PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Former actor Joseph Sytangco passes away at 71

Joseph Sytangco was acting in films from the '70s to the early '80s.
by Erwin Santiago
Published Feb 21, 2026
joseph sytangco death
Former actor Joseph Sytangco, who was active in films from the 1970s to the early 1980s, passed away on February 8, 2026. He was 71.
PHOTO/S: Pelikulaatbp.blogspot / Facebook

Pumanaw na ang dating aktor na si Jospeh Sytangco noong February 8, 2026.

Siya ay 71.

Walang ibang detalyeng ibinigay ang mga kaanak at kaibigan ni Joseph, ngunit ayon sa isang kaibigan ng pamilya ng aktor, "lingering illness" ang sanhi ng kanyang pagpanaw.

Ibinahagi rin ng pamilya ng aktor sa social media ang isang obituary artcard kung saan nakasaad dito ang araw ng kanyang kapanganakan (July 23, 1954) at araw ng kanyang kamatayan (February 8, 2026).

Kapansin-pansin na ang tunay na spelling ng apelyido ay "Siytangco," ngunit inalis ang letrang "i" at ginamit ang Sitangco bilang kanyang screen name.

Read: Veteran actress Vangie Labalan passes away at 83

joseph sytangco
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JOSEPH SYTANGCO'S MOVIE CAREER

Marami nang hindi nakakakilala kay Joseph Sytangco dahil mahigit isang dekada lang ang itinagal ng kanyang movie career.

Nagsimula ang kanyang acting career nang ipakilala siya sa pelikulang My Prayer noong 1971. Bida rito sina Nora Aunor at Ricky Belmonte.

my prayer 1971

Sa sumunod niyang pelikula, ang Sosayting Batañguena (1971), ay above the title na ang billing ng kanyang pangalan. Kasama niyang bida sa pelikula sina Ricky Belmonte, Geraldine, at Aurora Salve.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
sosayting batanguena

Kabilang pa sa film credits ni Joseph ang Dyesebel (1973) na pinagbidahan ni Vilma Santos; Super Gee (1973) na pinagbidahan ni Nora Aunor; ang critically acclaimed na Tinimbang Ka Ngunit Kulang (1974); Karugtong ang Kahapon (1975) kung saan bida sina Vilma at Edgar Mortiz; Tag-ulan Sa Tag-araw (1975) nina Vilma at Christopher de Leon; at ang socially relevant movie na Sakada (1976).

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
joseph sytangco gloria romero sakada
Joseph Sytangco and Gloria Romero in Sakada

Si Joseph ang gumanap na leading man sa mga pelikulang Isang Gabi Sa Buhay ng Isang Babae (1976) katambal si Helen Morgan; Hindi Sa Iyo Ang Mundo, Baby Porcuna (1978) katambal si Beth Bautista; Manikang Papel (1978); at Sa Akin Ka Magpakasal (1980) katambal si Marianne dela Riva.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
sa akin ka magpakasal

Ang huling dalawang pelikula niya, ayon sa nakatala sa IMDB, ay ang Mga Uod at Rosas at Medalyang Ginto na parehong ipinalabas noong 1982.

Read: Barretto matriarch Inday Barretto dies at 89

JOSEPH SYTANGCO: LIFE AFTER SHOWBIZ

Mula noon ay wala nang gaanong nabalitaan tungkol kay Joseph.

Sa pagsasaliksik ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa LinkedIn, napag-alamang si Joseph ay nagtapos ng kursong Marketing sa University of the East.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ikinasal siya sa businesswoman na si Kathleen Malabanan. Mayroon silang dalawang anak: sina Brian at Steven.

Nanirahan ang kanilang pamilya sa Valencia, Santa Clarita, California.

Pumanaw si Kathleen noong March 6, 2000.

Kabilang sa naging trabaho ni Joseph sa Amerika ay bilang district manager ng DC Energy Consultants, isnag kompanyang nagsu-supply ng solar panels at batteries.

Read: Award-winning actor Raoul Aragon dies at 78

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Former actor Joseph Sytangco, who was active in films from the 1970s to the early 1980s, passed away on February 8, 2026. He was 71.
PHOTO/S: Pelikulaatbp.blogspot / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results