PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

WillCa fans take a "pause"; DustBia spotted in Thailand

Are WillCa fans affected by the alleged airport sighting of DustBia?
by Rachelle Siazon
Published Jan 8, 2026
WillCa and Dusbia airport sighting
Some fans of Will Ashley and Bianca De Vera (left) take a temporary break from shipping their idols following Dustin Yu and Bianca's (right) alleged airport sighting and Thailand trip.
PHOTO/S: @biancadeveraa Instagram / CTTO

Naghayag na nasasaktan at nanghihinayang ang masugid na fans nina Will Ashley, 23, at Bianca de Vera, 23.

Apektado ang fans dahil sa mga isyung nakapalibot sa tambalan nila at sa tambalan nina Bianca at Dustin Yu, 24.

Sina Will at Bianca ay kilala sa uniname na WillCa; habang sina Dustin at Bianca ay kilala sa uniname na DustBia.

Sina Bianca, Will, at Dustin ay lead stars ng Metro Manila Film Festival 2025 entry na Love You So Bad, na kasalukuyang ipinapalabas sa mga sinehan.

Ngayong January 8, 2025, nag-isyu ng pahayag ang admin ng ilang fan accounts ng WillCa na pansamantalang “magpapahinga” muna ang ilan sa kanilang WillCa fans.

Walang eksaktong insidenteng binanggit, pero kailangan daw nilang mag-ipon muli ng lakas sa gitna ng ingay sa kung anumang isyu sangkot ang kanilang mga iniidolo.

Sabi sa pahayag: “Mga apo, ang mga Lola ay magpapahinga muna.

"Hindi ito paalam. Hindi rin ito galit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ito ay isang sandaling paghinto—para huminga, para manahimik, para ipunin muli ang lakas na matagal naming ibinibigay nang buong-buo.

“Mahal namin kayo. Minahal namin ang bawat proyekto, bawat puyat, bawat dasal, bawat laban na pinasok namin para sa fandom na ito.

“Pero kahit ang mga Lola, napapagod din.

“Magbabalik kami kung kailan handa na ulit ang puso. Kung kailan may sapat na katahimikan para magbigay nang hindi nauubos.

“Hanggang doon muna, ingatan ninyo ang isa’t isa.”

WillCa fans take a pause amid alleged sightings of Dustin Yu and Bianca De Vera in Thailand
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Halos ganoon din ang mensahe ng admins sa fan accounts sa X na WILLCAlabarzon, WillCa North and Central Luzon, at WILLCA WESTERN VISAYAS

Inulit nilang hindi sila aalis kundi magpapahinga lang para huminga at mapanatag ang komunidad na nabuo nila.

Some admins of WillCa fan account decide to take a pause following DusBia sightings

Read: PBB Celebrity Collab Edition: Meet the 20 housemates

"WILLCAM TO THE FINAL SHOW" trend on x

Samantala, nito ring January 8 nag-trend sa X ang “WILLCAm to the final show.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Willcam to the final show

Sa thread na ito, karamihan sa mensahe ng ibang WillCa fans ay may tunog-pamamaalam sa sini-ship nilang tambalang Will at Bianca.

Willcam to the final show trend following Dusbia airport sighting
Photo/s: CTTO
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
WillCam to the final show trend on X after Dusbia airport sightings

Ipinahihiwatig nila ang panghihinayang at lungkot sa tingin nila’y nasayang na tambalan ng dalawa.

Willcam To The Final show trend as WillCa fans express sadness following DusBia airport sighting
Photo/s: CTTO
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
WillCam to the final show trend on X after Dusbia airport sightings

Gayunpaman ay marami sa kanila ang nagbahagi ng mga magaganda nilang alaala kasama ang WillCa.

WillCam to the final show trend on X after Dusbia airport sightings
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Willcam To The Final show trend as WillCa fans express sadness following DusBia airport sighting
Photo/s: CTTO

May mga nagsabi ring suportado pa rin nila si Will sa gitna ng pansamantalang pamamahinga ng ilang admin ng fan accounts ng WillCa sa X.

