Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagpaunlak ng panayam si Rhian Ramos sa gitna ng kinahaharap niyang kontrobersiya.
Dawit ang kanyang pangalan, pati na ang mga kaibigan niyang sina Michelle Dee at Samantha Panlilio, sa alegasyong torture at serious illegal detention ng driver ni Rhian na si Bonifacio Tibayan Baro.
Sa panayam sa kanya ni Aubrey Carampel para sa 24 Oras, ang primetime news program ng GMA-7, ngayong Biyernes, February 20, 2026, inamin ni Rhian na "stressful" ang pinagdadaanan niya nitong mga nakaraang araw.
Pero umaasa raw siyang sa huli ay lalabas din ang katotohanan.
Saad ng Kapuso actress: "Well, honestly, siyempre sino ba naman matutuwa? And I can say, yes, it's, in a way, stressful.
"Pero I'm also quite confident na the truth will set us free."
Read: Rhian at Michelle, inireklamo ng torture at illegal detention
NOT THE RIGHT TIME
Hindi raw siya makapagbibigay ng iba pang detalye ukol sa kinakaharap nilang reklamo dahil sa usaping legal.
Ani Rhian: "I just can't give so much details about everything because we might be waiting for a possible case or whatever, so can't give too many details.
"But, yeah, in the end, the truth will set us free."
Nangako siyang magsasalita sa tamang panahon.
"Oo naman. It's just not the right time right now.
"And, you know, honestly, a lot of people are asking me to defend myself.
"More important thing right now is not to defend myself because I don't need to."
Read: Michelle Dee, sinampahan ng qualified theft ang driver ni Rhian Ramos
