Hindi napigilang sagutin ni Rica Peralejo, 44, ang patutsada ng isang netizen na nagnanakaw umano ng tithes sa kanyang simbahan.
Ang mister ni Rica na si Joseph Bonifacio ay pastor ng sarili nitong kongregasyon ngayon, at dati ring pastor sa pinanggalingan nitong Christian denomination.
Ibinahagi ni Rica ang screenshot ng comment ng netizen sa Instagram Threads noong January 1, 2026.
Dito ay sinabi ni Rica na may sarili siyang pera na naipon niya mula sa kanyang pagtatrabaho, at di hamak daw na mas malaki iyon kaysa pera ng kanyang asawa o ng simbahan niya.
Sa hiwalay na Facebook post ni Rica noong January 4, sinabi niya na "pinatulan" at "nilaro" niya ang akusasyon ng netizen na aniya'y "nakakatawa" at walang basehan.
Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rica sa pamamagitan ng palitan ng Instagram direct messate at e-mail.
Dito ay sinabi ni Rica na hindi siya matitibag ng aniya'y walang katotohanang alegasyon na siya ay nagnanakaw ng tithes.
"Siguro nakatulong sakin na artista ako matagal na. Madami na akong nadaanang intriga, so hindi ako naapektuhan lalo naman kung hindi totoo.
"Kasi your life will always show naman eventually what is real or not. Di ba, sabi nga nila time is a truth teller. Naniniwala ako doon.
"Wala din naman nagiging alegasyon sa amin ever except for this one netizen which I think is really more of a personal attack.
"Kasi kahit ipagtanong niyo pa sa mga naka-church namin before and until now, wala naman kaming any allegations ever."
Masasabi rin daw ni Rica na hindi marangya ang pamumumuhay niya at ng kanyang mister na si Joseph.
Punto niya, "In fact, kilala pa nga kami as this napaka-non-ambitious couple, kasi for the longest time, happy na kami sa Tamaraw FX na kotse ng asawa ko.
"Napalitan lang yun nung may mga nag-offer ng hand-me-downs nila na kotse sa kanya. Hahaha."
Ano sa tingin niya ang motibo ng netizen para paratangan siyang nagnanakaw ng tithes?
Sagot ni Rica, "I have my hunches but wouldn’t know for sure. Anyway, hindi ko na din masyado naiisip sa totoo lang. Haha."
Read: Rica Peralejo meets family of late ex-boyfriend Red Sternberg
RICA PERALEJO ON HUSBAND PIONEERING A NEW CHRISTIAN CONGREGATION
Ikinuwento rin ni Rica na sa ngayon ay bahagi siya ng itinatag na Christian congregation ng kanyang asawa, ang No Other Name church.
Siniguro ni Rica na transparent ang finance team ng kongregasyon pagdating sa natatanggap nitong tithes o monetary donations.
"My husband and his team have been working on a financial report to show people who come to our church and request for it.
"Nagawa na rin nila ito before, pero mas detailed lang ang ibigay this year."
Ipinaliwanag din ni Rica na hindi strikto ang kanilang kongregasyon pagdating sa monetary donations.
Lahad niya: "Also, kaya din hindi kami nanghihingi ng pera sa aming church services kasi hindi money-making ang goal nito.
"We always say they can give to us, no specific number also or rate for the amount, but it is also completely fine if they don’t.
"We communicate that generosity is not reserved only for our church, but also for other churches, the poor, and worthy causes."
Ayon pa kay Rica, hindi raw malaki ang gastos para sa pag-maintain ng kongregasyong itinatag ng kanyang mister na pastor.
"Another thing is that our church has remained small and simple so we will not need a lot of money to sustain it. Para yung pera ng tao mapunta talaga sa mga mas may kailangan.
"So whenever we get more than what we need, our church has a committee that decides where else we can give the money to.
"We don’t keep the money and make ourselves rich, we give it away to those who need it.
"And in case magkulang naman kami sa church, at least it is small enough na pwede namin i-support ito with our own money as well."

Read: VIRAL: What happened in James Deakin vs. LTO issue?
RICA PERALEJO ON PERSONAL INCOME
Idiniin ni Rica na may sarili siyang kita bilang digital content creator at aktres, at ang asawa niya ay mayroon din daw multiple income streams.
