PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Alvin Aragon calls out Alex, Sunshine over SexBomb reunion

Alvin: "...ayoko yung asawa ko naka-towel lang sa poster."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Feb 16, 2026
Alvin Aragon slams Alex Castro over wife’s SexBomb reunion stint
Izzy Trazona’s husband, Alvin Aragon (left), slams Alex Castro (right) for letting wife Sunshine Garcia (inset, right) join the SexBomb reunion concert: "Dapat nga, yung asawa mo, ingatan mo. Hindi mo hahayaang magsuot ng mga damit na para pagnasaan ng mga lalaki."
PHOTO/S: Alvin Aragon/Alex Castro on Instagram

Diretsahang pinuna ni Alvin Aragon si Bulacan Vice Governor Alex Castro dahil sa pagpayag nitong mag-perform ang asawang si Sunshine Garcia sa reunion concert ng SexBomb Girls.

Ang pagpuna ni Alvin ay nangyari nang ihambing ng netizens kay Alex, makaraan niyang hindi payagan ang asawang si Izzy Trazona sa naturang concert.

Si Izzy ay dating miyembro ng iconic all-girl group.

Sa panayam kay Alvin ng DWAR Abante Radyo noong Biyernes, February 13, 2026, dinepensahan niya ang sarili laban sa mga batikos na kanyang natatanggap matapos hindi sumama si Izzy sa Get, Get, Aw: The SexBomb Concert rAWnd 3 noong February 6, 2026, sa MOA Arena.

Pero sa Get, Get, Aw: The SexBomb Concert rAWnd 4 noong February 7, sinorpresa ni Izzy ang mga dati niyang kasamahan nang umakyat siya sa stage at samahan ang SexBomb Girls sa pagkanta ng main theme song ng kanilang dating afternoon drama series na "Daisy Siete."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: SexBomb rAWnd 4: stunts and surprises in an unforgettable reunion

Ayon kay Alvin, hindi niya matanggap ang mga pambabatikos na ibinabato sa kanya online, gayong ang hangad lamang daw niya ay protektahan ang asawang si Izzy.

Pahayag niya: "Kinu-compare pa ako sa asawa ni Sunshine na vice governor, sa asawa ng ibang SexBomb na mabait daw sila kasi pinayagan daw nila yung asawa nila na mag-concert.

"Ayun ba yung basehan ng mabait na husband, payagan lang mag-concert? Parang ang babaw naman nun.

"[Tsaka] ano bang suot nila? Ako, ayoko yung asawa ko naka-towel lang sa poster."

Read: Aiko Melendez, Onemig Bondoc clarify they're not "naggagamitan"

Bilang asawa, obligasyon daw ni Alvin na protektahan ang asawa sa sitwasyong maaaring pagnasaan ito ng ibang lalaki, dahil sa pananamit niya at gawi ng pagsasayaw, bagay na dapat daw ay naisip ni Alex bago niya pinahintulutan si Sunshine na maging bahagi ng concert.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
izzy trazona fast talk
Izzy Trazona.
Photo/s: GMA Network

Saad niya: "Sinasabi nila, ‘Buti pa yung asawa ni Sunshine, vice governor, pinayagan sila mag-concert.’

"Dapat nga hindi, e. Dapat nga, yung asawa mo, ingatan mo.

"Hindi mo hahayaang magsuot ng mga damit na para pagnasaan ng mga lalaki."

Read: Vice Governor Alex Castro has no problem with wife Sunshine Garcia's sexy image

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Alvin CLAIMS he never kissed Izzy until they got married

Bukod sa pag-iingat, nirerespeto rin daw ni Alvin si Izzy bilang babae.

Sa katunayan, simula raw nang ligawan niya si Izzy hanggang ma-engage sila ay hindi niya ito hinalikan, bilang pagpapakita ng tapat na pag-ibig at paggalang sa kanya ngayong misis.

Lahad ni Alvin: "Niligawan ko nga asawa ko simula 2011 hanggang bago kami ikasal, naging fiancé kami. Sabi ko, ‘Hindi ko siya hahalikan, until the pastor [declares], you may kiss your bride.’

"Tapos papayagan ko siya mag-concert para mag-towel lang, na makikita ng gaano karaming lalaki sa buong Pilipinas?

"Tapos pasasayawin ko na naka-see through, labas ang cleavage, labas ang legs?"

Diin pa niya: "I want to protect my wife. Ako lang titingin, kasi ako ang husband.

"[Kaya rin] sinasabi nila, 'Kaya pala wala sa concert si Izzy dahil diyan sa lalaking yan e.'

