Based na ngayon sa Pilipinas ang actor/host/singer na si Leo Consul sa ilalim ng pangangalaga ng ALV Talent Circuit ni Arnold Vegafria.
Ilan sa big break niya sa showbiz ay nang maging co-host siya ng franchise ng noontime shows na Eat Bulaga! at It's Showtime sa Indonesia.
Kuwento ni Leo sa piling entertainment press, kabilang ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), taong 2012 nang magtungo siya sa Indonesia upang maging teacher.
Hindi nagtagal ay nag-audition siya para sa isang boy band sa Indonesia, pero hindi natuloy ilunsad ang grupo.
Uuwi na sana ng Pilipinas noon si Leo, pero kinumbinsi raw siya ng isang kaibigang manatili sa Indonesia at mag-audition sa ibang proyekto.
Read: Melanie placed in mental and rehab facilities without consent
LEO CONSUL ON JOINING EAT BULAGA! INDONESIA
Taong 2013, pinalad si Leo nang mag-audition at makapasa siya bilang isa sa hosts ng Eat Bulaga! Indonesia edition.
Siya lang ang tanging Pinoy sa hosts.
Ang main host noon ay si Uya Kuya, at ang ibang co-hosts ay sina Leo, Rian Ibram, Astrid Margaretha, Reza Bukan, Lavanya Bhardwaj, at Shaheer Sheikh.
Kasali si Leo hanggang sa magtapos ang first run ng Eat Bulaga! Indonesia franchise na umere mula July 2012-April 2014.
Aniya, “Eat Bulaga! stayed, naglipat pa kami ng station. Same ng nangyari dito sa Pilipinas, nag-transfer kami ng ibang station kasi the contract expired."
Umere uli ang Eat Bulaga! Indonesia mula November 17, 2014 – August 8, 2016, at sandaling nagbalik noong 2023.

Read: Are BINI Jhoanna and rapper Skusta Clee together in Vietnam?
LEO CONSUL ON IT'S SHOWTIME STINT
Taong 2019 naman naging host si Leo sa Indonesian franchise ng It’s Showtime.
“Short-lived din naman po kasi yung Showtime, so I was asked to host for It’s Showtime Indonesia and it ran for, like, forty-three episodes if I’m not mistaken," saad niya.
Umere ang It's Showtime Indonesia franchise mula March 2019 hanggang May 2020, o noong kasisimula pa lang ng COVID-19 pandemic.
Sa sumunod niyang pahayag, ibinahagi ni Leo ang dalawang dahilan kung bakit tingin niya ay hindi umarangkada ang It's Showtime Indonesia franchise.
“Kasi po, one was the timing, pangit po kasi ng airing namin. It was, like, 3 P.M. so nag-i-struggle po talaga kami sa rating.
“Although we tried to pahabain yung show pero hindi po talaga, nag-struggle po talaga sa rating."
Binanggit din ni Leo na iba raw talaga ang mass appeal ni Vice Ganda, na tingin niya ay malaking factor sa tagumpay ng It's Showtime sa Pilipinas.
"And also, one factor is I think they [the audience] were expecting na meron kaming Vice Ganda sa cast.
"Pero wala po kasi kaming ganun sa Indonesia, that’s not allowed, in a way."
Sa puntong ito binanggit ni Leo na hindi raw allowed ang openly gay celebrities sa Indonesia.
Lima raw silang straight hosts ng It’s Showtime sa Indonesia.
“Three guys, two girls," tukoy ni Leo sa sexual orientation ng kanyang dating co-hosts.
Ang hindi naipunto ni Leo, higit sa sexual orientation ni Vice, kamado na ni Vice ang brand of comedy nito. Likas ang comic timing niya lalo na sa impromptu banter nito sa co-hosts at audience ng It's Showtime.
Epektibo ring host si Vice dahil sa lakas ng loob nitong gamitin ang platform nito para ihayag ang paninindigan sa iba-ibang relevant issues.

Read: Marco Gumabao features Yukii Takahashi in Instagram post
LEO CONSUL'S ACTING PROJECTS
Balik kay Leo, ibinahagi niyang nagkaroon din siya ng mga proyekto bilang aktor sa Indonesia.
Napanood siya sa tatlong teleserye: Cinta yang Tertukar (2016), Love Story the Series (2021-2022), at Terpaksa Menikahi Tuan Muda (2022-2023).
Nakagawa rin si Leo ng romantic-comedy film, ang Bukan Jodoh Biasa (Not Your Ordinary Love Story), at isang horror film sa Indonesia, ang Kamu Harus Mati (You Must Die), na ipalalabas ngayong 2026.
Isang series din ang pinagbidahan ni Leo noong 2024, ang Kisses From Death, sa Singapore.
Taong 2023 ay naging parte si Leo ng eight-episode Prime Video series na Fit Check: Confessions of an Ukay Queen (2023) kunsaan bida sina Kim Chiu, Jake Ejercito, Angel Aquino, at ang idolo ni Leo na si Christopher de Leon, among others.
“It was a dream come true sharing lines and getting complimented by Sir Boyet. I had to pinch myself to make sure I wasn’t just dreaming,” tukoy ni Leo kay Christopher, na ang palayaw ay Boyet.

