PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sunshine Garcia: Relationship should not be “toxic, nakakasakal…”

Did Sunshine Garcia throw a subtle shade at Alvin Aragon?
by Bernie V. Franco
Published Feb 20, 2026
Sunshine Garcia
Sunshine Garcia on naysayers nudging her husband Alex Castro: “Kasi meron talagang nagsasabi sa kanya na, ‘Dapat hindi mo na yan pinasasayaw. Vice governor ka na, nasa politics ka. Dapat ang asawa mo ganito kumilos.’”
PHOTO/S: Sunshine Garcia on Instagram

Ipinagmalaki ng SexBomb Girls member na si Sunshine Garcia ang kanyang mister na si Alex Castro, vice governor ng Bulacan.

Hindi man daw perpekto ang kanilang pagsasama, may respeto sila sa isa’t isa.

Isang bagay na ipinagpapasalamat daw ni Sunshine ay hindi siya pinagbabawalan ng asawa at hindi siya nais baguhin nito, tulad na lamang ng pagiging miyembro niya ng SexBomb Girls.

Read: Jopay Paguia hesitated returning to SexBomb Girls due to religion

“Sobra akong napa-proud sa kanya… thankful ako sa kanya dahil sinusuportahan niya kung ano yung gusto kong gawin,” pahayag ni Sunshine sa interview niya sa Unang Hirit nitong Biyernes, February 20, 2026.

Pag-amin ng dancer-actress, may mga humihikayat sa kanyang mister na patigilin na siyang sumayaw at kumilos bilang maybahay ng isang vice governor.

“Kasi meron talagang nagsasabi sa kanya na, ‘Dapat hindi mo na yan pinasasayaw. Vice governor ka na, nasa politics ka. Dapat ang asawa mo ganito kumilos.’”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa kabila nito, hindi raw siya dinidiktahan ni Alex.

Pagbabahagi ni Sunshine, “Ang sabi niya lang sakin, ‘Mama, kahit na anong mangyari, huwag mong babaguhin yung sarili mo.’ Yun siya.”

Katuwiran ni Sunshine, ganoon na siya nakilala ni Alex bago pa sila naging magkarelasyon.

“Tsaka alam niya kasi kung ano yung love kong gawin. So, ayaw niya na parang hahadlangan niya na parang, ‘Okay, hindi mo puwedeng gawin yan. Dapat ganito ka na.’

"Hindi siya ganoon.”

Si Alex ay naging artista rin bago pinasok ang pulitika.

Sunshine Garcia
Sunshine Garcia says husband Alex Castro never persuaded her to leave SexBomb or change who she is.
Photo/s: GMA Public Affairs on YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

SUNSHINE GARCIA ON TOXIC RELATIONSHIP

Inusisa ng Unang Hirit hosts si Sunshine kung naramdaman ba niyang sinubukan siyang kontrolin ni Alex.

Matutukoy sa sagot ni Sunshine na isang recurring issue pagdating sa kanya ang pagiging SexBomb Dancer niya at kabiyak ng isang pulitiko.

Hindi raw naramdaman ni Sunshine na kinokontrol siya o tinangkang baguhin ng asawa. Pero may bilin daw si Alex na kumilos o magbihis nang naaayon sa pagkakataon dahil pulitiko ang kanyang mister.

“Hindi siya yung, ‘Wag mong suotin yan. Ay, bakit ganyan ang suot mo? Palit.’

“May mga time na hindi niya ako pinapayagan [sa pananamit]. Kapag nasa Bulacan kasi ako, may mga usapan kami na, ‘O, ang damit kailangan yung presentable.’

"Alam ko naman kasi kung kelan ko ipe-present ang sarili ko,” katuwiran ni Sunshine.

Inulit ni Sunshine ang pahayag sa kanya ni Alex na, “Huwag babaguhin ang sarili mo. Kung ano ka, iyon ka. Hindi mo kailangang mag-adjust sa ibang tao na sabihin nila na dapat hindi na ganyan ang arte ni Sunshine.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa isa pang segment ng Unang Hirit, pinag-usapan ang isyu kung sino ang dapat masunod sa mag-asawa: ang babae o ang lalaki?

Dito ikinuwento ni Sunshine ang dynamics nila ni Alex bilang married couple.

