PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sofia Trazona claims stepfather Alvin Aragon hit her once

Sofia Trazona on Alvin Aragon: "Nanghingi naman po siya ng sorry."
by Arniel C. Serato
Published Feb 18, 2026
Sofia Trazona on relationship with stepdad
Sofia Trazona reveals stepfather Alvin Aragon hit her once: "One time lang naman. Pero doon po ako na-shock kasi never din po akong na-hit ng parents ko."
PHOTO/S: TikTok / Facebook

Umamin si Sofia Trazona na minsan na siyang nasaktan ng kanyang stepfather na si Alvin Aragon.

At hindi na raw ito naulit.

Sa panayam kay Sofia ni Ogie Diaz sa kanyang YouTube Channel na lumabas Martes ng gabi, February 17, 2026, ibinahagi nito kung bakit siya nag-solo at umalis sa tahanan kung saan kasama niya ang inang si former SexBomb member Izzy Trazona, ang stepfather na si Alvin, at tatlong kapatid sa ama.

Sofia Trazona's interview
Photo/s: Courtesy: Ogie Diaz on YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kumusta ang relasyon nila ni Alvin noong una itong dumating sa buhay nilang mag-ina?

Aniya: "Nung una po siyempre nanibago dahil ano, e, may addition sa family na first time namin makakasama sa bahay.

"Kasi nung nagliligawan pa lang po sila, ta's naging sila, hindi po nag-overnight or kung anuman. Parang visit-visit lang, ganun.

"Nakakasama lang namin ni Mama sa church pagka magsisimba, mga ganun po.

"Tapos siyempre, nag-iba yung mga nangyayari sa bahay.

"Biglang nakaroon ng father figure, ganun. Kaya nag-adjust po kaming lahat din nung dumating po siya sa life namin."

Nanibago ba siya?

Sagot ni Sofia: "Nanibago ako na meron talagang father figure.

"Pero yung pagpapalakad sa bahay, kasi normal na po yun sa akin, e.

"Kasi grabe din ako palakihin ng lola ko, talagang maayos po akong pinalaki.

"So, yung lola ko din naman, lagi din nagbi-visit sa akin kahit na nakatira kami sa Manila noon that time.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So, ang nanibago lang po talaga ako yung may nakikita akong lalaki sa bahay, kasi puro babae lang po yung nakikita ko dati.

"Kasi lola ko, si Mama, at saka yung tita ko, kapatid po niya si Mama."

Kumusta ang naging relasyon nila ni Alvin? Maayos ba ang pakikitungo nito sa kanya?

Tinanong ni Ogie si Sofia kung nasaktan ba siya nito bilang pagdidisiplina,

Pag-amin ni Sofia: "One time lang naman. Pero doon po ako na-shock kasi never din po akong na-hit ng parents ko.

"Never po akong ano... even na kunwari papagalitan nila ako, ganun."

Napagsalitaan lamang daw siya noon ng kanyang biological parents.

"Yes. Pero talagang wala pong physical, pero yung talak po ng parents ko talagang ramdam.

"Hindi galit pero ramdam, ganun.

"Gusto nilang ipaintindi bakit ka nagkamali, bakit ito yung magiging consequences ng nangyari."

Ang tunay na ama ni Sofia ay si Michael Navarro, founder ng dance group na Philippine Island Assasins.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa tingin ba niya, iyon ang naging paraan ng pagdidisiplina ni Alvin sa kanya?

Paglilinaw ni Sofia, "Isang beses lang naman po siya na nangyari. And ano din po, hindi na din po na ulit after.

Na-shock siya?

"Shocked. Yes," sagot niya.

"Ayun, shock po ako noon that time and hindi din ako naka-react nung nangyari."

Nangyari raw ito noong Grade 7 o 12 taong gulang siya.

Read: Jopay Paguia hesitated returning to SexBomb Girls due to religion

SOFIA on why alvin scolded her

Inilahad ni Sofia kung bakit siya napagalitan ni Alvin noon.

"Kaya din po ako napagalitan ako ni Alvin nun, that time, kasi Christmas rush po nun.

"As in vacation na namin kinabukasan, tapos bumili lang po akong pang-exchange gift dahil nga malalayo po yung malls sa Cavite.

"Dumaan na po ako for exchange gift and na-late po ako ng uwi kasi sobrang haba ng pila sa terminal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ta's yun, nagalit siya sa akin kinabukasan. Naintindihan ko naman kasi nagki-care sila sa akin, ta's nag-aalala din, ganyan.

"Pero wala namang po kong kasalanan. Ayan lang naman po," saad niya.

Nag-sorry ba sa kanya si Alvin?

"Yes, naman," sagot ni Sofia.

"Nanghingi naman po siya ng sorry. And kasi din wala din po kasing cellphone that time.

"So whenever na kunyari kailangan kong mag-update sa kanila, nakiki-text lang po kung sino po yung makasalubong ko, kasi kabisado ko po yung number ni Mama. Ganun po.

"And nung time na din po na yun, siguro sa sobrang pagod, parang bihira na lang din yung update na mabigay ko sa kanila na, 'Andito na ako sa terminal, e. Hindi ko man lang nasabi na 'nakaalis na po yung van,' mga ganun."

Wala pang bagong pahayag si Alvin ukol sa panayam na ito si Sofia.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sofia Trazona reveals stepfather Alvin Aragon hit her once: "One time lang naman. Pero doon po ako na-shock kasi never din po akong na-hit ng parents ko."
PHOTO/S: TikTok / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results