Kumpleto na ang walong celebrity housemates na magtatapat-tapat sa pinakaabangang Big Night ng Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition 2.0.
Ito ay matapos lumabas ng PBB house sina Marco Masa at Carmelle Collado ngayong Sabado ng gabi, February 21, 2026,
Read: Karla, inaming hindi pinapanood ni Daniel si Lella sa PBB
Silang dalawa ang last evictees ng PBB: Celebrity Collab Edition 2.0.
Ibig sabihin, sila ang nakakuha ng pinakamababang text votes mula sa publiko.
Habang ang kapwa nila nominado na sina Miguel Vergara, Joaquin Arce, Heath Jornales, at Princess Aliyah ay pinalad na manatili sa loob ng bahay at mapasama sa Ultimate Big 8.
Read: Ellen Adarna debunks report that Derek Ramsay is a "good provider"
Batay sa ipinakitang tally of votes, nakuha ni Heath ang pinakamaraming boto na 47.57%, pumapangalawa si Princes na may 30.96%, at Marco na may 21.47% sa hanay ng mga Kapuso nominees.
Habang si Miguel naman ang nakakuha ng pinakamaraming boto sa hanay ng Kapamilya nominess.
Nakapagtala siya ng 38.42%, sinundan ni Joaquin na may 36.85%, at Carmelle na may 24.73%.
Samantala, sa muli nilang pagbabalik sa outside world, hindi napigilang maging emosyonal nina Marco at Carmelle nang salubungin sila ng kanilang pamilya at fans.
MEET THE ULTIMATE BIG 8 OF PBB: CELEBRITY COLLAB 2.0
Sa ngayon, kumpleto na ang walong celebrity housemates na maglalaban sa Big Night sa February 28.

Ito ay sina Lella Ford, ang Blooming Bunso ng Tacloban; Krystal Mejes, ang Wishful Waray ng Samar; Miguel Vergara, ang Adorable Smasher ng Antipolo; at Joaquin Arce, ang Rising Dreamer ng Muntinlupa.
Read: Caprice Cayetano, Lella Ford advance to PBB Ultimate 8
Habang sa panig ng Kapuso ay sina Caprice Cayetano, ang Demure Daughter ng Quezon City; Ashley Sarmiento, ang Longing Sweetheart ng Las Piñas; Heath Jornales, ang Fighting Prince ng Taguig; at Princess Aliyah, ang Royal Songstress ng Bulacan.
