PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

K reacts to Alvin's remarks vs celeb parents with LGBTQIA+ kids

K Brosas: "Huwag mong husgahan ang pagpapalaki ko sa anak ko."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Feb 20, 2026
K Brosas reacts after Alvin Aragon name-drops her
K Brosas (left) to Alvin Aragon (right): "Parang kinondena mo kami dahil tanggap namin yung mga anak namin, dahil member sila ng LGBTQ. Ano namang pakialam mo. May ambag ka ba kahit noong preschool, nagbigay ka ba ng baon?"
PHOTO/S: K Brosas on Fcaebook/Cris Raf on YouTube

Hindi pinalampas ni K Brosas ang pagbanggit sa kanyang pangalan ng kontrobersiyal na StarStruck alumnus na si Alvin Aragon bilang isa sa celebrity parents na kinukunsinti umano ang mga anak nilang miyembro ng LGBTQIA+ community.

Sa panayam ni Alvin sa YouTube vlog ng content creator na si Cris Rafael na in-upload nitong Huwebes, February 19, 2026, direkta niyang binanggit ang mga pangalan nina K, Gloc-9, at Ian Veneracion nang mapag-usapan ang sexual orientation ng stepchild ni Alvin na si Sofia Trazona.

Si Sofia, na isang trans woman at kilala rin bilang Andrei Trazona, ang panganay na anak ng misis ni Alvin, ang dating SexBomb Girls member na si Izzy Trazona.

Bagagi ng pahayag ni Alvin tungkol sa celebrity parents na kinukunsinti umano ang mga anak nilang miyembro ng LGBTQIA+: "Si Gloc 9, tuwang-tuwa, ginawan pa ng kanta yung anak niya.

"Ayun ba ikinalulugod ng Diyos? [Na parang] palakpakan mo yung lalaki mong anak na ginawa Niya na nagpakabakla, whooo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Si K Brosas, tuwang-tuwa. Si Ian Veneracion, tuwang-tuwa.

"Tapos sino yung tumatayo sa kung anong tama sa mata ng Diyos na huwag kang magpakabakla? Kami ni Izzy, [tapos] kami pa masama?

"Kumusta, world? Pinapalakpakan natin yung mali.

"Ine-encourage niyo pa. Sasabihin niyo love yon, i-accept?"

Read: Alvin Aragon criticizes celebrity parents of LGBTQIA+ children

K BROSAS SLAMS ALVIN ARAGON'S OPINION ABOUT CELEBRRITY PARENTS WITH LGBTQIA+ CHILDREN

Dahil sa pagbanggit ni Alvin sa kanyang pangalan, hindi nakapagtimpi ang comediene-singer na si K Brosas na ito'y palagan.

Ayon kay K, sa isang video na ini-upload niya sa Facebook, ayaw na sana niyang sumawsaw sa gulong kinasasangkutan ni Alvin kundi lang ito nag-name-drop nang kuwestiyunin nito ang pagpapalaki niya sa kanyang anak.

Pagsita ni K kay Alvin: "Ayoko sana magsalita kaso binanggit mo pangalan ko, Kuya, e. Binanggit mo kami.

"Parang kinondena mo kami dahil tanggap namin yung mga anak namin, dahil member sila ng LGBTQ.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ano namang pakialam mo? May ambag ka ba kahit noong preschool, nagbigay ka ba ng baon?

"Mayroon [ka] pang palakpak na 'whooo!' Yung galit mo, Kuya, [iba].

"Noong nag-come out ang anak ko at sinuportahan ko, hindi naman lahat pinalakpakan ako.

"Marami din naman, mangilan-ngilan na siyempre mga katulad mo—hardcore na Christian, although may mga kilala rin naman akong Christian na may respeto naman.

"Ikaw kasi, yung galit mo, iba, e."

Read: Celebrities react to Alvin Aragon’s controversial religious stand

Hirit pa ni K: "Huwag kang mag-alala. Feeling ko, one of these days, makakatikim ka rin ng palakpak sa mukha. Charot lang.

"Tapos, palagi mong mine-mention yung Bible. E, ayoko talagang pag-usapan ang Bible kasi lagi binabanggit yung Sodom and Gomorrah.

"Yung totoo, Kuya, nandon ka ba? Baka na-Facebook Live mo. Charing.

"Again, nagdyo-joke lang ako."

