Binasag ni Joyce Tan Custodio ang kanyang katahimikan ukol sa mga pambabatikos sa relasyon nila ni Michael Pacquiao.
Isa na rito ang age gap daw ng dalawa dahil si Joyce daw ay nasa "late 30s na" habang si Michael ay 23 pa lamang.
Ayon sa isang post sa social media site na Reddit, si Joyce ay dating stylist ni Jinkee Pacquiao, ina ni Michael.
Si Michael ang pangalawa sa limang anak nina Jinkee at Manny Pacquiao.
Nakasaad sa post: "His girlfriend is an old family friend and nagulat ako upon seeing this on my news feed a few weeks ago.
"For context, Joyce (Michael's GF) is in her late 30s while Michael is 23. She used to be Jinkee's stylist. Buti okay lang kay Jinkee despite the 15-year age gap."

Ang ilan pang netizens ay nagsabing malayo talaga ang agwat ng edad nina Joyce at Michael.

May nagsasabi ring hindi raw masaya si Jinkee sa relasyon niMna ichael at Joyce dahil parang naging target umano ng stylist ang kanyang anak noong bata pa lamang ito.


"Groomer" pa nga kung tawagin ng iba si Joyce.
Ang "groomer" ay kadalasang tumutukoy sa isang mas nakatatandang indibidwal na hinuhubog o tinatarget ang isang minor para makarelasyon nito kapag nasa tamang edad na ito o kahit hindi pa.

Read: Luke Jickain and Nico Antonio pass the 2025 Bar Examinations
JOYCE TAN CUSTODIO NOT AFFECTED BY CRITICISMS
Ngayong umaga ng Huwebes, January 8, 2025, nagbahagi ng kanyang saloobin si Joyce sa pamamagitan ng Facebook.
Marami raw nagpadala sa kanya ng mensahe pero hindi niya masasagot ang lahat.
Sa nababasa raw niya, parang mas apektado pa ang netizens tungkol sa "maling information" sa kanila ni Michael.
Saad niya (published as is), "Sasabog ata MESSENGER ko sa dami nagmemessage but sorry I can't answer to everyone
"Fyi this is for everyone: My followers & Non Followers- Guys sa mga nakaka panuod ng reels/chicka videos ang cute niyo mas affected pa kayo sakin sa nababasa niyo na minsan halos maling information na nalabas sa news."
Payo pa niya sa netizens, huwag na lamang pansinin ang mga negatibong nababasa nila sa kanilang mga "ka-comment."
"Relax lang wag po makipag away sa mga ka-comment niyo, don't put any hate in your heart whatever you read or hear bcoz' of me Life goes on and Deadmah na hindi naman nila ako kilala personally.
"Happy New year again"
Pagtatapos pa ni Joyce, sanay na sila sa mga batikos kaya sana ay maging mabuting tao na lamang daw ang lahat.
"P.s. Don't worry sanay na kame, magpayaman nalang kayo kesa magaway away kayo sa comment section
"And remember God can hear everything he will judge each & everyone of us at the end of our lives so just be kind even if the world is not"
Humingi ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng karagdagang pahayag mula kay Joyce sa kanyang Instagram account.
Wala pa ring pahayag ang ina ni Michael na si Jinkee ukol sa relasyon ng anak.
