Masasakit na salita ang natanggap ng aktor na si Archie Alemania sa in-upload niyang TikTok video kamakailan.
Mapapanood sa video ang paggamit niya ng "Araw-Gabi" TikTok trend kung saan parang nasa isip daw niya ang alak palagi.
Makikita rin dito ang tatlong uri ng mamahaling alak.
Wala siyang inilagay na caption sa video.
@therealarchiealemania ? original sound - Leznie Del Rosario
Read: Wilma Doesnt, uminit ang ulo kay Alvin Aragon
ARCHIE ALEMANIA REPLIES TO NASTY COMMENTS
Maraming nagkomento natanggap sa post ni Archie, pero karamihan dito ay hindi maganda.
Sabi ng isa, "SIKAYNAM king" na baligtad ng salitang "manyakis."
Sagot dito ni Archie: "godbless po sa inyo at sa buong pamilya. Sana alam mo yung totoo. more provisions and blessings sayo tol"

Sabi naman ng isa, "Kaynam," na kabaligtaran naman ng "manyak."
Simpleng tugon ng aktor, "godbless sayo tol."

May ilang netizens na nagtanggol kay Archie.
Sabi ng isa, "A coin has two sides, so does every story."
Pero paninindigan ng naunang netizen, "di siya hahatulan ng guilty kung wala talaga siyang ginawa"

Sabi ng isa pang netizen, "Don’t judge him if you don’t know the whole story. Let’s be good pal"
Sagot dito ng isa, "nahatulan na nga na guilty, anong pinagsasabi mo HAHAHAHAHHHHAA"

Wala nang iba pang komento ang sinagot si Archie.
Read: AJ Raval calls out "toxic fans" who wished death on her kids
ARCHIE ALEMANIA FOUND GUILTY BY THE COURT
Ang tinutukoy ng netizens na kaso ni Archie ay ang acts of lasciviousness na isinampa ni Rita Daniela laban sa kanya.
“Guilty” ang hatol ng Branch 2 ng Metropolitan Trial Court ng Bacoor City sa aktor sa inilabas nitong desisyon noong Oktubre 23, 2025.
Nakasaad sa resolution na ang paghingi ng tawad ni Archie kay Rita ang naging basehan kung bakit "Guilty" siya sa akusasyon ng Kapuso actress.
Nakasulat dito: “Based on the factual finding that the apology text of the accused referred to his actuations inside the car, he effectively admits his complicity which is analogous to voluntary admission that allowed the truthful prosecution of this case.”
Nakasaad din na sa ilalim ng Article 336 ng Revised Penal Code, ang penalty sa ginawa ni Archie ay pagkakakulong ng mula isang buwan at isang araw hanggang isang taon at isang araw.
Pinagbayad din siya ng civil indemnity na PHP20,000 at moral damages na PHP20,000 din.
Read: Archie Alemania, tahimik pa rin matapos mahatulang guilty
Hanggang ngayon ay hindi pa nagsasalita si Archie ukol dito.
