Nagsalita na si Vice Ganda kaugnay ng insidenteng nangyari sa airport kamakailan kung saan ginawa umano siyang content ng isang babaeng netizen.
Nag-viral ang video ng netizen kung saan naispatan niya si Vice sa airport na tila nagmamadali.
Sa naturang video, maririnig ang pagsigaw ng uploader na; “Ay, si ano to, artista.. Si ano to, artista ito. Sikat na artista sa Pilipinas. Uwi ka na ng Pinas? Happy New Year."
Maririnig na tugon ni Vice sa kanya: "Happy New Year po! Hindi niyo nga ako kilala, Ate, e.”
Sagot ng netizen: "Hindi, kasi alam ko nakikita kita sa TV."
Palusot pa ng netizen sa caption ng deleted nang post niya sa TikTok: "Nakalimutan ko name ni Vice Ganda pero namansin pa rin kahit parang Nag tampo o galit
"Ewan ko bakit nakalimutan ko name niya
"EAT Bulaga ksi ang Pinapanood ko."
@jaysonbet Happy New year meme Vice hahaha Napapanood niya daw sa Tv SIKAT na ARTISTA SA PILIPINAS pero hindi alam Ang name Ah may ganun pala? Award si ate ???? #viceganda #cttofbpostjessamineconcepcion ? original sound - Jayson Remoroza
Mapapansin ding malapit na malapit ang cellphone ng netizen sa mukha ni Vice habang kinukunan niya ito ng video.

Katakut-takot na pangba-bash ang natamo ng netizen mula sa ibang netizens na hindi nagustuhan ang kanyang ginawa.
Read: Karen Bordador commemorates four years as a free woman
VICE GANDA SPEAKS UP ABOUT AIRPORT INCIDENT
Sa "Laro-Laro Pick" segment ng It's Showtime ngayong Lunes, January 5, 2026, napagdiskitahan ni Vice ang isang contestant.
Biro niya, "Kamukha mo yung babaeng nagbi-video sa akin sa airport."
Kasunod ay ni-reenact ni Vice ang ginawa ng netizen na nag-video sa kanya.
Aniya, "Ay, kilala ko to, e, sikat to, e. Sikat to e, artista to e."
Pero ayon kay Vice, hindi umano totoong hindi siya kilala ng nag-video sa kanya.
Lahad niya: "Echoserang hindi niya alam pangalan ko, e, kitang-kita ko siya.
"Nung nakita niya ako, sabi niya, 'Ay, si Vice Ganda,' tapos bini-video niya ako.
"Ayoko nang ikuwento nang buo dahil maba-bash ka lalo, 'Day."
Burado na ang post ng netizen sa TikTok pero nagkalat naman ito sa Facebook.
Read: Are BINI Jhoanna and rapper Skusta Clee together in Vietnam?
