Dahil single siya ngayon, nanawagan si Ai-Ai delas Alas, 61, sa mga lalaking interesadong makipag-date sa kanya sa Valentine's Day, bukas, February 14, 2026.
Sa isang short video na ipinost ni Ai-Ai sa kanyang TikTok account kahapon, February 12, inilista niya ang kanyang requirements sa mga lalaking ide-date niya.
Dapat daw ay pasok ang mga ito mula 45 hanggang 65 years old.
Kaialngan din daw na kaya nitong mag-workout.
Saad ni Ai-Ai: "Hello. May gustong makapag-date sa akin sa Valentine's Day?
"Sige, oh, lagay niyo sa TikTok ha. Age 45 and hanggang 65, yan, puwede yan.
"Yung 45 to 50, wala yung requirements.
"Yung 50, ah, siyempre gusto ko pogi tapos siya magbabayad nung pagkain namin, ganyan.
"Pero yung 50 to 60 and above, kailangan makita ko, 10 burpees, 15 push-ups, 10 pull-ups and 5-kilometer run.
"Oh, video niyo yan ha tapos tingnan ko kung pogi kayo ha and strong."
Ang burpee ay isang powerful full-body exercise kung saan ginagawa ang pagtalon at push-up para mas tumibay ang kondisyon ng lower at upper body.
Caption ni Ai-Ai sa post: "Tingnan ko nga kung may gagawa hahahahhaha .. matatawa ko pag meron [laughing with tears emojis] malay naten dba go mga brad lets do this [laughing with tears emojis]"
@msaiaidelasalas Tingnan ko nga kung may gagawa hahahahhaha .. matatawa ko pag meron ????????????malay naten dba go mga brad lets do this ????????????
? original sound - MS AIAI DELAS ALAS
Read: Priscilla Meirelles reveals she and John Estrada are now divorced
AI-AI DELAS ALAS ENGAGES WITH "APPLICANTS"
Bagamat may halong biro ang paanyaya ni Ai-Ai, may mga netizen na nag-apply para maging ka-date niya.
Ang iba ay inireto ang kanilang tatay pati na asawa.
Sabi ng isang netizen: "Tatay ko po ereto ko sundalo ho siya colonel rank 50+ malapit na siyang mag retire marami savings din hahahahahahha"
Pagsakay naman ni Ai-Ai: "Ay nasan na picture ng papa mo hahaha"

Sabi ng isa: "TATAY KO NALANG PO MS AI"
Tanong ni Ai-Ai: "Hahaha marunong mag burpee? Hahaha"

Sabi naman ng isa: "baka pwede po ang 40"
"Hahahahah" lamang ang sagot ng komedyana.

Ayon naman sa isa: "Miss ai ai..pwede po asawa ko sa 14 lang po ha tas akin na po ulit after nyo..yan pina hiram kunapo sa inyo..yun lang susunduin nyo po dito sa Australia"
Tugon ni Ai-Ai: "Napaka layo naman neng mag eroplano pako hahaha"

Pagreto ng isang netizen: "asawa ko miss ai..50 na sya, ipina mimigay ko na po miss ai"
Biro ni Ai-Ai: "Wag naman hahaha ayoko ng 2 nd hand joke lang hehe keep the fire of love burning"

Ayon sa isa pang netizen: "eto po Ms. AI nagreready na po sya sa 14 iaunboxing nyo nalang po"
"Hahahaha" malutong na tawa ni Ai-Ai.

Read: Top Suzara says Jinky Vidal not allowed to sing Freestyle songs
AI-AI NOT YET READY FOR ANOTHER RELATIONSHIP
Sa panayam ng PEP Troika kay Ai-Ai na lumabas noong January 30, sinabi ng aktres na hindi pa siya handang pumasok sa isang bagong relasyon.
Bahagi ng sagot niya: “Pero as this moment, ngayon, hindi pa ako ready. Siguro one and a half or two years, ready ako.
“Or nainlab ako, e di kung inlab din siya, ‘Puwede tayong mag-intay ng two years?’
“Kasi siyempre, alam mo naman na sobra akong maka-Lord, Lord, Lord. In fairness naman, up to now — married pa rin ang status ko.
“Kasi, hindi pa ako annuled dito dahil dito. And hindi pa rin kami divorced ni Gerald [Sibayan]. So I’m still married.
“And sa mata ng Diyos, kasal pa rin ako.”
Sinabi rin niyang hindi na rin daw siya magpapakasal kung sakaling may bagong darating na lalaki sa buhay niya.
“Never na akong magpapakasal. Iyon, tuldok talaga yun. Kagaya ng ayaw ko na ng bata.”
Dito na rin niya sinabi ang mga edad ng lalaking maaring manligaw sa kanya.
“Siguro, mga 46 and above. Or 50. Ayoko naman ng mga 70, aalagaan ko pa yun?
“Walanghiya, inaalagaan ko nga ang sarili ko, e. Kasi, mag-isa na ako.”
Read: Ai-Ai delas Alas, ayaw na sa mas bata at ayaw na sa kasal
