PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Melanie placed in mental and rehab facilities without consent

Melanie Marquez: "In-abduct ako! I was kidnapped against my will!"
by Jojo Gabinete
Published Jan 5, 2026
melanie marquez
Melanie Marquez opens up about an alleged 2022 abduction that she says led to her placement in mental and rehab facilities without her consent.
PHOTO/S: GMA Network YouTube

Pasabog ang mga rebelasyon ng beauty queen-actress na si Melanie Marquez sa kanyang exclusive interview sa Fast Talk With Boy Abunda ngayong Lunes, Enero 5, 2026.

Kabilang sa isiniwalat ng Miss International 1979 ay ang pagpapagkidnap umano sa kanya ng sariling asawa, pagkakakulong sa isang mental facility sa loob ng sampung araw, at pananatili sa rehabilitation center ng walong buwan na labag sa kanyang kalooban.

Ipinagtapat din ni Melanie ang paulit-ulit na pisikal na pananakit, mental, emotional, at verbal abuse na naranasan niya diumano mula sa kanyang asawang si Randy “Adam” Lawyer.

Ayon kay Melanie, matagal siyang nagtiis alang-alang sa kanyang mga anak. Pero ngayon ay gusto na niyang maging malaya at mamuhay nang mapayapa.

Read: Rabin Angeles and Angela Muji: Made to Last

MELANIE MARQUEZ CLAIMS SHE WAS KIDNAPPED

Noong Hulyo 2022, bigla na lamang nawala si Melanie. Hinanap siya ng mga kaibigan at walang nakaalam sa kanyang kinaroroonan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero makalipas ang tatlong taon, isiniwalat ng dating beauty queen na kinidnap umano siya at dinala sa mental hospital.

Mismong araw ng kanyang kaarawan, noong July 16, 2022, nang dukutin daw siya.

Lahad ni Melanie: “In-abduct ako! I was kidnapped against my will!

"I was judged, nobody talked to me. I cannot talk to anyone!

"My phone got hacked and it’s on my birthday. Birthday ko mismo [July 16] nung in-abduct ako because I filed a case against Randy, yung suntok niya sa akin.

“Nawala ako, inilagay ako sa mental hospital, thinking sira ang ulo ko when, well, in fact, I’m taking care of my two boys.

"Then, I’m having a construction sa binili ko na lupa."

Ang tinutukoy ni Melanie na "my two boys" ay ang kanyang dalawang anak na lalaki na na-diagnose na may autism — sina Mazeen at Adam.

Pagpapatuloy niya: “Bigla akong nawala.

"I was only invited to celebrate my birthday, but I never thought that this celebration will be my trauma.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“In-abduct ako, in-injection-an nila ako. I cannot move."

BETRAYAL OF TRUST

Ayon kay Melanie, "betrayal of trust" ang nangyari sa kanya, ngunit hindi niya direktang pinangalanan ang mga taong sumira umano ng kanyang tiwala.

"Then I was crying because it’s clear enough na betrayal of trust.

"I don’t wanna mention anybody, but I was hurt," sabi niya.

Dinala raw siya sa isang mental health facilty nang wala niyang pahintulot.

“Iniwan ako sa [mental] facility. Tinatawag ko sila, 'Bakit ako naiwan dito?'

“Hindi ko alam na mental hospital yon. Dinala ako sa fourth floor. Itinali nila ako.

“Sabi ko, 'Bakit ninyo ako itinatali? Hindi naman ako nagwawala?' Mandatory daw.

“Kinabukasan, sabi ko, 'Nasaan ako?' ‘Mental hospital.’ 'Saan? 'Pasig.'"

Read: Janus del Prado under fire for tirades against Carla Abellana

MELANIE'S SONS WITH AUTISM

Sa lahat ng nangyari kay Melanie, ang pinakamasakit daw ay inihiwalay siya sa kanyang mga anak na parehong may autism.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kuwento niya: “Umiyak ako. Hindi nila naiintindihan ang sinabi ko na kung mamamatay ako, hindi ko alam... Ang mga anak ko, mahal na mahal ko yung dalawa kong autistic.

“Sana kaming tatlo mamatay. Kunwari, nag-crash yung plane, kaming tatlo.