Read: 17 coming-out stories of Filipino celebrities

Aminado si K na noong napanood niya ang mga interbyu ni Alvin ay wala siyang ibang naramdaman kundi inis dahil sa pasan nitong galit, hindi lang sa LGBTQ commmunity kundi maging sa pananamit at at galaw ng mga babae.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Lahad ni K: "Nairita ako, sa totoo lang. Yun lang talaga. Dinadaan ko lang sa joke.

"Kasi yung galit mo sa buong member ng LGBTQ, hindi lang sa LGBTQ, [pati] yung galit mo sa mga pananamit, yung mga songs and everything... ang dami.

"So, ilan na lang kayo pupunta sa langit? Pito?

"Naniniwala ako, si Lord, accommodating. Hindi yan magtatanong pagdating sa langit.

"Kapag namatay ako at tinanong ako, ang titingnan niyan, yung laman ng puso ko.

"Makikita niya, ‘Ah, hindi perpekto to, pero at least, ganito, tama ang ginawa niya.’

"Ganun ang feeling ko. Hindi yung, ‘Ilang beses kang sumayaw ng spaghetti pababa? Gumiling ka, di ba? Ilang beses ka nag-ano, nakita yang kuyukot mo sa shorts?'

"I mean, come on! Naniniwala ako na meron tayong Panginoon na accommodating."

Read: Jopay Paguia saddened by Alvin Aragon’s remarks vs SexBomb Girls

Diin pa ni K, hindi porket tinanggap niya ang sekswalidad ng anak niyang si Crystal ay hindi na siya naniniwala sa Diyos at kautusan Nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Malaki raw ang respeto ni K sa paniniwala ng bawat relihiyon.

Kaugnay nito ay malaki rin daw ang tiwala niyang anuman ang sekswalidad at katayuan ng isang taong ay matatanggap ng Diyos.

Saad ni K: "Again, nirespeto ko lahat ng religion, even sa mga hindi naniniwala sa religion.

"Nakalagay nga sa Bible, ‘Love thy neighbor.’

"Walang nakalagay doon na, ‘Love thy neighbor, puwera sa mga bading at mga tomboy.’

"Ang hirap kasi kung literal nating [pag-uusapan] yung Bibliya, ayokong pag-usapan kasi hahaba.

"Ang sasabihin ko lang, hangga’t wala kang inaapakang tao, naniniwala ako na may sarili akong relationship kay Lord, wala tayong pakialamanan.

"Personal relationship natin yun. Mapabakla ka man, tomboy… halamang dagat—it’s between me and Him. Walang dapat humusga."

Read: Wilma Doesnt, uminit ang ulo kay Alvin Aragon

K BROSAS TO ALVIN ARAGON: "KUMALMA KA."

Bagamat naiintindihan ni K si Alvin, kung ito man daw ay may pinagdaraanan, pinaalalahanan niya itong mag-isip at magdahan-dahan sa bawat salitang kanyang binibitawan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya: "Kuya, dahan-dahan din. Puwede ka namang magsabi ng opinyon mo. Pero para i-drag mo yung name namin na parang akala mo, ang sama-sama naming magulang?

"Medyo nakaano ka doon, Kuya, sinasabi ko sa yo.

"Uulitin ko, ‘Love thy neighbor.’ Nasa Bibliya yan. At saka, nakalagay sa Bibliya, ‘God is love.’

"So again, respetuhan lang sa atin bilang tao. At Kuya, sana kumalma ka. Huwag mong husgahan ang pagpapalaki ko sa anak ko.

"Uulitin ko, at least hindi kriminal, hindi nag-addict, hindi addict, or something. Hindi perpekto ang relationship namin, pero ang masasabi ko, may tama akong ginawa.

"Spread love. Irespeto natin ang isa't isa sana at kalma. Kumalma ka, Kuya."

Sa huli, nagpaabot ng suporta si K kay Sofia, na ngayo'y bugbog sa kontrobersiyang gawa ng kanyang ama-amahan.

Mensahe ni K, "Para kay [Sofia], kung nanonood ka, hi. I’m so proud of you, at I’m pretty sure maraming sumusuporta sa yo."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: 9 celebrity parents who embrace and support their LGBTQ+ children

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
K Brosas (left) to Alvin Aragon (right): "Parang kinondena mo kami dahil tanggap namin yung mga anak namin, dahil member sila ng LGBTQ. Ano namang pakialam mo. May ambag ka ba kahit noong preschool, nagbigay ka ba ng baon?"
PHOTO/S: K Brosas on Fcaebook/Cris Raf on YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results