PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ellen Adarna spills on child support from Derek vs. John Lloyd

Ellen: "Fun fact-hinamon din niya ng away si JL in real life..."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Feb 21, 2026
Ellen Adarna compares exes John Lloyd, Derek on child support
Ellen Adarna (center) commends John Lloyd Cruz (left) for being proactive in co-parenting their seven-year-old son, while she alleges that estranged husband Derek Ramsay (right) has been inconsistent in providing financial support for their one-year-old daughter.
PHOTO/S: Ellen Adarna/John Lloyd Cruz/Derek Ramsay on Instagram

Sa pangalawang pagkakataon, pinuri ni Ellen Adarna ang dating partner na si John Lloyd Cruz na mabuti raw na ama sa pitong taong gulang nilang anak na lalaki.

Ito ay sa gitna ng pagbubunyag ni Ellen sa isyu ng financial support ng estranged husband niyang si Derek Ramsay sa unica hija nilang may edad na isang taon at apat na buwan.

Sa Instagram Stories ni Ellen nitong Biyernes, February 20, 2026, isiniwalat niyang hindi umano agad nagbigay si Derek ng sustento kung hindi pa niya ito pinaalalahanan.

Read: Ellen Adarna debunks report that Derek Ramsay is a "good provider"

Ayon sa aktres, mula October hanggang December 2025 ay wala umanong naibigay na sustento si Derek para sa kanilang anak.

Ellen Adarna disputes Derek Ramsay’s
Derek Ramsay and Ellen Adarna.
Photo/s: Derek Ramsay on Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dahil dito, sinabi raw niyang hindi makakalapit si Derek sa bata kung hindi ito magbibigay ng pantustos sa mga gastusin nito, matapos nilang lumayas sa bahay ng aktor.

Read: Ellen Adarna packs up; ready to leave Derek Ramsay's house

Nagbigay naman umano si Derek ng credit card na may PHP50,000 monthly limit, dalawang linggo pa lamang ang nakalipas.

Ayon kay Ellen, sa kanyang computation, lumalabas na “55.80 percent” lamang umano iyon ng kabuuang monthly expenses ng kanilang anak.

Ellen commends John Lloyd for being a good provider

Ani Ellen, ibang-iba si Derek sa ex-boyfriend niyang si John Lloyd, na ama ng panganay niyang si Elias.

Read: Ellen Adarna posts cryptic message about 'buti-buting tao'

Si John Lloyd daw kasi ay kusang nagbigay ng sustento sa kanilang anak, kahit matagal na silang hiwalay.

Pagbibida ni Ellen, "In fairness talaga kaya JL (John Lloyd), wala akong masabi.

"Hindi na kailangan, you know, pagsabihan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"JL and I are better off as co-parents, as in, super okay kami sa co-parenting namin."

"JL" ang tawag ni Ellen kay John Lloyd.

Read: Ellen Adarna praises John Lloyd Cruz for being a "present father"

Kuwento pa ng aktres, nang mabalitaan umano ni John Lloyd ang paglipat nilang mag-iina ng tirahan ay agad itong nag-alok ng tulong.

Ellen praises John Lloyd as “very good provider” to son Elias
John Lloyd Cruz and Ellen Adarna.
Photo/s: Ellen Adarna on Instagram
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pagbabalik-tanaw niya, "Tsika lang [din], when he found out that we moved houses, of course, Elias, anak niya kasama.

"You know what he offered? Like, 'Len, kung ano man kailangan niyo, just let me know. Baka makatulong kami.'"

"Ganoon, di ba, nagkusa. So there, you know. Iba't iba talaga ang tao, yung may kusa and [wala]."

Read: Beauty believes Ellen does not need support after separation

ELLEN SAYS DEREK PICKED A FIGHT WITH JOHN LLOYD

Dahil dito, may ilang tagahanga ni John Lloyd ang nagbalik sa linya niya sa hit movie na One More Chance (2017).

Sa pelikula, gumanap si John Lloyd bilang Popoy at katambal niya niya si Bea Alonzo na gumanap na Basha.

Sakto namang kasama rin si Derek sa pelikula, na gumanap bilang Mark, ang lalaking na-link kay Basha (Bea Alonzo) nang magkahiwalay sila ni Popoy.

Kay Mark binitawan ni Popoy ang linyang: "Malaki lang ang katawan mo, pero hindi mo ako kayang patumbahin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Komento tuloy ng isang netizen kay Ellen, "Sabi nga ni Popoy: "Malaki ka lang, pero hindi mo ako kaya!"

Mabilis itong nireplayan ni Ellen na waring pinapasaringan si Derek.

Ani Ellen, "Ay walang sinabi dai...ahahahahahaha."

Sumunod na rebelasyon ni Ellen, sa tunay na buhay ay si Derek raw ang minsang naghamon ng away kay John Lloyd.

Kabaliktaran ito sa nangyari sa One More Chance, na si Popoy ang naghamon ng away kay Mark.

Rebelasyon ni Ellen, "Fun fact-hinamon din niya ng away si JL in real life #truth."

Pagkatapos i-post iyon ni Ellen sa IG ay marami raw "nag-message" sa kanya para ituloy niya ang kanyang kuwento.

Sabi naman ni Ellen, "Basta ang importante ang ending ay hindi siya pinatulan, walang suntukan kasi puro siya [salita] parang chihuahua, na hypnotize ata si JL sa dami niyang sinabi, naguluhan at nalito... This happenend twice."

Sa kasalukuyan, walang komento sina Derek at John Lloyd hinggil sa mga binitawang pahayag ni Ellen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nabanggit naman ni Ellen na hindi raw sana siya magsasalita tungkol sa isyu ng financial support ni Derek sa kanilang anak kung hindi raw dahil sa "misleading" na balita na kinailangan daw niyang ikorek.

HISTORY WITH DEREK AND JOHN LLOYD

Nakarelasyon ni Ellen si John Lloyd mula 2017 hanggang August 2019.

Read: John Lloyd Cruz and Ellen Adarna love story: A timeline

Habang sina Ellen at Derek ay naging magkasintahan noong February 2021. Hindi nagtagal ay ikinasal sila noong November 11, 2021.

Nauwi sa hiwalayan ang mag-asawang Derek at Ellen noong October 2025.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ellen Adarna (center) commends John Lloyd Cruz (left) for being proactive in co-parenting their seven-year-old son, while she alleges that estranged husband Derek Ramsay (right) has been inconsistent in providing financial support for their one-year-old daughter.
PHOTO/S: Ellen Adarna/John Lloyd Cruz/Derek Ramsay on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results