PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Coco Martin smoothly evades query about Rod Navarro Jr. issue

Coco Martin is thrilled to star in original serye with Julia Montes.
by Melba R. Llanera
Published Feb 25, 2026
Coco Martin evades Rod Navarro issue
Coco Martin declines to directly comment on the reported complaint filed by Rod Navarro Jr., opting instead to focus on his upcoming series with girlfriend Julia Montes.
PHOTO/S: @cocomartin_ph Instagram

Suwabeng umiwas si Coco Martin sa alegasyon ni Rod Navarro Jr. na hindi umano ito trinato nang tama sa set ng FPJ's Batang Quiapo.

Si Rod Jr. ay anak ng yumaong artista at broadcaster na si Rod Navarro. Siya ay nag-guest sa Batang Quiapo noong 2024.

Sinasabing nag-react si Rod Jr. sa pahayag ni Coco sa isang interbyu na mayroong artista sa Batang Quiapo na in-offer-an niya ng tulong pero hindi tinanggap.

Umalma si Rod Jr. at nag-post sa Facebook ng hinaing niya noong February 16, 2026.

Alegasyon ni Rod Jr., minura at trinato siya nang hindi tama ni Coco at ibang staff ng Batang Quiapo noon.

Ipinagtanggol naman si Coco ng ilang kasamahan niya sa serye, kabilang ang actor-vlogger na si Ogie Diaz.

Ayon sa post ni Ogie sa Facebook noong February 17, si Rod Jr. ang hindi gumawa ng paraan para gamitin ang offer ni Coco na tulungan siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa isyu na ito, sabi lang ni Coco: "Hindi, alam mo naman, sabi ko nga, wala nang time para anuhin yang mga bagay na yan.

"Nagpapasalamat ako sa lahat ng mga tao, sa lahat ng mga artistang nakatrabaho ko. Para sa kanilang lahat ito."

Read: VIRAL: Bakit trending sa Pilipinas si Linda Walker?

FPJ'S BATANG QUIAPO FINALE

Ang kinumpirma ni Coco ay ang pagtatapos ng FPJ's Batang Quiapo sa March 13, 2026, at ang anunsiyo niyang may bagong teleserye silang pagtatambalan ng kasintahang si Julia Montes.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Coco sa 1st Philippine Arts, Film & Television Inc. Awards Inc. (PAFTA), na ginanap sa Centennia Hall ng Manila Hotel noong February 21, 2026.

Dito ibinahagi ni Coco ang mixed emotions niya sa pagsasara ng tatlong taong pag-ere ng Batang Quiapo.

"Malungkot lalo na nung di ko pa sinasabi sa cast," bungad ng Kapamilya Primetime King.

"Pero after nung in-announce ko na siya sa TV Patrol... Ganun talaga, e. Sabi ko nga, may pagsisimula, may pagtatapos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"At least three years [nag-run], tapos ngayon may sisimulan kaming bagong show sa ABS-CBN na kasama ko si Julia, Sigabo, so excited pa rin."

Read: Ashley Ortega calls bad press at Carmina Villarroel “fake news”

NEW SERIES WITH JULIA MONTES

May titulong Sigabo, isa itong teleserye na sariling konsepto ng Kapamilya actor.

Mas magaan daw ito kumpara sa Ang Probinsyano at Batang Quiapo.

Saad ni Coco: "Sabi ko nga, para iba naman, para makapagbigay ng saya, ng inspirasyon, di puro iyak.

"Kumbaga, sabi ko nga, this time medyo light, mas pampamilya, pambata.

"Pero pagdating sa action, siyempre nandun pa rin para sa ating mga tatay, sa ating mga lolo para masaya pa rin.

"Nandun pa rin yung drama para sa ating mga nanay at lola.

"Bagong challenge pero excited para iba naman. Iba naman yung ibibigay natin gabi-gabi sa mga manonood para mapasaya naman sila."

Isa rin sa nakadagdag sa excitement ni Coco ay ang muli nilang pagtatambal ni Julia.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Huli silang napanood sa pelikulang Pula (2024), at nagkasama rin nang pumasok si Julia sa Ang Probinsyano noon.

Ani Coco: "Sobrang excited kasi ang tagal na rin ng huli naming pagsasama, e. Nag-guest lang siya sa Probinsyano.

"Finally this time, ito talagang show para sa aming dalawa."

Sa pagtatapos ng Batang Quiapo, na tumagal ng tatlong taon sa ere, siniguro ni Coco na talagang kaabang-abang ang huling natitirang tatlong linggo nito.

Saad niya: "Sabi ko nga, todo talaga yung aksyon, todo yung drama, unpredictable.

"Katulad kung paano ko tinapos yung Probinsyano, gusto ko ibang experience ang ibibigay namin sa mga manonood.

"Deserve nila yun sa tatlong taon na suporta nila, masulit naman ang tatlong linggo na walang bitawan.

"At maa-appreciate lahat yan, di lang ng mga manonood kundi pati ng mga taga-industry, na talagang pinaghihirapan at ginagastusan namin.

"Sabi ko nga sobra talaga, sobrang hirap, pinaghihirapan namin, lalong-lalo na ang pagtatapos ng Batang Quiapo dahil gusto naming masulit ang lahat ng oras na binigay ng mga Filipino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Bilang pasasalamat sa suporta at pagmamahal na binigay nila from Probinsyano to Batang Quiapo, para po sa inyo ito."

Ang Ang Probinsyano at Batang Quiapo ay parehong inspirado ng mga pelikula mula sa FPJ Production, ang film company ng pumanaw na Hari ng Pelikula na si Fernando Poe Jr. o FPJ.

Ayon kay Coco, nakuha ng GMA-7 ang rights ng mga pelikula ng FPJ Production kaya ang Kapuso network na ang maaaring mag-remake ng mga pelikula ni FPJ.

"Natapos na yung kontrata sa ABS-CBN, kaya sabi ko, ito naman yung time, sarili kong kuwento naman na ako mismo ang naglikha mula umpisa hanggang sa dulo."

Si Coco ang creative director ng Batang Quiapo, at hands-on din siya noon sa Ang Probinsyano kaya parehong humaba ang kuwento ng TV adaptation ng mga ito.

With additional text by Rachelle Siazon

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Coco Martin declines to directly comment on the reported complaint filed by Rod Navarro Jr., opting instead to focus on his upcoming series with girlfriend Julia Montes.
PHOTO/S: @cocomartin_ph Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results