Labis na ipinagluksa ng partner at mga kaanak ni Lullete Jane Ramilo De Guzman ang kanyang biglaang pagpanaw.
Si Lullete ay binaril at napatay ng dalawang hindi pa nakikilalang salarin kagabi, February 13, 2026.
Nasa loob ng sasakyan si Lullete at noo'y kakarating lang ng kanyang tahanan sa Brgy. Cabaritan, San Manuel, Isabela.
Si Lullete ay sumali sa 2013 Miss Philippines-Earth kunsaan siya ay nahirang na isa sa limang runners-up.

Read: Meet the candidates of Miss Philippines Earth 2013! (Part 2)
Ayon sa ulat ng Inquirer.ph, ang gunman ay nakasakay sa isang motorsiklo. Pumasok ang suspek sa gate at saka pinagbabaril si Lullete.
Ligtas naman daw ang tatlong anak nito na kasama din niya sa sasakyan.
Read: Barbie Hsu's family rejects alleged dispute with DJ Koo
FORMER MISS EARTH 2013 LULLETE HUSBAND CRIES FOR JUSTICE
Sa panayam ng i-FM Cauayan sa partner ni Lullete na si Clifford dela Cruz, sinabi nitong di pa rin siya makapaniwala sa nangyari.
Lahad ni Clifford: "As of now po, siyempre, in-shock pa rin kami. Ako, mga anak ko, mga magulang ni Jing, tapos mga relatives niya.
"So, lahat pa rin kami shocked talaga kasi na talagang hindi namin ini-expect ito na may mangyayaring ganitong karumal-dumal na krimen.
"Masakit pero tina-try naming maging strong."
Wala si Clifford nang mangyari ang trahedya.
"At that time, nasa training ako sa Manila. Tapos nung sinabihan po ako ng mother-in-law ko na may nangyari around 6:40, so dali-dali po akong nagbiyahe," ani Clifford.
Gusto raw sana niyang mag-eroplano pero wala raw biyahe sa gabi kaya pinili niyang sumakay na lang ng bus.
"Gusto kong mag-flight sana ng domestic flight. Pero wala, wala pag gabi, kailangan mo maghintay ng umaga. So nag-bus na ako."
Aniya, isang mabait na partner si Lullete, o Jing kung kanyang tawagin.
"Si Jing po, very responsible yan, sweet, sobrang maasikaso sa mga anak.
"Laging focus iyan sa pag-alaga ng mga anak namin."
Paglalarawan pa niya sa pumanaw na beauty queen, "Mapagmahal na asawa. Tapos, maresponsibilidad na anak."
Umaasa naman siyang mahuli kaagad ang mga salarin.
"Sa mga suspect po, may time din na, may time din na makikita namin kayo.
"At hopefully po, magkaroon po ng hustisya po. At hopefully po, kung may mga tips po kayo... may mga tips po kayo or mga information about kung saan nangyari, puwede niyo pong i-share."
Read: Catriona Gray breaks silence on canceled engagement to Sam Milby
CLIFFORD'S FACEBOOK POST
Sunud-sunod naman ang post sa Facebook ni Clifford na nanawagan ng hustisya para sa asawa.
Nagpahiwatig din siya ng "bullying" na nilalabanan umano ni Jing.
Si Lullette ay isang guro, samantalang isa namang doktor si Clifford.
Sabi ni Clifford sa unang post: "She was a fighter. She stood bravely for parents who were afraid to speak.
"She stood against bullying in school. She stood up to authority when others were too intimidated to do so.
"Now, her voice has been silenced, silenced by those who were offended by the truth she carried.
"But her courage will never be silenced. Her fight will never be forgotten.
"Justice for my wife. #justiceforjing #NoToBullying"

Nagbahagi rin siya ng black-and-white photo ni Lullete na may nakasulat na "#JusticeForJing."
Read: Kris Aquino on her 55th birthday: “Praying to reach 60.”
