PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jopay Paguia saddened by Alvin Aragon’s remarks vs SexBomb Girls

Jopay: "Alvin, kung may problema ka, ipagpe-pray ka namin."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Feb 20, 2026
Jopay Paguia saddened by Alvin Aragon’s remarks vs SexBomb Girls
Jopay Paguia (left) on Alvin Aragon’s (right) controversial remarks about the SexBomb Girls: "Nirespeto naman namin kung ano yung gusto niya, sa buhay niya. Yung mga sinabi niya, it’s in the Bible naman talaga. Nasa Bibliya yun. Pero siguro for us, siguro dapat careful tayo sa pagsabi."
PHOTO/S: Jopay Paguia/Alvin Aragon on Instagram

Hindi makapaniwala ang SexBomb Girls member na si Jopay Paguia na sa kabila ng tagumpay na tinatamasa ng kinabibilangan niyang grupo ay may nakakabit ditong kontrobersiya dahil sa mga binitawang pahayag ni Alvin Aragon.

Si Alvin ang asawa ni Izzy Trazona, dating kasamahan ni Jopay sa SexBomb.

Celebrities weigh in on Alvin Aragon’s religious stand
Photo/s: Screengrab GMA Network on YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ilang araw nang mainit na usap-usapan online ang panayam kay Alvin, kung saan diretsahan niyang pinuna ang pagpayag ng mga mister ng SexBomb Girls na mag-perform ang kanilang mga asawa sa reunion concert ng iconic all-female group.

Ito’y bunsod ng pagkukumpara ng netizens kay Alvin sa ibang asawa ng all-girl group matapos niyang hindi payagan si Izzy na mag-perform.

Partikular na binanggit ni Alvin ang pangalan ni Sunshine Garcia na si Bulacan Vice Governor Alex Castro.

Read: Alvin Aragon calls out Alex, Sunshine over SexBomb reunion

Imbes kasi na mag-perform sa three-night sold-out concert noong February 6–8, nagkaroon lamang ng special appearance si Izzy noong February 7.

Hindi nagsayaw si Izzy, ngunit pumayag itong sumama sa pagkanta ng main theme song ng kanilang dating afternoon drama series na Daisy Siete.

Read: Celebrities react to Alvin Aragon’s controversial religious stand

Paniniwala ni Alvin, bilang asawa, obligasyon daw niyang protektahan ang asawa sa sitwasyong maaaring pagnasaan ito ng ibang lalaki, dahil sa pananamit niya at gawi ng pagsasayaw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bahagi ng pahayag niya: "Kinu-compare pa ako sa asawa ni Sunshine na vice governor, sa asawa ng ibang SexBomb na mabait daw sila kasi pinayagan daw nila yung asawa nila na mag-concert.

"Ayun ba yung basehan ng mabait na husband, payagan lang mag-concert? Parang ang babaw naman nun.

"[Tsaka] ano bang suot nila? Ako, ayoko yung asawa ko naka-towel lang sa poster."

Read: Sunshine Garcia prays for Izzy and Alvin amid controversy

JOPAY REACTS to ALVIN'S STATEMENT

Kaugnay nito, nagbigay ng reaksiyon si Jopay sa mga alegasyong binitawan ni Alvin tungkol sa kanyang grupo.

Nangyari ito nang eksklusibo siyang makapanayam ng ABS-CBN News ngayong Huwebes, February 19, 2026.

Pag-amin ni Jopay, nadismaya siya sa ginawang pag-name drop ni Alvin sa mga asawa nila.

Saad niya, "Pinaka-sad at masakit na part doon sa aming mga SexBomb is yung nag-name drop na siya, nadamay na yung mga asawa namin."

Ang mister ni Jopay ay ang Maneouvres dancer na si Joshua Zamora.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Lubos daw na nirerespeto ni Jopay ang paniniwala ni Alvin, dahil gaya ng StarStuck alumnus ay isa rin siyang devoted Christian.

Read: Jopay Paguia reveals she hesitated returning to SexBomb Girls due to religion

Ang hindi lang daw niya maintindihan ay kung bakit hindi nito naisip ang mga binitawan niyang salita na maaaring makasira at makasakit sa iba.

"Meron tamang salita kung paano mo siya bibitawan.

"Sabi nga, tinuturo lagi sa amin [sa church] is if you want to disciple ang isang tao, kailangan makita sa yo," ani Jopay.

Read: Vice Ganda throws playful shade at Alvin over Izzy's SexBomb exit

Dagdag pa niya: "Nirespeto naman namin kung ano yung gusto niya, sa buhay niya.

"Yung mga sinabi niya, it’s in the Bible naman talaga. Nasa Bibliya yun.

"Pero siguro for us, siguro dapat careful tayo sa pagsabi.

"Kasi hindi naman lahat believers, e. Kung believers man sila, hindi ganon yung approach sana."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Jopay CLARIFIES there’s no bad blood with Izzy

Bagamat hindi pa raw niya nakakausap ngayon si Izzy, nilinaw ni Jopay na wala siyang anumang galit sa malapit na kaibigan.

Sabi niya: "Hindi ako mahilig mag-message sa mga kagrupo ko. So, pag may problem, doon lang ako magme-message.

"This time [hindi ko pa minessage si Izzy], kasi masakit pa for me.

"So, parang teka lang naman."

Tanggap daw niya noon pa man ang anumang desisyon ni Izzy.

Sabi ni Jopay: "Kay Izzy wala naman akong masasabi, alam naman niyang mahal na mahal ko siya.

"Nirerespeto ko kung ano yung naging desisyon niya from the start, wala akong masabi doon."

Sa huli, wala raw ibang hangad si Jopay kundi matuldukan na ang isyu at malagpasan ng pamilya nina Alvin at Izzy ang kontrobersiyang kinahaharap nila.

Read: Izzy Trazona holds on to faith amid online backlash

Handa rin daw siyang magpatawad kung sakaling humingi ng paumanhin si Alvin sa lahat ng kanyang sinabi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Alvin, kung may problema ka, ipagpe-pray ka namin," mensahe pa ni Jopay.

Read: Wilma Doesnt, uminit ang ulo kay Alvin Aragon

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jopay Paguia (left) on Alvin Aragon’s (right) controversial remarks about the SexBomb Girls: "Nirespeto naman namin kung ano yung gusto niya, sa buhay niya. Yung mga sinabi niya, it’s in the Bible naman talaga. Nasa Bibliya yun. Pero siguro for us, siguro dapat careful tayo sa pagsabi."
PHOTO/S: Jopay Paguia/Alvin Aragon on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results