Ayon kay Paul Salas, maayos ang naging closure nila ng ex-girlfriend niyang si Mikee Quintos.
Saad ng Kapuso hunk: "All good. Nakapag-usap naman na, we had a good closure.
"At ngayon, e, now 2026 and start to move forward, and I'm proud sa lahat ng na-achieve niya ngayon.
"At sana naman. At alam ko naman na proud siya sa akin this year."
Matagal na raw nangyari ang closure nila.
Magkaibigan pa rin ba sila?
Sagot ni Paul: "Opo, masasabi ko namang kaibigan naman. But, of course, with boundaries.
"Siyempre kasi hindi rin naman biro napagdaanan namin. It's a four-year relationship so medyo mahirap din talaga.
"And I think 2026 is the time na enjoy-in namin ang aming age, ang aming pagiging single, at ang aming mga purpose na binibigay ni Lord."
Sa tingin ba niya ay bata pa siya noon kaya hindi nagtuluy-tuloy ang kanilang relasyon?
Sagot niya, "Bata pa ako nun sa relationship? Hindi naman po, di naman.
"I think, medyo mas ano lang... hindi pa ganun ka-mature sa relationship.
"But, sa napagdaaan na naman namin ni Mikes, e, dun naman kami siguro talagang nag-mature both.
"And ayun, nagsuportahan kami sa isa't isa at hindi ko makakalimutan naman na yun, dala-dala ko yun."
Nakakuwentuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Paul pagkatapos ng presscon ng Stars On The Floor Season 2 nitong Lunes, February 23, 2026.
Ginanap ang presscon ng first phase ng competition sa Season 2 na "Collabo-Labong Labanan" sa Studio 7 ng GMA Network.
Present dito sina Marian Rivera, Jasmine Curtis-Smith, Rocco Nacino, Shanty Videla, at Sugar Mercado.
Kasama rin sa presscon ang P-pop Dance Star na si Joker of 1st.One, Denise of Calista, Jeromy ng Hori7on, at Jao ng Alamat.

Ang first phase ng "Collabo-Labong Labanan" ay labanan ng dance duos.
Magiging mag-partner sina Jasmine at Joker, Rocco at Denise, Chanty at Jeromy, Paul at Sofia, at Sugar at Jao.
Isa naman sa mga judge ng show ay si Marian.

Read: Brent, Xyriel, Dustin, Bianca: Checking In
PAUL SALAS ON OUT-OF-TOWN EVENTS INCIDENT
Sa ngayon, ini-enjoy raw ni Paul ang out-of-town shows dahil in-demand siya doon.
Lahad niya: "Siyempre in-enjoy ko po mag-perform talaga.
"At alam naman ng ating mga taga-Luzon, Visayas, at Mindanao kasi siguro po kapagka nagpi-perform po ako sa stage, andun talaga isang goal ko, e, at isang purpose ko, which is magpasaya lang ng tao.
"And lagi kong prayer yan bago umakyat ng stage na, 'Lord, gamitin mo ako toto show happiness at makapagbigay man lang ng konting good memory sa kanila.'"
Natatawa naman si Paul nang balikan ang isang pangyayari sa 76th founding anniversary ng Brookes Point, Palawan, noong June 2025 kung saan natumba ang isang babaeng audience dahil hinila pala niya ang monoblock chair na inuupuan nito.

Sabi niyang natatawa: "Ayun po, di ko talaga alam, di ko talaga alam papaano nangyari.
"The next day ko na lang naman sa eroplano. Hindi ko talaga alam noong time na yun.
"Ba't nung nalaman ko agad sa eroplano, minessage ko agad. Nakapag-usap naman kami.
"At sabi ko, 'Sorry po.' Sabi ko, 'Sorry po di ko sinasadya ngayon ko lang nakita. Pagkababa ko na sa eroplano.'"
Dagdag pa ni Paul: "Nandun ka na sa momentum, e, nakita ko bakante yung upuan.
"So, kinuha ko para umakyat sa mga tao, di ko alam na uupo pala siya.
"So it's an epic moment at ano naman, hindi naman siya naging big deal din."
Ano pa ang mga naranasan niyang nakakatawa sa gigs niya?
Kuwento ni Paul: "Nata-touch, siguro may mga ganun, may dampi.
"Kasi di natin maiwasan, minsan may kiss, minsan may dampi sa baba, ganyan. Nakakapa lang... mga ganun."
Read: Paul Salas literally redefines “pa-fall” at Palawan event
