Mahigpit na pinalagan ni AJ Raval ang tinawag niyang "toxic fans" na nag-wish na mamatay ang kanyang mga anak.
May limang anak na si AJ at tatlo dito ay sa kasalukuyang partner niyang si Aljur Abrenica: sina Alkina, Aljur Jr., at Abraham.
Read: AJ Raval, umaming lima na ang anak; tatlo kay Aljur Abrenica
Sa Facebook nitong Miyerkules ng gabi, February 18, 2026, ibinahagi ni AJ ang isang screenshot kung saan mababasa ang nakakabahalang komento ng isang basher.
Nakasaad dito: "Sana mamatay yan anak ni aj mabanga sana"

Read: Actress natigil ang PHP2M allowance mula sa government official
AJ RAVAL FIRES BACK AT TOXIC FANS
Isang mahabang mensahe ang ibinahagi ni AJ bilang pagkondena sa sagad na pagkamuhing komento ng basher.
Ayon sa dating sexy star, tungkulin niya bilang isang ina na ipagtanggol at protektahan ang kanyang mga anak sa ganitong klaseng pahayag.
Pahayag pa ni AJ, sa kanya na lamang ibuhos ng bashers ang kanilang galit at huwag sa mga inosenteng bata.
Sukdulang "kademonyahan" na raw ang ginagawang ito ng "toxic fans."
Saad ni AJ sa kanyang post (published as is): "Bilang isang ina tungkulin kong ipagtanggol ang anak ko. Sa akin niyo ibuhos ang galit ninyo, hindi sa batang inosente.
"mga toxic fans kayo kayang manakit ng batang walang kalaban laban TOXIC FANS GRABENG KA DEMONYOHAN NA YAN."
Pinasaringan din ni AJ ang isang babae na siya umanong totoong may kasalanan sa ipinaparatang sa kanya.
Hindi raw niya hahayaang saluhin ng kanyang mga anak ang kasalanan ng tinutukoy niyang "ibang babae."
Aniya: "Ipapasalo nyo rin ba sa mga anak ko kasalanan ng ibang babae?
"Sinalo ko na lahat for her habang ang totoong involved at peace bakit hindi nyo sya hanapin sakanya nyo ibato yan bakit sa anak ko
"Hindi ko hahayaan saluhin ng mga anak ko kasalanan nya
"Kaya hindi matapos tapos to dahil mali kayo ng tinuturo"
Inako rin ni AJ ang paratang ng iba na isa siyang "cheap" at walang pinag-aralan, pero hindi raw niya hahayaang maging walang kuwentang ina siya.
Sabi pa niya, "Oo na cheap ako walang pinag aralan pero gagawin ko part ko bilang isang ina
"the real other woman got away is at peace while me and my children are being attacked
"Madaming magagalit ayaw tanggapin ang totoo"
May isang komento namang sinagot si AJ.
Sabi ng basher: "Deserve mo yan dai masyado ka kasing pasikat hindi mo iniisip ang felling ng tunay na asawa sana nanahimik kana lang sa pagiging kabit mo"
Sagot lang ni AJ: "TOXIC FAN"

