PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Aiko Melendez, Onemig Bondoc clarify they're not "naggagamitan"

Onemig addresses naysayers commenting "bembangan" with Aiko Melendez.
by Rachelle Siazon
Published Feb 16, 2026
Aiko Melendez and Onemig Bondoc open up about accepting each other's past relationships; addresses critics of their newfound romance
Aiko Melendez on boyfriend Onemig Bondoc: "So yung immediate family ko, pinakilala ko muna siya bagong kami ngayon umabot sa punto na ito."
PHOTO/S: Screengrab from Aiko Melendez Instagram / YouTube

Hindi inatrasan nina Aiko Melendez, 50, at Onemig Bondoc, 48, ang mga nababasa nilang kritisismo tungkol sa kanilang relasyon.

Sa YouTube vlog ni Aiko na umere noong February 14, 2025, sinagot nila ang bashers na hindi naniniwalang sinsero sila sa pagmamahal sa isa't isa.

Una na rito ang panghuhusga ng iba na "naggagamitan" lang sila.

Sabi ni Aiko: "May nababasa kaming mga comments na hindi daw kami magtatagal, nagagamitan na kami.

"Una po sa lahat, we're of age already. We know what we're getting into.

"And tandaan niyo po, hindi ko lang po siya kakilala kahapon, 29 years ko na po siyang kakilala.

"So, meron po kami na-build na foundation even before na we got to this stage."

Siniguro raw nina Aiko at Onemig na handa sila bago sila pumasok ulit sa kanilang relasyon.

Naging bukas sila sa kani-kanilang past relationships, at tanggap daw nila ang pinagdaanan ng bawat isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad ni Aiko: "Alam ko lahat, lahat ng past niya, and I was willing to accept it because it comes with a package, e.

"Pag ka nagmahal ka, kailangan tanggapin mo kung ano yung karugtong nung past niya, kasi it's something that cannot be deleted or erased...

"Mayroon man kami gustong i-edit, pero when you come to think of it, mas okay na lang na dumaan yun sa buhay namin because it made us stronger individuals."

Sang-ayon si Onemig na natuto raw sila ni Aiko na mas maging patient at understanding sa pakikipagrelasyon dahil sa kanilang past relationships.

Read: Aiko Melendez hard launches relationship with Onemig Bondoc

ONEMIG BONDOC ON "BASTOS" COMMENTS FROM NAYSAYERS

Naging diretso rin si Onemig sa pagsasabing nasasaktan siya kapag nakakabasa ng comment na hinuhusgahan si Aiko dahil sa mga nakarelasyon nito noon.

Pahayag ng aktor: "Guys, tao lang naman, di ba? Nahe-hurt din naman ako pagka nagko-comment kayo na, 'Sobrang dami nang lalaki ni Aiko, sobrang dami nang nagdaaan.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Lahat naman tayo, di ba, may mga past? Wala naman tao na walang past, e. So siyempre, di ba, kung mahal niyo yung tao, ina-accept niyo yung past.

"Wala naman din hindi nagkakamali dito. So, sana tigil-tigilan niyo na yun ganun, di ba?

"Kasi yung mga nagsasabi diyan na medyo bastos, pero sasabihin ko na rin dahil masakit, e. Kasi mahal ko yung tao, di ba?"

Singit ni Aiko, "You can't please everyone."

Isa pang binanggit ni Onemig ay ang bashers na nagpapahiwatig na mababaw ang pagtingin sa kanilang relasyon.

"Ayoko naman makakita ng mga ganung comment. Na 'bembang' ganyan. I mean, e, hindi naman kami nandito para bumembang.

"I mean, pag mahal mo yung tao, hindi mo sasabihing 'bembang,' di ba? You make love to the person, but hindi bembang.

"So, sana tigilan niyo na yung ganun. Kasi hindi maganda, e.

"Isa pa, marami ang nakakabasa, mga bata. Yun ba ang gusto natin ipakita sa mga bata, di ba?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Bago kayo maglagay ng mga comment na kabastusan or walang katuturan, sana tingnan niyo rin muna yung mga batang makakabasa nito.

