Usap-usapan ngayon sa social media ang pagsalubong ni Andrea Brillantes, 22, sa taong 2026 kasama ang kanyang rumored boyfriend na si Franchesko Juan "Pankie" Capistrano, 21.
Magkasama ang dalawa sa New Year’s countdown ng Bonifacio Global City sa Taguig.
Sa Instagram Stories ni Pankie nitong Huwebes, January 1, 2026, makikita ang larawan nila ni Andrea na nakangiti at magkadikit ang mga pisngi habang nasa background ang naggagandahang firework display.
Wala ritong inilagay na anumang caption ang basketball player maliban sa background music na "I Love You Secretly" ng American vocal group na The Miracles.

Isa pang IG Story ang ini-upload ni Pankie tampok si Andrea at ang kanyang pamilya—ama, ina, at mga kapatid—sa pagsalubong ng Bagong Taon.
"Happy New Year!!" mababasang caption dito ng binata.

ANDREA SPOTTED WITH PANKIE’S FAMILY
Bukod sa New Year’s countdown, namataan din ang aktres sa selebrasyon ng Pasko ng pamilya ni Pankie.
Pareho silang nakadilaw.

Spotted din ang aktres sa TikTok dance video ng ina ni Pankie noong December 29, 2025.

Ilan pang mga larawan ang kumakalat ngayon online kung saan makikita si Andrea na kasama sa ilang okasyon ng pamilya ng kanyang rumored boyfriend sa Lucban, Quezon.
Kabilang na rito ang family photo ng Capistrano sa isang pickle ball event.
Iisa ang design ng suot-suot nilang shirt.

Dahil dito ay unti-unting nakukumbinsi ang mga tagahanga ni Andrea na may espesyal na relasyong namamagitan sa kanila ni Pankie.
WHO IS PANKIE?
Ayon sa mga ulat, si Pankie ay galing sa isang pamilya ng mga negosyante sa Lucban.
Kilala rin siya bilang bahagi ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) at manlalaro ng Enderun Titans at San Juan Knights.

ANDREA'S PAST RELATIONSHIP
Gaya ni Pankie, basketbolista rin ang huling na-link sa dalaga.
Mula noong February hanggang March 2025 ay madalas makita si Andrea kasama ang Filipino-Jordanian cager na si Samuel "Sam" Fernandez,
Noong March 10, sa panayam ni Andrea sa ABS-CBN News, tuluyan niyang ipinagtapat na nagkakamabutihan sila ni Sam.
Ngunit paglilinaw niya at that time, hindi pa sila nito.
Read: Andrea Brillantes "not yet in a relationship" with Sam Fernandez
Ang relasyon niya with PBA player Ricci Rivero ang masasabing most publicized at most controversial.
Naging opisyal silang magkasintahan noong April 9, 2022, at nagkahiwalay noong June 2023.
Read: Andrea Brillantes gets peace from social-media detachment
