PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sara Duterte announces presidential bid amid impeachment raps

"Ako si Sara Duterte, tatakbo bilang Pangulo ng Pilipinas."
by Rachelle Siazon
Published Feb 19, 2026
Vice President Sara Duterte announces presidential bid in 2028 elections amid impeachment raps
VP Sara Duterte hits President Ferdinand Marcos Jr. amid her announcement that she's running for President in the 2028 elections; Malacañang claps back.
PHOTO/S: Sara Duterte Facebook

Inanunsiyo ni Vice President Sara Duterte na siya ay tatakbong Presidente sa 2028 elections.

"Para sa Diyos, para sa bayan, at para sa bawat pamilyang Pilipino, ako si Sara Duterte, tatakbo bilang Pangulo ng Pilipinas," saad niya sa halos six-minute speech kahapon, February 18, 2026.

Inere ang livestream nito sa Facebook page ni Duterte.

Si Duterte ay dating kaalyado ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa ilalim ng partidong UniTeam noong 2022 elections.

Pero sa kanyang talumpati ngayon, hindi itinago ni Duterte ang kanyang pagkontra sa kasalukuyang administrasyon.

Humingi siya ng paumanhin sa bayan dahil tinulungan daw niyang maihalal ang Pangulo noong 2022 elections.

Unang buwan pa lang umano ng kanilang termino ay nakita raw ni VP Duterte ang "kawalan ng katapatan" ng Pangulo sa "mga pangakong binitiwan noong kampanya" at "sinumpaang tungkulin" nito sa bayan.

Hindi raw kinaya ni Duterte ang 2025 national budget "na tadtad ng katiwalian."

Pinili raw niyang umalis sa gabinete kahit na raw noon pang 2023 ay alam niyang magiging "kapalit ay ang aking impeachment."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagkatapos ay binanggit niya ang aniya'y mga problema ng bansa na di nasosolusyunan, kabilang ang pagkalubog ng bayan dahil sa maanomalyang flood control projects.

Ginanap ang talumpati ni Duterte sa isang press briefing sa kanyang opisina sa Mandaluyong, pero hindi siya nagpaunlak ng Q&A sa press.

Inihayag ni VP Duterte ang pagtakbo niya sa 2028 elections ilang oras bago inihain ang ikaapat na reklamong impeachment laban sa kanya.

Read: Who is Alvin Aragon?

FOURTH IMPEACHMENT complaint AGAINST VP DUTERTE

Sina House Deputy Speaker Francisco Paolo Ortega V at Manila City Sixth District Representative Bienvenido Abante Jr. ang nag-endorso ng impeachment complaint na inihain ng abogado na si Nathaniel Cabrera.

Ayon sa ulat ng GMA News, nakasaad sa complaint ang pitong articles of impeachment na ibinabato kay VP Duterte kabilang ang "culpable violation of the Constitution, betrayal of public trust, and other high crimes."

Sentro umano rito ang "alleged misuse of confidential funds" na nagkakahalaga ng PHP612.5 million at pagbabanta niya noon sa buhay nina Pangulong Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos, at dating House Speaker Martin Romualdez.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"The combination of admitted intent to employ lethal violence against constitutional officers, the misuse of security apparatus, and the diversion of public funds creates a real and present risk to the orderly functioning of government and to the safety of public officials.

"This Honorable House of Representatives must act to avert further institutional harm," saad sa isang bahagi ng complaint.

Kasama rin sa inirereklamo laban kay Duterte ang diumano'y "unexplained wealth and material nondisclosure" sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN).

Inirereklamo rin sa kanya ang "high crimes" na may kinalaman sa "sustained pattern of abuse of power" kabilang ang "public threats, "incitement to violence," at iba pang alegasyon na nagpapakitang hindi umano siya karapat-dapat sa kanyang puwesto bilang VP.

Kagabi natanggap ng Office of the Secretary General ang ikaapat na impeachment complaint laban kay VP Duterte.

Ngayong Huwebes, February 19, ay nakarating na ito sa tanggapan ni House of Representatives Speaker Faustino “Bojie” Dy III.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nakabinbin sa tanggapan ni Dy ang tatlo pang impeachment complaints laban kay VP Duterte.

Read: Jodi Sta. Maria celebrates engagement of ex-husband to Iwa Moto

MALACAÑANG ON VP DUTERTE'S TIRADES AGAINST PRESIDENT MARCOS JR.

Sa kabilang banda, hindi pinalampas ng Malacañang ang mga patama ni VP Duterte laban kay Pangulong Marcos Jr.

Ayon sa hiwalay na ulat ng GMA News kahapon, sinabi ni Palace Officer Claire Castro na ang dapat daw ihingi ng paumanhin ni Duterte ay ang kinahaharap nitong "issues of corruption and wrongdoing" kaugnay ng "reported misuse of the confidential funds of her offices at the Office of the Vice President and the Department of Education."

Hindi raw dapat isisi ni Duterte ang kinahaharap nitong impeachment complaints sa pulitika.

"The impending impeachment cases against her are due to her own actions.

"If she has not committed any anomalies or acts against the Constitution, then she probably would not be subject to any impeachment complaints," saad ni Castro.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kinuwestiyon din ni Castro ang paninisi ni VP Duterte sa current administration tungkol sa pagkalunod ng bayan sa dahil sa maanomalyang flood control projects.

Paalala ni Castro, sinasabing may "13,917 flood control projects" na itinayo noong panahon ng ama ni VP Duterte na si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Nanungkulang Pangulo ng Pilipinas si Rodrigo Duterte mula 2016 to 2022.

Naglabas din si Castro ng screenshots ng mga ulat ng matinding pagbaha sa bansa sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Duterte at noong nanunungkulang alkalde si VP Duterte sa Davao City.

Kung talaga raw na-implement ang flood control projects noon ay hindi na raw sana naramdaman ng bayan ang mga matinding pagbaha nitong mga nagdaang taon.

"So she should not feign integrity and pretend that there was no flooding during [her] father's time," saad ni Castro.

May isa pang punto si Castro laban kay VP Duterte.

Nakalimutan daw ng bise presidente na humingi ng paumanhin sa mga biktima ng extrajudicial killings kaugnay ng drug war na sinasabing pinamunuan ni dating Pangulong Duterte.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si dating Pangulong Duterte ay nakatakdang humarap sa International Criminal Court (ICC) sa Lunes, February 23, para sa kinahaharap niyang tatlong bilang ng kasong "murder as a crime against humanity."

Ang unang bilang ay may kinalaman sa 19 biktimang napaslang mula 2013 to 2016, o noong panahong alkalde ng Davao City si dating Pangulong Duterte.

Ang ikalawang bilang ay may kinalaman sa 14 katao na tinaguriang "high-value targets" na napaslang mula 2016 to 2017.

Ang ikatlong bilang ng murder at attempted murder ay may kinalaman sa 43 na biktima sa "barangay clearance operations" sa iba-ibang bahagi ng Pilipinas mula 2016 to 2018.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
VP Sara Duterte hits President Ferdinand Marcos Jr. amid her announcement that she's running for President in the 2028 elections; Malacañang claps back.
PHOTO/S: Sara Duterte Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results