"Kasi we're setting a good example. Sana you should also set a good example also," pahayag ni Onemig.

Read: Onemig Bondoc, Aiko Melendez "happy together... after 29 years"

PHONE PALS BEFORE ROMANCE

Ipinaliwanag ng couple na hindi naman sila basta-basta pumasok sa relasyon.

Bago pa raw nag-guest si Onemig sa vlog ni Aiko noong December 6, 2025 ay nag-reconnect na sila.

Walang buwan daw silang phone pals at may constant communication kahit noong nasa U.S. si Onemig.

Kuwento ni Onemig: "Eight months kaming nasa phone lang. Talagang we were making it sure na hindi kami on rebound.

"Kumbaga, talagang we made sure na wala na yung feelings niya sa ex niya, wala na yung feelings ko sa ex ko. So, talagang phone lang kami for eight months.

"Pero yung eight months na yon, every day, every minute, every second of the day, nag-uusap kami. Di ba tama, Hon? Hindi kita nilubayan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

At nang gawin nila ang vlog ni Aiko, tuluy-tuloy na raw ang pagkikita nila.

Naniniwala raw sina Aiko at Onemig na "destiny" at "guided" sila ng Panginoon sa kanilang reconnection.

Read: Onemig Bondoc recalls Red Sternberg’s last call before his death

ON MEETING THEIR FAMILIES

Ayon pa kay Aiko, may basbas ng kanilang pamilya ang relasyon nila.

"Bago itong lahat ng ito, inayos namin lahat.

"Like with my family, I introduced him with my kids—Andre, Martina... and my mom, my brother Angelo, Michiko. Si Erika kasi hindi ko mapakilala dahil nasa U.S.

"So, yung immediate family ko, ipinakilala ko muna siya bago kami ngayon umabot sa punto na ito."

Sabay sabi ni Aiko kay Onemig, "And ikaw din, nakilala ko yung anak mo, yung parents mo who's very, very kind and talagang gracious in meeting me.

"So, salamat po. And your kids."

Dagdag ni Onemig, "So sa family namin, thank you for supporting us. Hindi niyo kami pinahirapan. Pinagaan niyo ang lahat. And thank you for understanding our story."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Idinagdag pa ni Aiko na ipinakilala rin daw niya si Onemig sa pastor ng Born-again Christian church na kinabibilangan ng aktres.

Dahil mahalaga raw kay Aiko ang kanyang faith, si Onemig ay bahagi na rin daw ng kongregasyon.

AIKO MELENDEZ, ONEMIG BONDOC OFFICIALLY TOGETHER

Sa huling bahagi ng vlog, ni-reenact nina Aiko at Onemig ang pagtanong ni Onemig na "Will you be my girlfriend?"

Humirit din si Onemig kay Aiko ng "Will you marry me?"

Natawa si Aiko at pinahiwatig na step by step muna sila.

"Yes, kami na po. We are officially together," pagkumpirma ni Aiko.

Dugtong ni Onemig, "So, doon sa mga nangangarap pa kay Miss Aiko, and mga gustong pumapel, sorry guys. Sorry, mayors, councilors..."

Singit ni Aiko, "Huwag ka magbanggit ng pangalan!"

Masayang deklarasyon ni Onemig, "May nanalo na. Isang hamak na businessman..."

"... na nagmamahal naman sa akin," dugtong ni Aiko.

Kumpirma ni Onemig, "Na nagmamahal sa iyo nang tapat."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dati kasing nabanggit ni Onemig na "end game" na niya si Aiko.

Basta ang pinanghahawakan nila ay seryoso raw sila sa isa't isa, at pinanghahawakan nilang gabayan din sila ng Diyos sa kanilang relasyon.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Aiko Melendez on boyfriend Onemig Bondoc: "So yung immediate family ko, pinakilala ko muna siya bagong kami ngayon umabot sa punto na ito."
PHOTO/S: Screengrab from Aiko Melendez Instagram / YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results