PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

K Brosas' daughter Crystal hits back at Alvin Aragon

Crystal: "Before you try to save everyone else, start by SAVING YOURSELF first."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Feb 24, 2026
K Brosas' daughter Crystal takes a swipe at Alvin Aragon
Crystal Brosas (left) on Alvin Aragon's (right) statement about LGBT: "It’s very clear that you’re using Christianity as a weapon, and it only proves na hindi mo talaga naiintindihan ang teachings na grabe mong ipaglaban. Faith was meant to HUMBLE YOU, but it inflates your ego instead."
PHOTO/S: Crystal Brosas on Facebook/Cris Raf on YouTube

Hindi pinalampas ni Crystal Brosas ang pagkastigo ni Alvin Aragon sa kanyang ina na si K Brosas patungkol sa celebrity parents na kinukunsinti umano ang mga anak nilang miyembro ng LGBTQIA+ community.

Sa isang panayam noong February 19, 2026, direktang binanggit ni Alvin ang mga pangalan nina K, Gloc-9, at Ian Veneracion nang mapag-usapan ang sexual orientation ng stepchild niyang si Sofia Trazona.

Si Sofia, isang trans woman at kilala rin bilang Andrei Trazona, ang panganay na anak ng misis ni Alvin, ang dating SexBomb Girls member na si Izzy Trazona.

Read: Alvin Aragon criticizes celebrity parents of LGBTQIA+ children

Bahagi ng pahayag ni Alvin tungkol sa celebrity parents na kinukunsinti umano ang mga anak nilang miyembro ng LGBTQIA+: "Si Gloc 9, tuwang-tuwa, ginawan pa ng kanta yung anak niya.

"Ayun ba ikinalulugod ng Diyos? [Na parang] palakpakan mo yung lalaki mong anak na ginawa Niya na nagpakabakla, whooo!

"Si K Brosas, tuwang-tuwa. Si Ian Veneracion, tuwang-tuwa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Tapos sino yung tumatayo sa kung anong tama sa mata ng Diyos na huwag kang magpakabakla? Kami ni Izzy, [tapos] kami pa masama?"

K BROSAS RESPONDS

Agad itong binuweltahan ni K sa pamamagitan ng pagpu-post ng isang video sa Facebook.

Ayon sa singer, ayaw na sana niyang sumawsaw sa gulong kinasasangkutan ni Alvin kundi lang ito nag-name-drop nang kuwestiyunin nito ang pagpapalaki niya sa kanyang anak na si Crystal.

K Brosas reacts after Alvin Aragon name-drops her
Alvin Aragon
Photo/s: Screengrab Cris Raf on YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, walang karapatan si Alvin na pakialamanan ang kanyang pagiging magulang at kung paano niya pinalaki ang anak.

Read: K reacts to Alvin's remarks vs celeb parents with LGBTQIA+ kids

Ang pagtanggap daw ni K sa sekswalidad ni Crystal ay hindi nangangahulugang tumalikod siya sa Diyos at kautusan Nito.

Malaki raw ang respeto ni K sa paniniwala ng bawat relihiyon, gaya ng paniniwala niyang anuman ang sekswalidad at katayuan ng isang tao ay matatanggap ito ng Diyos.

Read: Kris Lawrence inalala ang cellphone incident nila ni Alvin Aragon

CRYSTAL REACTS TO ALVIN'S STATEMENT AGAINST HER MOM

Ang nasabing video ni K ay ini-repost ni Crystal sa kanyang Facebook account noong February 20.

Sa caption, iginiit ni Crystal na halos lahat ng relihiyon sa mundo ay nagtuturo ng kabuting asal, laban sa poot, pagmamataas, at pagiging mapanghusga sa kapwa.

Aniya, kung ang pananampalataya ay nagiging dahilan upang kumilos ang isang tao nang salungat sa itinuturo nito, hindi ito sumasalamin sa kagustuhan ng Diyos.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Sofia Trazona pleads to stepfather Alvin Aragon to stop the hate

Naniniwala si Crystal na ang galit at pagiging mapagmataas ni Alvin sa kanyang kapwa ay maaaring bunga ng sarili nitong trauma at insecurities, bagay na ipinapasa lang niya sa iba.

Pahayag ng anak ni K (published as is): "Halos lahat ng religion sa mundo binabalaan tayo tungkol sa hatred at self-righteousness.

"If your faith and beliefs make you act OPPOSITE of what’s taught to you, hindi ang Diyos or kung sino man ang nagsasalita galing sa bibig mo.

"It’s just your EMPTY SOUL, and you cover that up by projecting your own traumas and insecurities onto others.

"And you know what that means? It means you have ABSOLUTELY FAILED sa mismong aral na tinuturo ng kahit sinong “God” sa mundong to."

"It doesn’t make you morally superior. In fact, it makes you a HYPOCRITE, and worse than a person who rejects religion but acts with kindness, humility, and compassion.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"What’s funny is those are even called Christ-like attributes, which you have NOTHING of. Ang ironic, diba?"

Read: Jopay Paguia saddened by Alvin Aragon’s remarks vs SexBomb Girls

Dagdag pa ni Crystal, hindi nagiging moral na nakahihigit ang isang tao sa paggamit ng relihiyon upang manghusga.

Sa halip, aniya, ang pananampalataya ay dapat marunong magpakumbaba, hindi magpalaki ng ego.

Aniya: "It’s very clear that you’re using Christianity as a weapon, and it only proves na hindi mo talaga naiintindihan ang teachings na grabe mong ipaglaban.

"Faith was meant to HUMBLE YOU, but it inflates your ego instead."

Read: Kris Lawrence inalala ang cellphone incident nila ni Alvin Aragon

Binigyang-diin din ni Cystal na ang paniniwala ay hindi dapat gawing sandata laban sa mga taong pinipiling mamuhay nang malaya.

"If your belief teaches you cruelty, then your religion is just a costume for your BITTERNESS toward people who choose to live freely.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"By the looks of it, God isn’t enough to save you. Hindi dahil nag-fail si God, but because you refuse to practice what you preach."

Read: Sunshine Garcia prays for Izzy and Alvin amid controversy

Sa huli, hinikayat niya si Alvin na pagnilayan ang sariling paniniwala at isabuhay ang mga aral ng kabutihan, pagpapakumbaba, at malasakit sa kapwa.

Saad niya (published as is), "Before you try to save everyone else, start by SAVING YOURSELF first."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Crystal Brosas (left) on Alvin Aragon's (right) statement about LGBT: "It’s very clear that you’re using Christianity as a weapon, and it only proves na hindi mo talaga naiintindihan ang teachings na grabe mong ipaglaban. Faith was meant to HUMBLE YOU, but it inflates your ego instead."
PHOTO/S: Crystal Brosas on Facebook/Cris Raf on YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results