PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Boobay explains health condition: "Seizure para sa mga babies"

Boobay on recovering from latest collapse: "Thankful ako kay Lord..."
by Arniel C. Serato
Published Feb 25, 2026
Boobay gives update on his health condition
Boobay reveals doctor's advice after experiencing another episode of absence siezure: "Ang advice talaga sa akin ng doktor ko, 'Do away from overthinking.' Tapos, '[do not] overwork.'"
PHOTO/S: Arniel Serato

Kinumusta ng entertainment media si Boobay matapos ang pag-collapse niya habang nagsu-show sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro, noong January 19, 2026.

Read: Boobay faints onstage during Mindoro event, alarming fans

Saad ng comedian-host: "Okay naman. Para lang siyang may high blood, ganun, ganun.

"Tsaka, masyadong nagpapasaway lang din ako minsan kasi... nais ko rin siyang i-share bilang tinututuring niyo ang TBATS parang pamilya niyo na din, pinapanood niyo every Sunday.

"Ayun, may mga pagkakataon lang talagang nagpapasaway ako.

"Hindi ko siya... kailangang mag-take twice a day. Minsan nakakaisa lang ako.

"At the same time, ang pinakamahalaga sa akin, huwag masyadong mag-overthink, overwork, ganun.

"Ang advice talaga sa akin ng doktor ko, 'Do away from overthinking.' Tapos, [do not] overwork.'"

ABSENCE SEIZURE

Ipinaliwanag din ni Boobay ang "absence siezure" na diagnosis sa kanya.

"Sabi ko nga, so thankful ako kay Lord muna, di ba, sa bagong pagkakataon despite na nangyari yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Yung akin kasi, sa mga hindi pa nakakaalam, absence seizure po. Ito yung seizure para sa mga babies.

"Kung napapansin niyo, may batang minsan biglang natutulala ng mga five to ten seconds. Iyon yung nangyayari sa akin, oo."

Biro muli niya: "Feeling ko di masyadong naliwanagan yung sakit ko. Akala niya 'Baby' pangalan ko, hindi Boobay.

"Pero thankful talaga lalo sa mga boss natin sa GMA for giving me this chance."

Nakakuwentuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang media sina Boobay at Super Tekla sa presscon sa upgraded na The Boobay and Tekla Show (TBATS), kahapon, February 24, 2026.

Simula March 1, 2026, pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho, mapapanood na ang TBATS on the Go, hudyat ng kanilang paglabas ng studio sa upcoming episodes tuwing Sunday comedy night.

TBATS on the Go
Boobay and Super Tekla at the presscon of TBATS on the Go.
Photo/s: Arniel Serato
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: VIRAL: Bakit trending sa Pilipinas si Linda Walker?

boobay AND SUPER TEKLA on TBATS ON THE GO

Ang TBATS on the Go ay hudyat na selebrasyon para sa ika-walong anibersaryo ng show ngayong taon.

Kaya malaki raw ang utang na loob ng dalawa sa kanilang loyal viewers.

Sabi ni Boobay: "Yung word is grateful, super grateful kasi until now, di ba?

"Talaga namang kahit saan kami magpunta, kahit anong gawin namin, kahit anong segments at mga bago na ginagawa natin, tuluy-tuloy ang suporta nila."

Dagdag ni Super Tekla, "Oo at saka yung walong taon. Pambihira yun."

Simula Linggo ng gabi, lalabas na ng studio sina Boobay at Tekla para sa TBATS on the Go sakay ng Laff Bus.

The Laff Bus
The Laff Bus of TBATS on the Go.
Photo/s: Courtesy: The Boobay and Tekla Show on Facebook
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Iikot ang kanilang team sa iba't ibang kalye, barangay, school campus, at iba pang lugar sa buong Pilipinas para magpatawa at makipagkulitan sa mga tao.

Bawat episode ay may surprise celebrity guests na makakasama nila sa location taping.

Higit sa lahat, mamimigay sila ng mga exciting na papremyo sa mga masusuwerteng tao na kanilang makakasalamuha sa bawat episode.

Read: TV Updates: Kapuso at Kapamilya shows, sunud-sunod magpapaalam

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Boobay reveals doctor's advice after experiencing another episode of absence siezure: "Ang advice talaga sa akin ng doktor ko, 'Do away from overthinking.' Tapos, '[do not] overwork.'"
PHOTO/S: Arniel Serato
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results