"At least, hindi ko na maiisip ang mga anak ko na iiwanan ko. Hindi ko alam kung sino ang magmamahal sa kanila.

“Then, iniba nila yung istorya. Ang ginawang istorya na ako daw, papatayin ko yung mga anak ko at papatayin ko ang sarili ko."

Sabay diin ni Melanie: “My goodness! Ang kinatatakutan ko lang talaga ang Panginoon.

"Hindi ko papatayin ang sarili ko at lalong hindi ko papatayin ang mga mahal ko sa buhay. Sila ang strength ko.

"My two autistic boys, I can feel their love for me. Hindi sila normal but I feel their love.”

Read: Mga kapatid ni Michelle Dee na may special needs, bahagi ng tagumpay niya sa Miss Universe PH 2023

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

EIGHT MONTHS IN REHAB FACILITY

Matapos ang sampung araw na pananatili sa mental facility sa Pasig City, inilipat daw si Melanie sa isang rehabilitation center sa Cavite.

Dito raw siya namalagi ng walong buwan.

Pagbabalik-tanaw ni Melanie: “Sa rehab, parang nasa jail ako na wala lang rehas.

"Bakit ako nandoon? Sino ang nagdya-judge sa akin. Bakit nila ako inilagay dito na hindi man lang nila ako kinausap?

“Eight months ako diyan.

"Sila mismo sa rehab, sabi nila wala akong problema.”

Sinabi rin ni Melanie na negatibo raw ang lahat ng resulta ng blood, hair follicle, at saliva test sa kanya — patunay umano na walang katotohanan ang mga suspetsang gumagamit siya ng ipinagbabawal na gamot.

Diretsahang tinanong ng host na si Boy Abunda kung naranasan ni Melanie na gumamit ng illegal drugs.

“Yes, when I was younger,” pag-amin ng dating beauty queen.

Paglilinaw naman niya, “Ang tagal na noon, nung teenager pa ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Nag-try lang ako, for experience. Party-party lang pero hindi siya bisyo."

MELANIE SAYS SHE EXPERIENCED SEVERE DEPRESSION

Iginiit ni Melanie na matinding depresyon ang pinagdaanan niya at nag-ugat ito mula sa kawalan umano ng suporta ng kanyang American husband.

Saad niya: “I went to that state of depression kasi wala akong support from Randy.

"Wala… I mean, I am supporting us kaya naibenta ko yung bahay ko sa Philam [Quezon City]. I need money to surivive, me and my two sons.

“Hindi ako nagbibigay ng obligasyon sa mga anak ko because they have their own lives at hindi ko naging ugali, kahit noong bata ako, na humihingi ng limos."

Ang tinutukoy ni Melanie na "mga anak ko" ay sina Manuelito, Maxine, at Michelle.

Si Manuelito ay anak ni Melanie sa dati niyang karelasyong si Senator Lito Lapid; habang sina Maxine at Michelle ay mga anak niya sa dating actor-director na si Derek Dee.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Mazeen ay anak ng beauty queen-actress sa isang Arab sheikh; habang sina Abraham at Adam ay mga anak niya kay Randy.

Desidido na raw si Melanie na maghain ng diborsyo para mapawalang-bisa na ang kasal nila ng asawa niya.

Noong November 2025 ay nagsumite raw ng request si Melanie sa Bureau of Immigration upang kanselahin ang visa ni Randy para hindi na ito makabalik ng Pilipinas.

RANDY LAWYER'S RESPONSE

Nagpadala ng pahayag sa Fast Talk with Boy Abunda ngayong Martes, Enero 6, ang mga abogado ni Randy sa PECABAR Law Office.

Pinabulaanan ng kampo niya ang mga alegasyon ni Melanie, at iginiit na walang basehan ang mga ito.

Narito ang bahagi ng nakasaad sa email:

“This latest stunt is nothing short of malicious harassment, designed to inflict severe reputational damage, emotional distress, and professional harm on our client.

"Mr. Lawyer will address the particularities of the Ms. Marquez’s accusations against him before the Bureau of Immigration, the proper forum.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Randy Lawyer strongly denies Melanie Marquez's abuse allegations

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Melanie Marquez opens up about an alleged 2022 abduction that she says led to her placement in mental and rehab facilities without her consent.
PHOTO/S: GMA Network YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results