PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Izzy Trazona holds on to faith amid online backlash

Izzy Trazona: "We are not perfect..."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Feb 18, 2026
Izzy Trazona holds on to faith despite online backlash
Izzy Trazona opens up about staying strong in faith amid public criticism tied to husband Alvin Aragon’s controversial religious views.
PHOTO/S: Izzy Trazona on Facebook

Aminado ang dating SexBomb Girls member na si Izzy Trazona na ang pagkapit sa kabutihan ng Diyos ang ginagawa ngayon ng kanilang pamilya upang malagpasan ang kontrobersiyang kinahaharap.

Mainit na usapin ngayon online ang mga naging pahayag ng kanyang mister na si Alvin Aragon kaugnay ng umano’y malalim nitong paniniwala sa mga salita ng Diyos.

Izzy Trazona holds on to faith despite online backlash
Photo/s: Alvin Aragon on Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Na ultimo ang pagiging bahagi ni Izzy ng SexBomb Girls ay mariin niyang tinututulan.

Ayon kay Alvin, ito ay dahil sa pangalan ng grupo na may salitang “sex,” sa kanilang pananamit, at sa paraan ng pagsasayaw at paggalaw ng iconic girl group.

Read: Vice Ganda throws playful shade at Alvin over Izzy's SexBomb exit

Kinuwestiyon din ni Alvin ang mga asawa ng SexBombs Girls na pumayag maging bahagi ang kanilang mga misis sa reunion concert ng grupo.

Kabilang sa pinangalanan niya ay si Bulacan Vice Governor Alex Castro, ang asawa ni Sunshine Garcia.

Read: Sunshine Garcia prays for Izzy and Alvin amid controversy

Hindi rin sang-ayon si Alvin sa sexual orientation ng kanyang stepchild na si Sofia Trazona, na isang trans woman.

Sofia Trazona's interview
Sofia Trazona.
Photo/s: Courtesy: Ogie Diaz on YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, taliwas sa utos ng Diyos ang pagiging miyembro ng LGBTQ at naniniwala siyang sa impiyerno ang bagsak ng mga ito.

Read: Sofia Trazona admits stepfather Alvin Aragon hit her once

Dahil dito, maraming netizens, pati na celebrities, ang nagtaas ng kilay at hindi sumang-ayon sa mga pahayag ng kauna-unahang contestant na na-eliminate sa artista search ng GMA-7, ang StarStruck (2003).

Kaliwa’t kanang batikos tuloy ang ipinupukol sa kanya ng publiko, maging sa kanyang pamilya.

Read: Celebrities react to Alvin Aragon’s controversial religious stand

IZZY shares family photo amid online flak

Sa gitna ng kanilang pinagdaraanan, nag-post sa Facebook si Izzy ng kanilang family picture ngayong Miyerkules, February 18.

Hindi man niya direktang tinukoy ang isyung kinasasangkutan ng kanyang mister, ipinaalam ni Izzy na hindi sila kayang tibagin ng mga ito dahil may Diyos daw silang pinaniniwalaan at kinakapitan.

Read: SexBomb Girls enjoy reunion dinner with their husbands

Celebrities weigh in on Alvin Aragon’s religious stand
Photo/s: Screengrab GMA Network on YouTube
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Mababasa sa post si Izzy, kalakip ang family picture ng kanyang pamilya (published as is): "It’s not easy for the whole family…. but gumigising everyday by the strength that God gives… By grace na hindi naman namin deserve, but patuloy na kumakapit sa mga pangako ng Diyos.

"At patuloy na nakatingin sa ginawa ni Jesus to save sinners like us."

Sa litrato, wala si Sofia, ang anak ni Izzy sa dati niyang karelasyon na si Michael Navarro.

Read: Did Sunshine Garcia take a subtle swipe at Alvin Aragon by praising husband Alex Castro?

Dagdag pa ni Izzy, alam niya sa kanyang sarili na hindi sila perpektong pamilya—taliwas sa iniisip ng iba.

Aniya: "We are not perfect, actually the name of our gc sa messenger is 'the imperfect family' kaya ganon nalang ang pagkapit sa salita Nya.

"Kasi hindi ko alam kung saan kami pupulutin apart from His word."

Read: Jopay Paguia reveals she hesitated returning to SexBomb Girls due to religion

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa huli, nagpasalamat si Izzy sa lahat ng mga taong sumusuporta at dumaramay sa kanila.

Sabi niya: "Salamat sa lahat ng pm and encouragement! God bless everyone!"

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Izzy Trazona opens up about staying strong in faith amid public criticism tied to husband Alvin Aragon’s controversial religious views.
PHOTO/S: Izzy Trazona on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results