PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sofia Trazona pleads to stepfather Alvin Aragon to stop the hate

Sofia Trazona to Alvin Aragon: "Pagod na pagod na ako. Tama na!"
by Khryzztine Joy Baylon
Published Feb 20, 2026
Sofia Trazona to Alvin Aragon: "Pagod na pagod na ako. Tama na!"
Sofia Trazona (left) reacts to Alvin Aragon’s (right) new statements about her sexual identity: “Hindi ko rin alam kung saan nanggagaling yung galit mo diyan sa puso mo kasi, to be honest, dapat naman full of love tayo, e."
PHOTO/S: Sofia Trazona on Facebook

"Pagod na pagod na ako. Tama na!"

Ito ang nagsusumamong pakiusap ni Sofia Trazona sa stepfather niyang si Alvin Aragon, matapos magbigay muli ng pahayag ang aktor tungkol sa pagiging trans woman ni Sofia.

Sofia Trazona
Sofia Trazona.
Photo/s: Ogie Diaz on YouTube

Si Sofia, kilala rin bilang Andrei Trazona, ang panganay na anak ng misis ni Alvin, ang dating SexBomb Girls member na si Izzy Trazona.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nitong Huwebes, February 19, 2026, isang panibagong interbyu ni Alvin ang pinag-uusapan online.

Dito ay muli niyang kinuwestiyon at ipinagdiinan ang aniya'y maling desisyon ni Sofia na maging ganap na trans woman.

Naniniwala si Alvin na hindi nagabayan nang maayos si Sofia ng kanyang biological father na si Michael Navarro, kaya ito nalihis diumano ng landas.

Lumaki raw kasi si Sofia sa pangangalaga ng kanyang lola at tiyahin kaya nakuha nito ang malambot nilang mga galaw.

Read: Alvin Aragon criticizes celebrity parents of LGBTQIA+ children

Sa nasabing panayam ay hindi rin itinanggi ni Alvin ang naging rebelasyon kamakailan ni Sofia na minsan na siyang napagbuhatan ng kamay ng kanyang stepfather.

Ngunit paglilinaw ng StarStruck alumnus, dahil sa katigasan ng ulo ni Sofia kaya niya ito nasaktan.

Rebelasyon ni Alvin, sa sobrang galit niya noon kay Sofia ay "napitserahan" niya ito.

Read: Sofia Trazona claims stepfather Alvin Aragon hit her once

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bagamat inamin ni Sofia sa isang panayam noong February 17, 2026, na minsan na siyang napagbuhatan ng kamay ng ama-amahan, hindi niya sinabing pinitserahan siya nito, sa pag-iingat daw na kamuhian ng iba ang asawa ng pinakamamahal niyang ina.

Ang tangi lang niyang sinabi noon ay na-late siya ng uwi sa kanilang tahanan, na siyang ikinainit ng ulo ni Alvin.

SOFIA TO ALVIN: "Wala akong intensiyon na sirain ka..."

Dahil sa muling pagsasalita ni Alvin ay napilitang muling magsalita si Sofia.

Umaasa ang panganay na anak ni Izzy na madadala sa pakiusap si Alvin na itigil na nito ng pagsasalita at pagkamuhi sa sekswalidad na kanyang pinili.

Read: Sofia Trazona reacts to stepdad Alvin Aragon's anti-gay remarks

Bukod sa sarili, pagod na rin daw siyang depensahan ang ina sa sasabihin ng publiko sa tuwing nagpapaunlak ng panayam si Alvin, na tinawag niyang "Mr. Aragon."

Pahayag ni Sofia sa video na in-upload niya sa Facebook: "To Mr. Aragon, I am addressing this specifically to you dahil, to be honest, I am tired and hurting.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"At pagod na rin akong mag-defend at proteksyunan ang nanay ko sa lahat ng mga interviews, sa lahat ng mga nangyayari dito sa social media, napapagod na din ako.

"Gusto ko na rin matapos ang lahat-lahat ng ito."

Read: Wilma Doesnt, uminit ang ulo kay Alvin Aragon

Nagtatakang pagpapatuloy niya: “Hindi ko rin alam kung saan nanggagaling yung galit mo diyan sa puso mo kasi, to be honest, dapat naman full of love tayo, e.

"Wala namang perfect na Christian, pero at the same time, bakit? Wala na bang grace? Wala nang compassion?"

SOFIA TRAZONA REVEALS WHAT ALVIN ARAGON DID TO HER

Ayon kay Sofia, sinubukan pa niyang protektahan ang asawa ng ina na hindi isiniwalat ang mga pangyayari nang minsan siyang saktan nito, ngunit lumalabas daw ngayon na si Alvin mismo ang gustong sumira sa kanyang pangalan nang ibunyag nito kung paano siya pinagbuhatan ng kamay noon.

Saad ni Sofia: “Bakit kailangan mong sirain ang sarili mo? Bakit kailangan mo rin akong sirain?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"And honestly, pagod na pagod na ako. Hindi ko alam kung kailan matatapos ito.

"I even protected you sa isang interview. Hindi ko nga sinabi na sinakal mo ako, di ba? Pero ayun talaga ang totoong nangyari."

Read: Celebrities react to Alvin Aragon’s controversial religious stand

Tumagal din daw ng ilang segundo ang pananakal ni Alvin kay Sofia.

Pero kahit ganoon ang nangyari ay hindi niya ito pinersonal dahil akala raw niya ay normal ang ganoong klaseng pagdidisiplina.

Sa ngayon ay wala raw ibang hangad si Sofia kundi matuldukan na ang kontrobersiyang kinasasangkutan nilang pamilya.

Wala naman daw siyang intensiyong masama sa bagong pamilya ng kanyang ina.

Read: Jopay Paguia saddened by Alvin Aragon’s remarks vs SexBomb Girls

Kung tutuusin, masaya raw siyang makita ang mga ito na masaya, kaya naman hiling din niya sa mga ito na respetuhin ang kanyang desisyon at buhay, gaya ng pagrespeto niya sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi niya: “Pagod na pagod na ako. Tama na!

"Wala akong intensiyon na sirain ka. Wala akong intensiyon na masira yung family niyo.

“I’m happy for you, guys. Susuportahan ko kayo kung saan man niyo gusto mapunta in life.

"Let’s just focus on that. Let's just focus on whatever we want to do in life."

Full story: 9 celebrity parents who embrace and support their LGBTQ+ children

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sofia Trazona (left) reacts to Alvin Aragon’s (right) new statements about her sexual identity: “Hindi ko rin alam kung saan nanggagaling yung galit mo diyan sa puso mo kasi, to be honest, dapat naman full of love tayo, e."
PHOTO/S: Sofia Trazona on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results