Juliana Gomez at Ricci Rivero, magkarelasyon na?
Ito ang tanong ng netizens matapos kumalat ang video nina Juliana at Ricci na magka-holding hands sa loob ng isang mall.
Sa TikTok video ng isang netizen kahapon, January 8, 2025, makikitang galing ang rumored couple sa isang cellphone or gadget shop.
Lantaran ang paghawak-kamay ng dalawa na naglakad palayo mula sa shop na pinuntahan nila.
Todo-ngiti si Ricci na bumaling pa ulit sa babae na nasa shop na waring nagpaalam pa rito bago sila tuluyang umalis ni Juliana.
Nakasuot si Juliana ng denim jacket, pants at sneakers; habang si Ricci ay naka-jacket at slim-fit joggers.
Hindi ito ang unang sighting kina Juliana at Ricci.
Noong November 2025, nakunan sila ng litrato sa isang wall climbing gym kasama ng isang fan.

Noong December 2025, dumalo si Ricci sa 33rd Southeast Asian Games hindi bilang manlalaro kundi para suportahan si Juliana.
Nag-uwi si Juliana ng bronze medal mula sa women's team epee event.
Nakunan ng One Sports ng litrato si Juliana na nakasuot ng kanyang fencing uniform at lumapit sa puwesto ni Ricci.

At base sa latest video ng dalawa na magkahawak-kamay, malinaw na nagkakamabutihan sina Juliana at Ricci.
Sa Fast Talk With Boy Abunda noong November 2025, mismong ang ama ni Juliana ang nagsabing may bagong nauugnay sa anak.
Hindi binanggit ni Richard ang pangalan ni Ricci, pero sinabi ng actor-politician na minsan nang isinama ni Juliana ang lalaking nakaka-date nito sa family dinner ng pamilya Gomez.
DATING HISTORY
Huling napabalitang karelasyon ni Juliana ang kapwa national athlete at fencer na si Miguel Bonnevie Bautista.
Read: Miggy Bautista not intimidated by Juliana Gomez's parents
Si Ricci naman ay dating nakarelasyon ng beauty queen at Los Baños, Laguna councilor Leren Bautista.
Naging kasintahan din ni Ricci ang aktres na si Andrea Brillantes.
Matatandaang naging kontrobersiyal ang simula ng relasyon nina Leren at Ricci noong mid-2023, dahil kasabay iyon ng balitang hiwalay na si Ricci kay Andrea.
Nanindigan noon sina Leren at Ricci na wala na sina Andrea at Ricci noong una pa lang makilala ni Leren si Ricci sa isang feeding program noong May 2023.
Read: Leren Bautista: No Overlap with Ricci Rivero
Sa ngayon, si Andrea ay napapabalitang karelasyon ang non-showbiz guy na si Pankie Capistrano.
Read: Andrea Brillantes welcomes 2026 with rumored boyfriend