Paliwanag ni Sunshine: “Pareho naming sinusuportahan yung gusto namin

"Kasi hindi ito ownership na, ‘Ah, hindi ito pupuwede. Huwag mong gawin yan. Hindi ka dapat ganito. Hindi ka dapat…’ Hindi ganun, e.

“So, nagbibigayan kaming dalawa. Mas maganda yung pareho niyong sinusuportahan ang gusto ng isa't isa.”

Sunshine Garcia, Alex Castro
Sunshine says while husband Alex Castro does not control o dictate her, Sunshine knows what is expected of her as the wife of the Bulacan vice governor.
Photo/s: Sunshine Garcia on Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

At kung salungat naman daw ang pananaw nila sa isang bagay, nagkakaroon sila ng kompromiso. Nagbibigayan sila.

Sa kaso ni Sunshine, kapag alam daw niyang mas may katuwiran si Alex, siya ang nagbibigay. Hindi raw niya hinahayaang pangunahan siya ng kanyang ego.

Hiningan ng final thoughts si Sunshine tungkol sa paksa sa kung sino ang dapat masusunod sa mag-asawa.

Sagot niya: “Basta kung ano yung magwo-work sa inyong mag-asawa.

"Kasi hindi natin puwedeng i-apply kung ano yung nagwo-work sa aming mag-asawa, e, sabihin ko din na, ‘O, dapat ganyan ang asawa mo. Dapat ganyan kayo.’

“Hindi pupuwede yon kasi nasa inyong pag-uusap yan mag-asawa.

“As long as nakikita niyo na okay naman kayo doon, maggu-grow kayo.

"Hindi nakakasakal ang asawa niyo, hindi possessive, hindi controlling, yun nga… yung paggu-grow, e, okay kayo.”

DID SUNSHINE JUST THROW SHADE AT ALVIN ARAGON?

Kasunod ng kanyang Unang Hirit guest appearance, ngayong araw ay may ganitong post si Sunshine sa Instagram (published as is): “Walang ‘PERFECT’ life, relationship or marriage. Minsan marami kayong kailangan pagdaanan para masubukan kung gaano kayo ka strong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“As long na ang relationship nyo ay hindi toxic, nakakasakal, controlling, manipulative, one sided, hindi nanakit physical and emotional then all goods kayo.

“Masarap lang sa pakiramdam na tatanggapin at mamahalin ka ng taong mahal mo.

“Kasama sa relasyon ang tanggapin pati flaws nya (uyyy wag lang sobra baka abusado na) At meron kayo magandang communication at pag iintindi sa isat isa ayyyy kasarap ng may partner.”

Read: Did Sunshine Garcia take a subtle swipe at Alvin Aragon?

Kamakailan ay nadawit sa isyu sina Sunshine at Alex matapos magbigay ng pahayag si Alvin Aragon ukol sa kanila ng asawang si Izzy Trazona.

May kinalaman ito sa matinding pagtutol ni Alvin na muling bumalik sa grupong SexBomb si Izzy dahil sa paraan daw ng sayaw at pananamit nila na “pinagnanasaan ng mga lalaki.”

Ganito rin ang paniniwala ni Izzy.

Sa isang podcast, may pahayag si Alvin na hindi na raw dapat pinapayagan ni Alex si Sunshine na sumayaw at mag-perform bilang SexBomb Dancer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tumanggi namang magkomento ni Sunshine at Alex sa isyu.

Read:

Subalit hindi maiiwasang isiping may pahaging si Sunshine sa kanyang mga pahayag sa Unang Hirit at sa kanyang Facebook post.

Ganito rin ang naisip ng ilang netizens batay sa mga komento nila sa post ni Sunshine.

Hirit nila, “the shade is shading” sa post ni Sunshine.

Komento ng isa pa: "May pinapatamaan ba ang talakerang Nanay?"

Narito pa ang ilang comments ng netizens:

Netizens shade 1
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
netizen shade 2
netizen shade 3
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
netizen shade 4

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sunshine Garcia on naysayers nudging her husband Alex Castro: “Kasi meron talagang nagsasabi sa kanya na, ‘Dapat hindi mo na yan pinasasayaw. Vice governor ka na, nasa politics ka. Dapat ang asawa mo ganito kumilos.’”
PHOTO/S: Sunshine Garcia on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results