid criticism over the actor’s views on the SexBomb Girls and LGBTQIA+ issues.
PHOTO/S: Alvin Aragon on Facebook

Nanawagan ng pag-unawa sa publiko ang pastor ng Victory Church na si Nixon Ng para sa StarStruck alumnus na si Alvin Aragon.

Ito'y sa gitna ng kontrobersiyang kinakaharap ng aktor dahil sa mga binitawan niyang pahayag kamakailan na may kaugnayan sa malalim umano niyang paniniwala sa mga salita ng Diyos.

Kabilang dito ang mariin niyang pagtutol sa pagiging bahagi ng asawang si Izzy Trazona sa SexBomb Girls.

Read: Izzy Trazona answers criticisms against husband Alvin Aragon

Ayon kay Alvin, hindi kaaya-aya sa mata ng Diyos kung mananatiling miyembro ng SexBomb si Izzy, dahil umano sa masamang interpretasyon ng ilang tao tungkol sa all-female group.

Mayroon din daw problema sa pananamit ng SexBomb kaya mariin niya itong tinututulan.

Lumalabas na para kay Alvin, hindi "kagalang-galang" ang mga isinusuot ng SexBomb Girls dahil kita raw ang cleavage at legs ng mga ito sa entablado, kung saan maraming lalaki raw ang nanonood sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Jopay Paguia saddened by Alvin Aragon’s remarks vs SexBomb Girls

Bukod sa pangalan at pananamit, malaking epekto rin daw sa paniniwala ni Alvin kung paano sumayaw at gumalaw ang SexBomb Girls.

Para kay Alvin, hindi “kagalang-galang” ang mga isinusuot ng SexBomb Girls dahil nakikita raw ang cleavage at mga binti ng mga ito sa entablado, kung saan maraming kalalakihan ang nanonood sa kanila.

Sa kaso raw ng grupo, masasabi niyang “seducing” ang paraan ng kanilang pagsayaw.

Read: Celebrities react to Alvin Aragon’s controversial religious stand

Hindi rin sang-ayon si Alvin sa sexual orientation ng kanyang stepdaughter na si Sofia Trazona, isang trans woman, maging sa mga miyembro ng LGBTQIA+ community na aniya’y piniling tahakin ang maling landas.

Ayon kay Alvin, taliwas sa utos ng Diyos ang pagiging miyembro ng LGBTQ at naniniwala siyang sa impiyerno ang bagsak ng mga ito.

Maraming netizens ang hindi sumang-ayon sa kanyang mga pahayag, kung saan kaliwa’t kanang batikos ang ibinabato sa kanya online.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Sofia Trazona pleads to stepfather Alvin Aragon to stop the hate

Pastor Nixon Ng urges compassion for Alvin Aragon

Sa Fast Talk With Boy Abunda nitong Martes, February 24, 2026, nahingan ng reaksiyon ng host na si Boy si Pastor Nixon, mula Victory Church sa Pasay City, ang simbahang pinupuntahan ni Alvin at ng kanyang pamilya.

Ayon kay Pastor Ng, ang paniniwala ni Alvin tungkol sa mga LGBT, at sa papel niya bilang asawa't ama, ay hindi naman naiiba sa paniniwala ng iba pang Christians.

Who is Alvin Aragon?
Alvin Aragon.
Photo/s: Alvin Aragon on Facebook
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Dagdag pa niya, dapat umanong maunawaan ang pinanggagalingan ni Alvin at hindi maunang manghusga ang publiko.

Read: K Brosas' daughter Crystal hits back at Alvin Aragon

Maaaring naging masidhi lamang umano si Alvin sa paghahayag ng kanyang nag-aalab na pananampalataya, na maaaring namasama ang dating sa iba.

Binasa ni Boy sa kanyang programa ang mensahe ni Ng.

Nangyari ito sa parehong araw na nakapanayam din niya ang stepdaughter ni Alvin na si Sofia.

Ani Boy: [The] belief of Alvin about the LGBT community, and the role of the father and the husband in the family is not different from the belief of other Christians.

“But he [Ng] believes that Christians should share their conviction with compassion.

"Conviction and compassion must always come together.

"Naniniwala din siya that the public should be gracious towards Alvin. He noted that most Christians, especially in the early stages of their faith, could be overly passionate and excited about sharing their beliefs.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"But eventually daw they grow as Christians."

Read: Kris Lawrence inalala ang cellphone incident nila ni Alvin Aragon

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pastor Nixon Ng of Victory Church urges the public to give grace to Alvin Aragon amid criticism over the actor’s views on the SexBomb Girls and LGBTQIA+ issues.
PHOTO/S: Alvin Aragon on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results