Tumangging magbigay ng komento ang SexBomb Girls member na si Sunshine Garcia matapos siyang idawit, pati na ang kanyang asawa na si Bulacan Vice Governor Alex Castro, ni Alvin Aragon sa kontrobersiyal na interview nito.
Si Alvin ang asawa ni Izzy Trazona-Aragon, dating kasamahan ni Sunshine sa SexBomb.

"Ayaw ko na mag-comment kasi sabi nga ng asawa ko na huwag na nating patulan [kasi] mas maraming dapat asikasuhin, problemahin, at solusyunan.
"Ibigay na natin yun sa kanila. Kung sinabi nila yun, personal na opinion nila yun.
"Wala tayong magagawa roon. Magrespetuhan na lang tayo," pahayag ni Sunshine sa panayam sa kanya ng ABS-CBN News na ginanap na Beautéderm's Chinese New Year celebration nitong Martes, February 17, 2026.
Read: Vice Ganda throws playful shade at Alvin over Izzy's SexBomb exit
Bukod sa maraming pinagkakaabalahan si Sunshine, iniiwasan din daw niyang makapanakit ng ibang tao kaya’t maingat siya sa pagbibigay ng komento.
Lubos daw niyang naiintindihan ang pinagdaraanan ngayon ng pamilya ng malapit niyang kaibigan na si Izzy, kaya ayaw na rin niya itong dagdagan pa.
Saad niya: "Ayaw ko ring magsalita ng hindi maganda kasi ayaw kong makasakit ng ibang tao.
"Iba yung opinion niya. Iba ang opinion ko. Para mawala na lang yung issue kasi kawawa rin yung pamilya nila.
"Mahirap din sa side nila na naba-bash. Kahit sabihin mong ayaw mong maapektuhan, maaapektuhan ka."
Read: Celebrities react to Alvin Aragon’s controversial religious stand
SUNSHINE OFFERS PRAYERS FOR IZZY AND ALVIN
Wala raw ibang hangad si Sunshine kundi ang katatagan ng pamilya ni Izzy upang mapagtagumpayan ang kontrobersiyang kanilang pinagdaraanan.
Aniya, "Ipagpi-pray namin kayo at yung buong pamilya niyo. Walang halong kaplastikan. Kailangan nilang malampasan yan."
Tiniyak din ni Sunshine na walang isyu sa pagitan nila ng kapwa SexBomb Girls member.
Read: Jopay Paguia reveals she hesitated returning to SexBomb Girls due to religion
Sa katunayan, magyayakapan pa nga raw sila ni Izzy sakaling magkita silang dalawa.
Malaki raw ang respeto ni Sunshine sa paniniwala at desisyon ni Izzy at ng mister nitong si Alvin.
Sabi niya: "After nito, kapag nagkita kami saan man, magyayakapan pa rin kami, magha-hi pa rin, at magkakamustahan.
"Wala yung talagang sama ng loob. Walang pinag-awayan. Nirerespeto namin kung ano yung naging desisyon nilang mag-asawa.
"Masaya kami para sa kanila."
Read: SexBomb Girls enjoy reunion dinner with their husbands
Sunshine Garcia thankful for fans’ support
Sa ngayon, ang ipinagpapasalamat daw ni Sunshine at ng kanyang mister na si Alex ay ang suportang natatanggap nila mula sa kanilang mga tagahanga.

Bagamat nagdesisyon silang mag-asawa na huwag nang magsalita, ang mga fans daw ang gumagawa ng paraan upang ipagtanggol sila laban sa mga paratang diumano ni Alvin.
Read: Did Sunshine Garcia take a subtle swipe at Alvin Aragon by praising husband Alex Castro?
“Yun ang ipinagpapasalamat namin kasi parang hindi mo na kailangang magsalita.
"Doon sa mga taong nagtanggol sa amin, nagpapasalamat kami na hindi pala namin kailangang ipagtanggol ang sarili namin kasi mayroon.
"Ayan ang hindi natin dapat pinagtatalunan—yung religion, yung politics.
"Lalo na kung magkaiba kayo ng pananaw. Mag-aaway lang kayo," sabi ng aktres.
ALVIN STATEMENT ABOUT SUNSHINE AND ALEX
Sa isang panayam noong February 13, diretsahang pinuna ni Alvin si Alex dahil sa pagpayag nitong mag-perform ang asawang si Sunshine sa reunion concert ng SexBomb Girls.
Ang pagpuna ni Alvin ay bunsod ng pagkukumpara ng netizens sa kanila ni Alex.
Read: Alvin Aragon calls out Alex Castro, Sunshine Garcia over SexBomb reunion
Imbes kasi na mag-perform sa three-night sold-out concert noong February 6–8, nagkaroon lamang ng special appearance si Izzy noong February 7.
Hindi nagsayaw si Izzy, ngunit pumayag itong sumama sa pagkanta ng main theme song ng kanilang dating afternoon drama series na Daisy Siete.
Kaugnay nito, nagsalita si Alvin tungkol sa hindi niya pagpayag sumama si Izzy sa reunion concert ng dati nitong grupo.
Bahagi ng pahayag ni Alvin tungkol sa pagkukumpara sa kanila ni Alex: “Sinasabi nila, 'Buti pa yung asawa ni Sunshine, vice governor, pinayagan sila mag-concert.
"Dapat nga hindi, e. Dapat nga, yung asawa mo, ingatan mo.
"Hindi mo hahayaang magsuot ng mga damit na para pagnasaan ng mga lalaki."
Samantala, bago pa man magpaunlak ng interbyu si Sunshine, nauna nang nagbigay ng pahayag si Alex sa Cabinet Files ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong February 17.
Mensahe ng Bulacan vice governor, "Kahapon ko pa nakita, pati yung video [ng interbyu kay Alvin], pero hindi ko na dapat patulan dahil mas madami akong mahalagang trabaho dito sa amin [smile emoji].”
Dagdag pa ni Alex: “Ipagdasal na lang natin silang mag-asawa."
Read: Bulacan Vice Governor Alex Castro, ayaw patulan si Alvin Aragon