"Teka lang, ha, matagal nang wala si Izzy sa SexBomb, 2009 pa lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hindi pa nga ako yung asawa, e.

"Sino ang nagpa-resign [kay Izzy] sa SexBomb? Ang Panginoon noong naging Christian si Izzy. Pinag-resign ng Lord."

Read: Izzy Trazona, mali ang paratang sa PEP na "pagdagdag ng words"

Alvin reveals why Izzy left SexBomb

Ibinunyag din ni Alvin ang mga dahilan ni Izzy nang magdesisyon itong kumalas sa grupong SexBomb.

Maayos naman daw noong nagpaalam si Izzy kay Joy Cancio, ang SexBomb founder, manager, at choreographer na hindi na niya maipagpapatuloy ang career niya sa iconic girl group.

Tingin daw kasi noon ni Izzy ay hindi na kalooban ng Diyos kung mananatili siya sa SexBomb, habang may masamang interpretasyong naiisip ang iba tungkol sa kanilang grupo.

Sabi ni Alvin: "Sabi ni Lord kay Izzy, ‘Come, follow me. I will make you fishers of men.’ Nag-obey si Izzy dun.

"Kausap niya si Joy Cancio, sabi niya, ‘Ate Joy, magre-resign na po ako sa SexBombs.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sabi ni Joy, 'Bakit may problema ba? Relationship, pera?

"Sabi ni Izzy, 'Yung pangalan po namin, damit po namin, at sayaw po namin."

Read: Izzy Trazona bares recent convo with trans child Sofia

Ipinaliwanag din ng ex-StarStruck Avenger kung bakit naaasiwa siya sa tuwing naririnig at napapanood ang grupo ng kanyang asawa.

Aniya: "Ie-explain ko, ano ba ang mali sa pangalan, SexBomb. Ano ba yung sex. Iisipin lahat ng bata [kung] ano yung sex.

"Sex is actually created by God na ginagamit ng husband and wives, not girlfriend and boyfriend.

"Hindi dapat isipin ng bata agad yon. So, iwas dun, hindi pleasing, hindi magandang impluwensya sa maraming tao sa Pilipinas, sa mga bata especially.

"Hindi pa time na isipin nila yung sex kasi bata pa sila.

"Second, yung damit. May mga damit kasi na gagalangin ka, pero may damit na kita yung cleavage mo at legs.

"Walang lalaking magnanasa kung maayos kang manamit. Marami kasing lalaki na gustong makakita ng cleavage at saka legs, e, kahit na naka-see through ka pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ano sabi ni Jesus? 'If you look lustfully at the woman, you already committed adultery in your heart.'

"Tingnan mo pa lang yung babae na nagnanasa ka, parang ginawa mo na yung physical act."

Bukod sa pangalan at pananamit, malaking epekto rin daw sa paniniwala ni Alvin kung paano sumayaw at gumalaw ang SexBomb Girls.

Sa kaso raw kasi ng grupo ay masasabi niyang seducing sumayaw ang mga ito, kaya't maging si Izzy ay piniling umiwas dito.

Sabi niya: "Ano pa? Sayaw. Mayroong wholesome na sayaw, merong sayaw na seducing.

"Sige, sumayaw ka ng seducing. Anong mararamdaman ng lalaki pag may sumasayaw na seducing ang atake?

"Pag wholesome? Pag wholesome maayos naman, e, masaya lang. Pero kapag seducing, naku, iba ang nararamdaman natin.

"Alam niyo yan, men. Alam yan ng mga lalaki.

"So, umiwas si Izzy dun. Bakit? Ayun ang will ni Lord, e."

Read: StarStruck alum Alvin Aragon draws backlash over anti-gay remark

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa huli, nanindigan si Alvin na anuman ang ibato sa kanya ng publiko ay mananatili siyang matapat sa kautusan ng Diyos.

"Mahalaga sa amin ang devotion. [Ang] devotion hindi namin pinapabayaan.

"Si Jesus, ang daming nawala sa kanya. Noong napako siya sa krus, anong natira sa kanya? Seven last words of Jesus.

"Lagi siyang nagpe-pray noong nakapako siya... Walang natira sa kanya. Alam mo kung ano lang ang natira, yung relationship niya sa Panginoong Diyos.

"[Sabi niya], 'Father forgive them. They don't know what they are doing.'"

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Izzy Trazona’s husband, Alvin Aragon (left), slams Alex Castro (right) for letting wife Sunshine Garcia (inset, right) join the SexBomb reunion concert: "Dapat nga, yung asawa mo, ingatan mo. Hindi mo hahayaang magsuot ng mga damit na para pagnasaan ng mga lalaki."
PHOTO/S: Alvin Aragon/Alex Castro on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results