"I work, and my husband has other jobs also so we can actually fund the church services plus some salaries with our own money. That was actually how it started."
Si Rica pa raw ang nagbigay ng pera noong nagsisimula pa lang ang No Other Name church.
"Actually, many of the staff, kasama asawa ko, na pag walang pera ang church, wala din silang sweldo.
"So yung babayaran lang ay yung mga need para itayo yung mismong service every Sunday.
"So far naman ok pa, people give to our church and has been more than enough, so the church makes sure na we give the excess away to those who can need or use it better.
Sabi pa ni Rica: "Ilan lang yan sa mga paraan na naisip ng asawa ko at ng team niya."
"Nakailang taon na kami and it’s okay naman. So far happy ako kasi ang simple lang Talaga naming and everything is very natural and organic."
Read: Jhenroniel Sanchez: Top 1 in bar exams is "very average student"
RICA PERALEJO ON HER MMFF 2025 STINT
Sa kabilang banda, muling napanood si Rica sa Metro Manila Film Fest 2025 entry na Manila's Finest.
Ibinahagi niya sa amin ang naging karanasan niya sa pagbabalik niya sa pag-arte sa pelikula.
"Nanganay ng konti, pero para lang siyang pagbibiskleta din. Once you know it, you’ll always know it.
"Also, I accepted the role kasi hindi siya demanding. Baka nakatulong yun para maging okay lang yung experience.
"Na hindi ako masyado mahirapan, lalo at first ko siya in more than 10 years of being away.
"All in all this is an amazing experience because tinanggap ko din ito because of the script.
"Kakaiba yung story and alam kong may posibilidad na maging important cultural artifact yung material."
May ilan sa mga nakapanood ang nanghinayang na maiksi lang ang appearance niya sa Manila's Finest at tila naging "dekorasyon" lang daw siya rito.
"It was actually why I accepted it! One of the reasons yan," direktang saad ni Rica.
"Cause sa tagal kong hindi umaarte, ayoko naman ng role na 90% of the film ako ang umaarte. Baka masyado akong mabigatan at baka hindi ko ma-enjoy.
"I thought a small role in a grand film might be an encouraging thing to me personally, enough to wet my feet and feel things out. And that’s exactly what happened."
Hindi rin naman daw iniisip ni Rica na kailangan siya ang bida sa pelikula para tanggapin ang isang proyekto.
Sabi niya, "Also, hindi na din kasi ako young star na trying to be pa-bida. Right now, for me, the more important thing is that the project I belong to is a good one.
"Mas importante na sa akin ngayon yung buong proyekto kaysa sa exposure ko.
"Ito din ang perfect example na some projects you choose for the role, some choose because of the bigger picture."
Read: Juliana Gomez, Ricci Rivero spotted holding hands at a mall
ON showbiz plans
Marami sa mga tagahanga niya ang nag-aabang kung ito na raw ba ang hudyat ng pagiging aktibo niya muli sa showbiz at handa na siyang gumawa ng teleserye o panibagong pelikula.
"My stand before was I will only do quality or meaningful projects. So if that keeps coming, why not? I will.
"Isa pa ding kailangan ko masiguro is that it won’t get in the way of my personal life which revolves around my running and my husband and children."
May dalawang anak na lalake ang mag-asawang Rica at Joseph, sila sila Philip, 12, at Manu, 6.
RICA PERALEJO ON APAS
Naikuwento rin ni Rica na siya ay may antiphospholipid antibody syndrome o APAS.
Ang APAS, ayon sa clevelandclinic.com, ay autoimmune disease na maaaring magsanhi ng blood clots at kumplikasyon sa pagbubuntis.
Ilan sa mga celebrities na nakaranas din nito ay sila Sitti, Nadine Samonte, at Miriam Quimbao.
Paliwanag ni Rica, "This only appears naman kapag buntis. And since hindi na ako ulit nagbuntis or magbubuntis pa ulit, it’s not a problem.
"But when I was pregnant, it really was hard. I had to do injections daily until a week before giving birth.
"Need ko din mag-stick sa isang maayos na diet that will not trigger inflammation and help baby grow like eggs.
"Mahirap na mahirap din yung anxiety na dala ng condition kasi maari kang makunan if anything goes wrong.
"But lahat naman ng yun ay worth it. Lalo na when I look at my rainbow child," pagtatapos niya.
