PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pinky Amador reacts to “kain-suka” accusation after Palace event

Pinky: "It doesn't mean that I attend one dinner, I change my political color."
by Arniel C. Serato
Published Feb 23, 2026
piny amador apoy sa dugo
Pinky Amador: "Okay, gusto ko lang sagutin yung mga tinu-troll at bina-bash sa akin na 'kain-suka.' First of all, never ko namang kinain ang UniTeam. Mukhang sila naman ang sinuka ng UniTeam."
PHOTO/S: Arniel C. Serato

Hindi pa man tinatanong ang aktres na si Pinky Amador ay siya na mismo ang nagboluntaryong sumagot sa isyung kinasasangkutan niya ngayon.

Ito ay ang alegasyong "kain-suka" si Pinky dahil sa kanyang pagdalo sa An Evening with the Stars sa Malacañang Palace noong February 13, 2026.

Si Pinky ay kilalang tagasuporta ni dating Vice-President Leni Robredo at hayagang tumutuligsa sa administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte at ng kasalukuyang administasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Aminado ang aktres na isa siyang Kakampink, kagaya ng ibang artista na dumalo sa pagdiriwang kamakailan sa Malacañang kasama sina President Marcos Jr. at First Lady Liza Araneta-Marcos.

Sa table-to-table interview sa ginanap na presscon ng GMA-7 drama series na Apoy sa Dugo nitong Lunes ng hapon, February 23, 2026, siya na ang kusang nagsabing, "Alam ko na tatanungin mo sa akin. Alam ko na.

"KS ba yan? Starts with KS?

"Okay, gusto ko lang sagutin yung mga tinu-troll at bina-bash sa akin na 'kain-suka.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"First of all, never ko namang kinain ang UniTeam. Mukhang sila naman ang sinuka ng UniTeam."

Ang "UniTeam" na tinutukoy niya ay ang political alliance nina noo'y presidential candidate Bongbong Marcos at vice-presidential candidate Sara Duterte sa 2022 national elections.

Si Pinky ay sumuporta sa kandidatura ng mga kalaban nina Bongbong at Sara na sina Leni Robredo at Kiko Pangilinan.

Parehong nanalo sina Marcos Jr. at Duterte, ngunit agad ding nabuwag ang kanilang alyansa at ngayo'y magkalaban na.

Read: Toni Gonzaga, Paul Soriano publicly declare support for Bongbong

An Evening with the stars in Malacañang event

Ipinaliwanag ni Pink ang pagdalo ng ilang Kakampink stars sa An Evening with the Stars sa Malacañang Palace, sa kabila ng hayagan nilang pagtuligsa sa pamumuno ni Marcos Jr.

Pinky Amador, Pokwang spotted partying in Malacanang
Photo/s: Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad ni Pinky: "Isa po itong pagpugay sa mga artista sa pinalakang-tabing, sa dula, at sa telebisyon.

"Kung titingnan niyo po ang mga inimbita nila, a lot of them were Kakampinks.

"So, tatanungin niyo, bakit nila kami binibigyan ng pagpugay, di ba?

"So, parang ano, parang kinakamayan ka lang. Sasampalin mo ba yung kamay o kakamayan mo rin?

"And sa tingin ko naman, sa pag-attend sa isang dinner para po sa pag-honor sa mga artista—na 43 years ko na itong ginagawaI will give them that respect."

Personal din daw kilala ni Pinky ang mag-asawang Marcos.

"Pangalawa, kilala ko po sila personally. When they were in exile, they would come to London.

"Pangatlo, yung tita ko po is their cultural mentor, so I know them personally."

Ang "tita" na tinutukoy ni Pinky ay si Zenaida "Bibot" Amador, ang co-founder ng thetaer group na Repertory Philippines.

Diin pa ng aktres: "And it doesn't mean that I attend one dinner, I change my political color. Hindi po ganun.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Puwede namang nagbibigay ka ng respeto pero nandiyan pa rin ang paninindigan mo."

Natatakot ba siya sa bashers?

"Unang-una, titingnan mo yung mga bashers, walang mukha, walang pangalan, so they are paid trolls.

"Matagal na akong bina-bash. Yan ang natutunan ko kay Moira Tanyag," pagtukoy ni Pinky sa pinasikat niyang karakter sa defunct afternoon drama series na Abot-Kamay na Pangarap.

Dagdag pa niya, "Ang pangba-bash is part of it and I just eat my bashers for breakfast. Sorry. 'La lang."

Pakiusap din ni Pinky, sana ay maging mature na ang lahat pagdating sa pulitika.

"Kasi dapat maging mature na tayo politically, di ba? Na hindi porket nag-attend ka ng isang ano...

"Parang si Ma'am Leni di ba? Tinanggap si BBM dahil magbibigay ng tulong doon sa kanilang bridge. They are doing their job."

Ang tinutukoy naman dito ni Pinky ay ang pagbisita ni Marcos Jr. sa Naga City, kung saan si Leni ang kasalukuyang mayor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad pa niya: "Kami naman, binibigyan ng pugay. Ako naman, 43 years ko na tong ginagawa.

"Hindi naman... hindi ko naman ugali naman mambastos nang ganun.

"Tsaka, hindi naman nagbago ang aking political color. So, why not?"