Willcam To The Final show trend as WillCa fans express sadness following DusBia airport sighting
Photo/s: CTTO
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Carla Abellana reacts to Janus del Prado's wedding cake meme

IS THE PAUSE CONNECTED TO DUSTBIA SIGHTINGS?

Hindi malinaw kung ano ang eksaktong dahilan kung bakit may hinaing ang iba sa WillCa fans.

Base sa usap-usapan sa social media platforms, ang hinala ng iba ay may kinalaman umano ito sa tambalang Dustin at Bianca na sinasabing nagkakamabutihan sa tunay na buhay.

Usap-usapan ng netizens na namataan sina Dustin at Bianca na magkasamang nagbakasyon sa Thailand.

Pinagtagni-tagni ng netizens ang selfie ni Dustin na may background ng skyline ng buildings na sinasabing kuha sa Thailand.

May litrato rin daw si Bianca na kuha sa floating market sa Thailand.

Dustin Yu and Bianca de Vera alleged Thailand sighting
Photo/s: CTTO
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dagdag pa rito ang video at litrato ng isang couple na nakunan habang sila ay nakapila sa airport immigration area.

Nakasuot ng white shirt, black jacket, pants, at cap ang lalake; habang ang babae naman ay naka-oversized white sweater, pants, at cap.

Parehong nakasuot ng face mask ang babae at lalake, kaya hindi sila basta matutukoy kung sino sila.

Pero tingin ng netizens, sina Dustin at Bianca raw ang mga iyon.

Dustin Yu and Bianca de Vera alleged airport sighting
Photo/s: CTTO
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tugma raw kasi ang suot na black and white cap ng lalake sa cap ni Dustin sa isa niyang selfie photo sa IG.

May nakalap din ang netizens na litrato ni Bianca na nakasuot ng oversized sweater na katulad ng suot ng babae sa airport.

Kasabay nito ay may ibang fans ang nag-repost ng recent video interview nina Bianca at Dustin sa sa’t isa.

Binanggit doon nina Bianca at Dustin na nasa PBB pa lang sila ay nasasabi na nila sa isa't isa na gusto nilang magbiyahe sa ibang bansa.

Bukod sa sinasabing airport sighting kina Bianca at Dustin, usap-usapan din ang video clip kunsaan inihayag ni Bianca kung gaano niya naa-appreciate si Dustin.

Ayon kay Bianca, aminado siyang may “bashers” sila ni Dustin na pinangungunahan kung ano ang gusto nila para sa kanya.

Pero sa lahat daw ng tao na nakasama niya sa PBB Celebrity Collab, si Dustin daw ang nakasama niya “sa lahat, through thick and thin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

In-assure ni Bianca si Dustin na “ikaw at ikaw pa rin” ang pipiliin nitong ka-final duo sa PBB.

Hindi raw kailanman pinagsisisihan ni Bianca na si Dustin ang pinili niyang ka-final duo kahit na hindi sila umabot sa Big Four.

As of 4:05 P.M. ay umabot ng 5 million views ang video clip na iyon na ni-repost ng isang netizen.

Sa thread ng video, makikitang ang interpretasyon ng ibang netizens ay pinili ni Bianca si Dustin kesa kay Will.

Dismayado ang ibang shippers ng WillCa teamup dahil dito.

May iba ring netizens ang napakuwestiyon kung ang sinasabi raw ba ni Bianca na “bashers” nila ni Dustin ay ang supporters ng tambalang Will at Bianca.

Walang sinabi si Bianca na pinariringgan niyang “bashers” ay ang ibang supporters ng WillCa.

Pero tila may ibang netizens na iyon ang interpretasyon kaya ang iba sa kanila ay may tampo kay Bianca.

Bianca de Vera di nagsisisi na piniling ka-final duo si Dustin Yu
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Samantala, umapela naman ang ibang fans na iwasan ang pagbato ng below-the-belt comments kahit pa magkakaiba sila ng opinyon.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Some fans of Will Ashley and Bianca De Vera (left) take a temporary break from shipping their idols following Dustin Yu and Bianca's (right) alleged airport sighting and Thailand trip.
PHOTO/S: @biancadeveraa Instagram / CTTO
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results