CLIFFORD RECOUNTS LAST CONVO WITH LATE WIFE
Ayon pa kay Clifford, nagkausap pa sila ng dating beauty queen kahapon bago ito pagbabarilin.
Hindi raw niya akalaing yun na pala ang huli nilang pag-uusap.
Kuwento niya [published as is], "Gusto na kitang ma-hug asawa ko. Sobrang sakit ng nangyari sayo. Hindi ko malaman kung nananaginip lang ako na mangyayari to sayo.
"Ako nalang sana kinuha ni Lord. 30 minutes lang na nag tumawag ako sayo, yun na pala huling i love you mo sakin. Nawala ka na.
"Tumawag si mama na may nangyari sayo na karumaldumal."
Hindi pa rin daw niya matanggap ang pagpanaw ni Lullete.
"Hindi ko maprocess, nag-check out nako kaagad sa hotel sa Manila at dumiretso sa bus station na lumilipad isip ko.
"Pumunta lang ako saglit for my trainings, at sabi ko enjoy nating mamasyal pag-uwi ko.
"Ang sabi mo kanina feeling mamatay ka na so sabi ko sayo punta ka na ng hospital at magpapa-check ng ECG at lab tests, and sobrang natuwa ka pa na yung nararamdaman mo ay hindi heart related.
"Sabi mo uwi ka na at magbibyahe ka pa kasi susunduin mo si Juneau sa school nya at uuwi na kayo ng bahay."
Pakiramdam ni Clifford, galit ang motibo sa pagpaslang kay Lullete dahil matapang daw ito sa mga paninindigan nito.
Labis din daw nagdulot ng sakit sa kanya ang marinig ang tatlo nilang anak na nagkukuwento sa nangyari sa ina.
"Pero sa isang iiglap nawala ka na sa piling namin dahil sa kagaguhan ng mga tao na may inggit sayo at intimidated sa pagiging matapang mo.
"Lalo akong nasaktan noong tumawag mga anak mo at kinuwento nila ang karumaldumal na nangyari sayo sa loob ng sasakyan.
"Inabangan talaga kayo sa harap ng bahay natin at nakuha mo pang iligtas tatlo nating anak.
"Nadudurog puso ko ng sobra nang nakikita kong umiiyak ang aking mga anak dahil sa trauma na nakita nila sa nangyari kanilamg Mommy."
Mensahe pa niya kay Lullete, "Mahal na mahal kita yamq! I know you're in heaven now, but I will still hug you in the morgue tomorrow morning kaya ayokong ipagalaw body mo at yayakapin kita ng sobra-sobra.
"Mahal na mahal kita, ikaw lang mamahalin ko sa buong buhay ko at mga anak nating tatlo.
"Itataguyod ko sila, and praying they will be healed from pyschologoical and mental trauma.
"Ang sakit sobra. #JusticeforJing"
Read: Matteo, Sarah lead blessing of newly repaired restaurant
CAUAYAN POLICE PURSUING SEVERAL ANGLES
Ayon pa rin sa ulat ng Inquirer, sinabi raw ni Major Rogelio Natividad, San Manuel police chief, na tutukan ng pulisya ang lahat ng anggulo sa krimen—kung ito ba ay personal, work-related, o kung anupaman.
Sa ngayon, wala pa raw natutukoy na suspek sa krimen.
Sabi ni Natividad, "We have no clear leads yet as to the motive or the suspects. We are processing the evidence and conducting follow-ups."
Inaantay pa rin daw nila ang resulta ng crime laboratory upang malaman kung anong baril ang ginamit sa pamamaslang kay Lullette.
Hinikayat din ni Natividad ang mga residente ng lugar na i-report kaagad kung may nakikita silang kahina-hinalang indibidwal para maiwasan ang kahalintulad na insidente.
Read: Mga rigodon sa loveteams; Karla, boto kaya sa Lella-Joaquin?
