Inamin ng trans woman na si Sofia Trazona na nasaktan siya sa mga pahayag ng kanyang stepfather na si Alvin Aragon tungkol sa homosexuality.
Si Sofia, kilala rin bilang Andrei Trazona, ang panganay na anak ng dating SexBomb Girls member na si Izzy Trazona.
Sa panayam kay Alvin ng DWAR Abante Radyo noong February 13, 2026, ipinahiwatig nitong hindi siya sang-ayon sa pagiging trans woman ni Sofia.
Ayon kay Alvin, taliwas sa utos ng Diyos ang pagiging homosexuality at naniniwala siyang sa impiyerno ang bagsak ng mga ito.
Binalikan ni Alvin ang isyu na diumano'y hindi tinanggap ni Izzy si Sofia dahil ninais nitong maging trans woman.
Mariiing buewelta ni Alvin: "E, totoo naman, e. Ano bang sabi sa Bible? God judged homosexuality.
"Read Genesis 17:18 and 19 — 'those men in Sodom and Gomorrah want to have sex with other men, and God judged Sodom and Gomorrah.
"Ngayon, ang mabuting magulang, sasabihin mo sa anak mo kung ano yung huwag mong gawin, di ba? Kasi mapapahamak ka diyan pag ginawa mo."
Pagpapatuloy ni Alvin: "God will throw you to hell if you continue to do homosexuality.
"Mamuhay ka, and you don't want to believe in Jesus? I assure you that God will throw you to hell if you don't stop, repent, and believe in the gospel."
Read: StarStruck alum Alvin Aragon draws backlash over anti-gay remark
SOFIA TRAZONA REACTS TO ALVIN ARAGON'S ANTI-GAY REMARKS
Sa panayam kay Sofia ni Ogie Diaz sa YouTube channel nito na lumabas Martes ng gabi, February 17, 2026, inusisa kung ano ang reaksiyon niya sa naging pahayag ni Alvin?
Saad ng drag artist: "Ako, I believe talaga na I am only answerable to God alone. Siya lang ang puwede mang-judge sa akin.
"And if yung mga ibang tao idya-judge ako, I wouldn't take it personally kasi Siya lang ang puwede mang-judge sa akin.
"And the word of God doesn't condemn people kasi mahal nga tayo ng Diyos, e.
"Bakit Niya tayo iku-condemn? Talagang tatanggapin Niya tayo.
"Tinanggap Niya nga tayo nang makasalanan. Na, what more pa na... nanininiwala tayo sa Kanya?"
Dagdag pa niya: "And I have a personal relationship with God.
"So, bakit parang medyo condescending na yung ano, yung naging interview?
"Ayun, medyo nakaka-degrade po ng pagkatao na, 'Grabe naman yung tingin sa amin. Parang, hindi naman kami nagnakaw, hindi naman kami pumatay ng tao.'
"Ayun. Nagtatrabaho naman kami nang maayos. Wala naman kami tinatapakang ibang tao.
"Masaya naman kami sa ginagawa namin. And meron kaming personal na relasyon sa Diyos.
"At walang ibang puwedeng kumuwestiyon dun."
SOFIA'S message TO ALVIN
May mensahe ba siyang nais iparating kay Alvin?
Ani Sofia: "I respect you kasi asawa ka ng nanay ko and hindi magbabago yun, and let's just keep it that way kasi nasaktan na din po ako, e."
Maaari ba niyang depensahan si Alvin laban sa netizens na hindi sang-ayon sa mga pahayag nito?
"Ano po talaga, e, in any way, parang kung gusto ko man po siyang i-defend, parang mahihirapan din po ako. Kasi grabe niya din po kasi i-condemn yung mga bakla, e.
"So, parang ang ironic naman po na manggagaling sa akin yun. Na ide-defend ko siya, e, pinanliliitan niya nga po kami."
Dagdag pa niya, "Kaya masakit, e, masakit, e.
"Na parang wala ba kaming sariling relasyon sa Diyos? Ganun.
"Kaya naniniwala akong ano, na ang salita ng Diyos talaga, punung-puno po siya ng pag-ibig.
"Hindi po siya nagko-condemn, hindi siya nagdya-judge."
Wala pang pahayag si Alvin sa panayam na ito si Sofia.
Read: Celebrities react to Alvin Aragon’s controversial religious stand