Sa tanong naman kung sino ang nais niyang maging leading lady, sagot ni Leo, "I know this is far-fetched but I’ve always wanted to work with Judy Ann Santos."
Bakit niya nasabing far-fetched?
“Well, I mean, kasi po that’s Judy Ann Santos!” sagot ulit ni Leo.
Bilang singer, noong 2018 ay may ini-release na single si Leo, ang Indonesian translation ng “Ikaw” na kanta ni Yeng Constantino na pinamagatang "Kamu." Nag-top ito sa Indonesian radio charts.
“Biro” naman ang bago niyang single bilang isang singer.
At bilang isa ring balladeer ay iniidolo niya sina Gary Valenciano, Erik Santos at Martin Nievera.
May mga nakalinyang proyekto ngayong 2026 para kay Leo sa ALV.
Read: Who is Franchesko Juan Capistrano?
LEO CONSUL'S BUSINESS WITH KEN CHAN
Samantala, isa ring restaurateur at chéf si Leo; at isa sa mga negosyong naging parte siya ay ang Café Klaus restaurant.
Kasosyo ni Leo sa restaurant si Ken Chan, na nahaharap sa kasong syndicated estafa.
Idinemanda si Ken ng isang di pinangalanang businessman dahil sa PHP14 million investment deal na hindi umano tinupad ng aktor.
Pinuntuhan ng pulisya si Ken sa kanyang bahay sa Quezon City para gawaran ng arrest warrant, pero wala roon ang aktor. Hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin ito nagpapakita sa publiko o nagpaparamdam sa social media.
Nang hingan ng update tungkol kay Ken, isiniwalat ni Leo na nagkaayos na sila ng aktor.
"We’re good po, we’re keeping in touch. We’re okay, we’re very good," pagbabahagi ni Leo.
"Actually, my relationship with my business partners is very good kasi we keep in touch and naayos namin yung mga dapat ayusin before things…"
Hindi raw sila nag-away ni Ken sa kabila ng kinaharap na kontrobersiya ng aktor.
“No, no. Kasi basta maganda naman po yung naging communication, kahit nagkagulo.
"At may proper communication lalo na nung natapos. Wala naman pong problema," diin ni Leo.
Bakit hanggang ngayon ay tila nagtatago si Ken?
Pag-iwas ni Leo, "Oh I cannot answer that, I’m so sorry."
Si Leo raw ay naka-move on na mula sa nangyaring legal issue.
Nang tanungin kung magkano ang nalugi niya sa negosyo nila ni Ken, pag-iwas ni Leo, "Sorry, I cannot answer."
Nagkakilala raw sila ni Ken through common friends.
"The brother of my business partner was my friend, then we were introduced," aniya.
Dahil passion ni Leo ang cooking at food ay nakumbinsi siyang mag-invest sa Café Klaus.
Ginamit daw niya ang perang naipon mula sa mga kinita niya sa kanyang pag-aartista sa Indonesia.
Saad niya: "It’s a huge amount of money. But business is a gamble.
"Hind natin sigurado if it’s gonna be a success or what, pero andun yung mentality natin na puwedeng maging successful, puwedeng hindi.
“So before I ventured into that business, ready na ako mentally. Like, kung anuman ang mangyari, at least I tried."
Aminado si Leo na iniyakan niya ang masamang nangyari sa kanilang business venture.
“I did, I did. Kasi sleepless nights po yon na pera ko, na hard-earned money ko po.”
Sinasabing nananatili sa ibang bansa si Ken sa gitna ng kaso laban sa kanya.
Pero sa sumunod na pahayag ni Leo, lumalabas na may kasunduan sila ni Ken.
"May arrangement na po kami so it’s, it’s gonna be… Ang hirap magsabi kasi," nabiting saad ni Leo.
Basta nilinaw niyang hindi siya ang personalidad na naglabas ng mga hinaing sa social media laban kay Ken noong kasagsagan ng isyu.
"No, definitely not me. Actually, I was the one encouraging Ken na, 'Huwag mo nang patulan and everything kasi mas lalong lalala.'
"At least, hangga’t hindi pa clear, better to remain silent."
LEO CONSUL'S PROVINCE, odd jobs
Tubong Bolinao, Pangasinan, lumaki raw sa hirap si Leo. Naranasan niyang magtrabaho bilang tagalinis ng bus at matulog sa karton.
Kuwento pa niya, unang beses siyang nakakain ng pagkain mula sa isang sikat na fast food chain ay noong nagtatrabaho siyang tagalinis ng bus.
"My first taste of Jollibee was actually from leftovers from the buses.
"Sometimes, if we get lucky, [ang] leftover, KFC. We’d clean buses at midnight, then gather scrap bottles and junk after school."
Nakapagtapos si Leo sa U.P. Baguio ng kursong Journalism, Minor in Broadcasting.
Nang walang mahanap na trabaho dito sa Pilipinas, sa rekomendasyon ng isang kaibigan ay nag-apply siya sa isang teaching job sa Indonesia.
Nagturo si Leo ng Math sa Singapore International School.
