PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Marian Rivera rejects blind item linked to her and Dingdong

Marian Rivera: "May intriga pa ba?"
by Melba R. Llanera
Published Feb 24, 2026
Marian Rivera unfazed by intrigues being linked to her and Dingdong Dantes
Marian Rivera has dismissed speculation that she and her husband, Dingdong Dantes, are the couple being alluded to in a recent blind item about a celebrity marriage allegedly on the rocks due to a third party.
PHOTO/S: @dongdantes and @marianrivera Instagram

Deadma na si Marian Rivera, 41, kahit patuloy na may mga nag-uugnay sa kanila ng mister niyang si Dingdong Dantes, 45, sa blind item tungkol sa power couple na diumano'y may third party ang mister.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), hindi inatrasan ni Marian ang tanong tungkol sa isyu.

"May intriga pa ba?" manghang saad ni Marian.

Hindi na raw para magpaapekto sila ng mister sa mga walang basehang intriga.

"Ang mahalaga siguro sa relationship namin is very open at alam namin sa isa't isa kung ano ang totoo," simpleng pahayag ni Marian.

Noong Valentine's Day ay pinadalhan siya ng bulaklak ni Dingdong na lagi naman daw ginagawa nito sa kanya.

Wala na raw mahahanap pa si Marian sa asawa.

"Gift ni Dong? Basta, always naman may flowers yun. Sabi ko nga, siya ang sumagot sa aking mga dasal," sabi ni Marian.

Sabi pa ng Kapuso star, nasa bahay lang siya noong Araw Ng Mga Puso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kasama ko ang aking glam team, nag-celebrate kami sa bahay," aniya.

May 11 taon nang kasal sina Dingdong at Marian. Kaka-celebrate lang nila ng 11th anniversary noong December 30.

Read: Edu Manzano spotted with rumored new girlfriend at EDSA rally

MARIAN RIVERA ON ACTING AWARD FOR BALOTA

On a brighter note, itinanghal si Marian na Best Actress sa 1st Philippine Academy of Film and Television Arts (PAFTA) para sa mahusay na pagganap niya sa pelikulang Balota.

Nanalo ring Best Film ang Balota, na idinirek ni Kip Oebanda at ipinalabas sa mga sinehan noon pang October 2024.

Labis-labis ang pasasalamat ni Marian dahil sa panibagong award na natanggap niya dahil sa Balota.

Gumanap siya sa pelikula bilang Teacher Emmy, isang guro na dumanas ng matinding panganib nang siya ay nagsilbing election worker sa isang masalimuot na eleksyon.

"Akala ko tapos na last year si Teacher Emmy pero, of course, maraming salamat pa rin dahil alam mo si Teacher Emy ay patuloy na nabubuhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Isang reminder para sa atin talaga, sa tamang pagboto talaga," saad ni Marian.

Ayon din kay Marian, napakahalaga ng Balota sa kanyang karera bilang isang aktres.

"Mahalagang-mahalaga talaga. Sabi ko nga, alam naman natin na malaki ang ginagampang role ng mga teachers.

"Pero nung ginawa ko talaga itong si Teacher Emmy, sabi ko, iba pa pala [level of responsibility], kaya todo-todong saludo at respeto sa lahat ng mga guro na talagang nandiyan lalo na nung araw na talagang sumusubaybay at pumuprotekta sa boto ng bayan."

Bilang isang aktres, tinanong din namin si Marian kung mas nagbibigay ba ng higit na pressure sa isang artista kapag nananalo siya ng award.

Sagot niya: "Siguro sa ngayon sa punto ng buhay ko, nandun ako sa mas grateful ako, very excited akong ipakita sa mga anak ko. Nandun ako sa punto na yun."

Natutuwa naman si Marian na ibahagi sa mga anak ang kanyang bagong accomplishment.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Bago raw siya nagpunta ng awards night ay nagsabi raw siya sa mga ito na, "Pray for Mama."

Pag-uwi ay saka raw niya ipinakita ang trophy sa mga ito.

Read: Kris Lawrence, binalikan ang pagnanakaw ng cellphone ni Alvin Aragon

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Marian Rivera has dismissed speculation that she and her husband, Dingdong Dantes, are the couple being alluded to in a recent blind item about a celebrity marriage allegedly on the rocks due to a third party.
PHOTO/S: @dongdantes and @marianrivera Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results