Walang takot na pinasaringan ng It's Showtime host na si Vice Ganda si Alvin Aragon hinggil sa kontrobersiyal na pahayag ng StarStruck alumnus tungkol sa pagkalas ng asawa nitong si Izzy Trazona sa iconic group na SexBomb Girls.
Sa "Laro Laro Pick" segment ng It's Showtime ngayong Martes, February 17, 2026, isang contestant ang tinanong ni Vice kung nagbabasa ba ito ng Bibliya at kung alam nito ang Ten Commandments.
Read: Jopay Paguia reveals she hesitated returning to SexBomb Girls due to religion

Tanong ni Vice "Nagdarasal ka ba?"
"Opo," mabilis na sagot ng contestant.
Muling tanong sa kanya ni Vice, "Nagbabasa ka ba ng Bibliya? Ilan ang utos ng Diyos?"
Natatawang sagot sa kanya, "Ten po ba, Meme?"
Dito na humirit si Vice nang sabihing nadagdagan na ngayon ang Ten Commandments dahil sa kontrobersiyal na pahayag ni Alvin kamakailan.
Hirit ng comedian-TV host: "Dati sampu, ngayon labing-isa na.
"Yung panglabing-isang utos ng Diyos, mag-resign ka sa SexBomb sabi nung asawa ni Izzy.
Dahil sa hirit na ito ni Vice, hindi napigilang mapahalakhak sa tawa ng mga co-host niyang sina Vhong Navarro at Jhong Hilario, maging ang studio audience ng Kapamilya noontime show.
Read: Celebrities react to Alvin Aragon’s controversial religious stand
Alvin says faith led wife Izzy to leave SexBomb
Ang pahayag na ito ni Vice ay bilang reaksiyon sa naging panayam ni Alvin sa DWAR Abante Radyo noong Biyernes, February 13, 2026, kung saan ibinahagi niya ang dahilan kung bakit tuluyang kumalas si Izzy sa SexBomb noong 2009.

Ayon kay Alvin, hindi kaaya-aya sa Diyos kung si Izzy ay maging bahagi pa ng SexBomb, gayong may masamang interpretasyon daw na naiisip ang ibang tao tungkol sa all-female group.
Pahayag niya: "Sinasabi [ng netizens], 'Kaya pala wala sa concert si Izzy dahil diyan sa lalaking yan, e.'
"Teka lang, ha, matagal nang wala si Izzy sa SexBomb, 2009 pa lang.
"Hindi pa nga ako yung asawa, e.
"Sino ang nagpa-resign [kay Izzy] sa SexBomb?
"Ang Panginoon, noong naging Christian si Izzy. Pinag-resign ng Lord."
Read: Trans woman na anak ni Izzy, inaming di na sila nagkikita ng ina
Maayos naman daw nagpaalam si Izzy kay Joy Cancio, ang SexBomb founder, manager, at choreographer, na hindi na niya maipagpapatuloy ang career niya sa iconic girl group.
Tingin daw kasi noon ni Izzy ay hindi na kalooban ng Diyos kung mananatili siya sa SexBomb.
Sabi ni Alvin: "Sabi ni Lord kay Izzy, ‘Come, follow me. I will make you fishers of men.’ Nag-obey si Izzy dun.
"Kausap niya si Joy Cancio, sabi niya, ‘Ate Joy, magre-resign na po ako sa SexBomb.'
"Sabi ni Joy, 'Bakit, may problema ba? Relationship, pera?
"Sabi ni Izzy, 'Yung pangalan po namin, damit po namin, at sayaw po namin.'"
Inisa-isa rin ni Alvin kung ano ang mga nakikita niyang mali sa SexBomb.
Una, sa pangalan pa lang daw kasi nitong SexBomb ay may nakikita na siyang mali.
Ito ay dahil sa salitang "Sex," na ayon kay Alvin ay "hindi pleasing, hindi magandang impluwensiya sa maraming tao sa Pilipinas, sa mga bata especially."
Read: Bulacan Vice Governor Alex Castro, ayaw patulan si Alvin Aragon
Mayroon din daw problema sa pananamit ng SexBomb kaya mariin niya itong tinututulan.
Lumalabas na para kay Alvin, hindi "kagalang-galang" ang mga isinusuot ng SexBomb Girls dahil kita raw ang cleavage at legs ng mga ito sa entablado, kung saan maraming lalaki raw ang nanonood sa kanila.
Bukod sa pangalan at pananamit, malaking epekto rin daw sa paniniwala ni Alvin kung paano sumayaw at gumalaw ang SexBomb Girls.
Sa kaso raw kasi ng grupo ay masasabi niyang "seducing" sumayaw ang mga ito.
Read: SexBomb Girls enjoy reunion dinner with their husbands
Ito ay sa kabila ng katotohanang karamihan ng fans ng SexBomb ay mga babae, mga bading, at mga bata.
Ito ay base sa bilang ng mga nanood sa kanilang reunion concert na umabot na sa limang pagtatanghal.
Read: Alvin Aragon calls out Alex, Sunshine over SexBomb reunion
ALVIN ARAGON ON HOMOSEXUALITY
Hindi lamang ang mga pahayag ni Alvin tungkol sa SexBomb Girls ang naging kontrobersiyal.
Umani rin ng batikos mula sa publiko ang pahayag niya tungkol sa sexuality.
Sa parehong panayam, sinabi ni Alvin na taliwas sa utos ng Diyos ang pagiging miyembro ng LGBTQ community at naniniwala siyang sa impiyerno ang bagsak ng mga ito.
Bahagi ng kanyang pahayag: "E, totoo naman, e. Ano bang sabi sa Bible? God judged homosexuality.
"Read Genesis 17:18 and 19 — 'those men in Sodom and Gomorrah want to have sex with other men, and God judged Sodom and Gomorrah.'
"Ngayon, ang mabuting magulang, sasabihin mo sa anak mo kung ano yung huwag mong gawin, di ba? Kasi mapapahamak ka diyan pag ginawa mo."
Ang panganay na anak ni Izzy na si Andrei "Sofia" Trazona ay isang proud trans woman.
Hindi si Alvin ang ama ni Sofia kundi ang kapwa dancer din ni Izzy na si Michael Navarro.
Paniniwala pa ni Alvin: "God will throw you to hell if you continue to do homosexuality.
"Mamuhay ka, and you don't want to believe in Jesus? I assure you that God will throw you to hell if you don't stop, repent, and believe in the gospel."
Read: StarStruck alum Alvin Aragon draws backlash over anti-gay remark
