“Aalis na ako ng Pilipinas.”
Ito ang pabirong hirit ng Kapuso actress na si Kylie Padilla nang mahingan ng reaksiyon sa naging pahayag ng kanyang amang si Senator Robin Padilla tungkol sa posible nitong pagtakbo sa mas mataas na posisyon sa 2028 elections.
Nangyari ito makaraang ianunsiyo ni Vice President Sara Duterte na tatakbo siya bilang Pangulo sa susunod na national election.
Read: Sara Duterte announces presidential bid amid impeachment raps
Mabilis na lumutang ang pangalan ni Padilla bilang isa sa mga diumano'y maaaring maging running mate ni Sara.

Kilala si Padilla bilang masugid na kaalyado at tagasuporta ng pamilya Duterte.
Read: Robin Padilla may buwelta sa "pangungutya" ng political analyst
Robin willing to run as Sara’s VP if RODRIGO Duterte asks
Sa isang panayam kay Padilla noong February 20, 2026, tinanong kung nakahanda ba siya sa posibleng pagtakbo bilang Vice President ni Sara kapag nagkataon.
Dito sinabi ng actor-politician na bagamat ayaw na niya sa pulitika, nakahanda raw siyang tumakbo sa mataaas na posisyon kung ipag-uutos ito sa kanya ni dating Pangulong Rodrigo "Digong" Duterte, ama ni Sara.
Read: 50% of Filipinos want Duterte accountable as ICC junks release
Pahayag ng actor-politician: "E, kapag utos ni Digong.
"Walang puwedeng mag-utos sa akin kahit sino, si Digong lang. Kasi ayaw ko talaga ng pulitika.
"Alam naman yan ng nanay ko, ng kapatid ko, ng asawa ko. [pero] kapag sinabi ni Digong, susunod ako."
Malaki raw ang utang na loob ni Padilla sa dating Pangulo kaya ang lahat ng sasabihin nito ay susundin niya.
Si Duterte raw kasi ang nag-udyok sa kanyang tumakbo bilang senador.
Bukod dito, noong 2016, iginawad ni Duterte kay Robin ang absolute pardon matapos mahatulang guilty ang aktor sa kasong ilegal na pagmamay-ari ng baril noong 1994.
Read: Dustin Yu denies Thailand trip with Bianca de Vera
"Pinanganak po tayong ready. Lalo na yan, para sa akin ang vice president, hindi masyadong ano yan—puro advocacy lang yan e, parang ikaw ang spare tire, di ba? Kayang kaya yan," paniniwala pa ni Padilla.
KYLIE REACTS TO FATHER'S plan to run for vice president
Saglit na nakapanayam ng News5 si Kylie ngayong Martes, February 24, at dito nahingan siya ng reaksiyon sa naging pahayag ng kanyang ama.
Natatawa niyang sagot, "Aalis na ako ng Pilipinas! No reaction but, aalis na ako ng Pilipinas."
"Aalis na po ako ng Pilipinas," pabalik-balik na pahayag ni Kylie.
Read: Kylie Padilla pahinga muna sa love, naka-focus sa kids at trabaho
Sa tanong kung sinusuportahan ba ng aktres ang political career ng kanyang ama, maikli ang naging sagot niya.
Aniya, "I trust my father's judgment. Yun lang."
Samantala, habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang isinasapublikong pangalan si Sara kung sino ang napupusuan niyang maging ka-tandem sa 2028 elections.
Sa isang panayam noong February 22, inamin niyang mayroon na siyang "ni-recruit" simula pa noong nakaraang taon ngunit hanggang ngayon ay hindi pa raw ito nakakapagdesisyon sa alok na maging bise presidente niya.
