PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Aira Bermudez assures fans she’s safe following stage accident

Okay na raw siya.
by Bong Godinez
Published Feb 8, 2026
Aira Bermudez
SexBomb Girls member Aira Bermudez shows how tough she is after being involved in an accident while performing at the group’s Saturday show.
PHOTO/S: Aira Bermudez on Facebook; PEP.ph

Labis na nag-alala ang mga tagahanga ng SexBomb Girls sa kalagayan ng miyembrong si Aira Bermudez matapos nitong maaksidente habang nagpe-perform.

Sa video clip na lumabas sa social media at kuha sa concert ng grupo na pinamagatang Get, Get, Aw! Concert Rawnd 4, na ginanap nitong Sabado, February 7, sa SM Mall of Asia Arena, makikitang tumama ang mukha at ulo ni Aira sa sahig ng entablado.

Nangyari ang insidente sa gitna ng aerial dance number ni Aira kung saan hindi siya nahawakang maigi sa braso ng isang back-up dancer, dahilan para mabitawan nito ang SexBomb member.

Read: Jenny Syquia reveals receiving messages from Gabby Concepion

Aira Bermudez's accident at Get Get Aw: The Sexbomb Concert
Aira Bermudez's accident at Get Get Aw: The Sexbomb Concert
Photo/s: PEP.ph
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

AIRA BERMUDEZ: "THE SHOW MUST GO ON"

Sa Facebook ay ipinahatid ni Aira sa publiko na nasa maayos siyang kalagayan at walang dapat ipag-alala ang kanilang fans.

“Keep moving forward,” bungad ni Aira sa caption.

Dugtong niya, "Bumagsak man ako kagabi at naaksidente, pero babangon at lalaban tayo ngayon."

Siniguro rin ni Aira sa kanilang mga tagahanga na makakapag-perform siya sa pagpapatuloy ng concert ng grupo ngayong gabi, Linggo, February 8.

"I’m okay, nothing serious happened and I’m ready," sabi ni Aira.

"The show must go on! See you later!"

Saad pa ni Aira: "Hindi ako pinalaki ng SexBomb para bumawi—pinalaki ako para LUMABAN."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

CONCERT HIGHLIGHTS

Maliban sa aksidente, naging masaya naman ang concert ng grupong sumikat noong 2000s.

Ang pinakamalaking pasabog ng concert ay ang surprise appearance ni Izzy Trazona, dating member ng SexBomb Girls.

Ikinagulat ng manonood, at maging ng SexBomb members, ang biglaang pagpapakita ni Izzy na matagal nang hindi nakakausap ng kanyang mga dating kasamahan.

Noong 2010 ay binalita ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na kumalas si Izzy sa grupo matapos siyang maging aktibong miyembro ng Victory Church.

Read: Izzy Trazona reunites with SexBomb Girls at Get Get Aw! Rawnd 4

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
SexBomb Girls member Aira Bermudez shows how tough she is after being involved in an accident while performing at the group’s Saturday show.
PHOTO/S: Aira Bermudez on Facebook; PEP.ph
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results