Inisa-isa rin ni Pinky ang mga nakasama niya sa event na mga Kakampink din.

"Ang mga kasama ko po noong gabing yun, Boots Anson-Roa, John Arcilla, Edu Manzano, Cherry Pie Picache, Nikki Valdez, Maris Racal, Bela Padilla... lahat po yun are from the opposition.

"Lahat po yun gumawa ng kampanya against them [Marcos-Duterte tandem], and yet, nag-attend sila.

"Pati si Ashley [Ortega] nandun, di ba?

"It doesn't mean ganun ka na. It means it's for the industry and we will honor the industry."

Read: News report on Ex-NBA player Bol Bol's arrival draws attention

DARRYL YAP CRITICIZES PINKY AMADOR, CHERRY PIE PICACHE

Ang pinag-ugatan ng isyung "kain-suka" ay ang Facebook post ng kontrobersiyal na direktor na si Darryl Yap noong February 15.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dito ay direktang pinasaringan ng direktor sina Pinky Amador at Pokwang, na dumalo sa pagdiriwang ng mga taga-showbiz industry sa Palasyo.

Si Darryl ay masugid na tagasuporta ni dating Pangulong Duterte at ni VP Sara.

Buong post ni Darryl (published as is): "Dati akala ko, malakas na ang loob ko, akala ko makapal ang mukha ko—

"pero nung nakita ko ang pictures nila Pokwang at Pinky Amador sa paparty ni Bongbong Marcos,Isa pala akong Mahiyain.

"HAHAHAHAHAHAAHAHAHAHHAHAHA!

"yung isa, inalipusta si Ella Cruz dahil sa pagsuporta sa Marcos, yung isa akala mo kung sinong santa sa pag-iinarte at pagsigaw ng Magnanakaw at Human Rights, ayun— present sa pabuffet ng suka.

"Walang masama kung nagbago na ang kanilang paniniwala, or baka wala silang hapunan ng gabing iyon.

"Ang masama ay yung sakit ng salita, panlilibak at panghuhusga nila sa kapwa nung panahon ng kampanya, hindi na mababawi iyon.

"kaya, may respeto na ko ulit kay Cherry Pie."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nag-post muli ang direktor matapos makitang nandoon din sa party si Cherry Pie.

"Ah umattend din pala si Cherry Pie HAHAHAHAHA

"Reporter: Ano po ang masasabi nyo sa paggawa ni Darryl Yap ng Movies tungkol sa Marcoses?

"Cherry Pie: MAY KONSENSYA PA BA SYA?

"HAHAHAHAHAHAAHAHAHAHAHAHAHAHAHAH!

"Lord, Sana hindi pumunta si Direk Joel Lamangan, please— kahit yun na lang. HAHHAHAHA!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tahasang tinutuligsa ni Darryl sina Pinky, Cherry Pie, Pokwang, at Joel Lamangan dahil sa magkaiba nilang paniniwala tungkol sa politika.

Read: Cherry Pie Picache, hindi tatanggap ng pelikula na si Darryl Yap ang direktor

APOY SA DUGO PREEMS ON MARCH 2

Kasamang dumalo ni Pinky sa presscon ng Apoy sa Dugo ang mga bida nitong sina Derrick Monasterio, Ashley Ortega, at Elle Villanueva.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukod kay Pinky, kasama rin sa cast sina Thea Tolentino, Ricardo Cepeda, Toniyuh, Larkin Castor. Ito ay mula sa direksiyon ni Ralfh Manuel Malabunga.

The cast of Apoy sa Dugo (L-R): Toniyuh, Larkin Castor, Cai Cortez, Pinky Amador, AshleyOrtega, ElleVillanueva, DerrickMonasterio, Ricardo Cepeda, Thea Tolentino, and Fonz Nartia.
The cast of Apoy sa Dugo (L-R): Toniyuh, Larkin Castor, Cai Cortez, Pinky Amador, Ashley Ortega, ElleVillanueva, Derrick Monasterio, Ricardo Cepeda, Thea Tolentino, and Fonz Nartia.
Photo/s: Arniel Serato
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang Apoy sa Dugo ay kuwento ng isang magaling na lawyer na si Vanessa (Elle) na nagtatanggol ng mga mahihitap na biktima.

Magkarelasyon sila ni Marco (Derrick) sa istorya, isang negosyanteng pinili ang kanyang pamilya kaysa ambisyon ng kanyang mga magulang.

Nagbago ang takbo ng buhay nina Vanessa at Marco nang dumating ang isang matagal nang nawalay na kaanak ng una, dahil guguluhin ang kanilang buhay ng kanyang half-sister na si Angel (Ashley).

Mapapanood ang Apoy Sa Dugo sa GMA Afternoon Prime simula March 2, 2026, 4:05 P.M., Lunes hanggang Biyernes.

Read: Why Sheryl Cruz, Romnick Sarmenta's teenage M.U. did not work out

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pinky Amador: "Okay, gusto ko lang sagutin yung mga tinu-troll at bina-bash sa akin na 'kain-suka.' First of all, never ko namang kinain ang UniTeam. Mukhang sila naman ang sinuka ng UniTeam."
PHOTO/S: Arniel C. Serato
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results