Walang mapagsidlan ang saya at pasasalamat ng actress-vlogger na si Ivana Alawi sa mga tagahanga niyang nagmamahal at patuloy na sumusuporta sa kanya.
Masaya raw siya kapag nalalaman at nakikitang napapangiti at nai-inspire niya ang fans sa pamamagitan ng kanyang mga ginagawa.
Damang-dama raw ito ni Ivana, lalo na’t madalas niyang nakakasama ang fans tuwing siya ay nasa labas at nagba-vlog.
Read: Ivana Alawi agrees Joshua Garcia is indeed the "Higop King"
Ivana shares experience with stalker
Gayunpaman, kung may memorable experiences, mayroon din daw siyang weird at nakakatakot na encounter sa fans.
Isa na raw rito ay nang pasukin ng isang obsessed at stalker fan ang kanilang bahay.
Read: Izzy Trazona holds on to faith amid online backlash
Kuwento ni Ivana sa vlog sa YouTube ng kapwa niya vlogger na si Small Laude, "Yung pinaka-weird na encounter ko pumasok yung isang fan sa loob ng bahay.
"Nag-start siya pumunta sa bahay for one week straight."

Hindi raw mawari ni Ivana ang tunay na motibo ng naturang fan, ngunit panay umano ang padala nito ng resumé sa kanilang bahay para mag-apply bilang nobyo ng aktres.
May mga pagkakataon din daw na nagpapadala ito ng pagkain.
Pagbabalik-tanaw ni Ivana: "Una, nagbigay siya ng resumé kung bakit dapat ko siya maging boyfriend ko, ten pages [yon, nandun] yung work niya, ano yung past [and] previous. E, nanay ko nakatanggap.
"Tapos meron pa siyang dalang bulalo na nakalagay sa ice cream na box.
"Tapos yung folder na resumé niya and anong mga gagawin niya kung maging boyfriend ko siya."
Ayon kay Ivana, isang call center agent ang naturang lalaki base sa ipinadala nitong resumé.
Read: Ivana Alawi on dating celebs: "Ginagawa akong sugar mama!"
Noong una ay pinagsawalang-bahala lang daw ito ni Ivana hanggang sa muli siya nitong padalhan ng litrato niyang sunog ang gilid.
Simula noon, mariing ipinagbilin ng aktres sa guwardiya ng kanilang bahay na huwag nang papasukin ang naturang lalaki.
Ngunit kahit anong higpit, patuloy pa rin daw itong gumagawa ng paraan upang muli siyang masilayan at madalhan ng regalo sa kanilang bahay.
Lahad ni Ivana: "Natakot ako, after nun bumalik ulit siya may dala namang picture, tapos sinunog niya yung gilid ng picture ko.
"Hindi ko alam kung anong trip niya.
"Tapos bumalik ulit siya after pinasabi sa guard na bawal pumasok. Pero iba, nakakalusot pa rin siya."
Read: JK Labajo's Wild Fan Encounters: Nawala yung underwear ko...
Ang pinaka nagpatayo raw ng balahibo ng dalaga ay nang minsan itong makapasok sa mismong bahay nila.
"Nakita na lang siya ng driver namin na nasa loob na. Sabi ng driver, 'Sino ka?'
"Ang sagot niya, 'Boyfriend na ako [ni Ivana]. Kami na [raw]," lahad ni Ivana.
Sa sobrang takot ay hindi raw lumabas si Ivana sa kuwarto para sa kanyang proteksiyon.
"Hindi ako lumabas. Buti na lang nasa second floor ako. Nasa loob na siya, pumapasok na siya ng bahay.
"Stalker [siya]."
Matapos ang insidente, naging maingat na raw si Ivana sa kanyang mga post sa social media na ipakita ang kanilang tahanan.
Read: Ivana Alawi addresses netizens tagging her a "homewrecker"
