PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Fiancé of missing bride-to-be says she still wants to get married

Mark Arjay: "Hindi po namin pino-force na mag-disclose si Sherra sa amin..."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Jan 2, 2026
Sherra De Juan’s fiance confirms wedding is still on after her safe return
Missing bride-to-be Sherra de Juan’s fiancé Mark Arjay Reyes confirms their wedding will still push through, but he underlines that he's willing to wait for her to recover first.
PHOTO/S: Mark Arjay Reyes on Facebook

Tuloy ang naudlot na kasal nina Sherra de Juan at Mark Arjay Reyes.

Ito ang kinumpirma ni Mark Arjay matapos ang madamdaming reunion nila ng nobyang si Sherra.

Si Sherra ang bride-to-be na napaulat na nawawala ilang araw bago ang nakatakda nilang kasal noong Disyembre 2025.

Read: Missing bride-to-be finally found—QCPD

Sa panayam ni Mark Arjay sa ABS-CBN News noong December 31, 2025, ibinahagi niyang mismong si Sherra ang nagsabi sa kanya at sa kapulisan na matutuloy ang kanilang kasal.

Pagbabalita ni Mark: "Actually po, ayun nga po, yung unang yakap niya sa akin sa may Pangasinan, nag-sorry siya.

"Sabi niya, 'Hindi siya umabot [sa kasal].' So sabi ko, 'Huwag mo isipin yon, huwag mo isipin yung kasal, ang priority is ikaw.

"Yung on the way din kami pauwi ng QC, itong mga kapulisan natin tinatanong siya, 'Tuloy pa ba yung kasal?'

"Sabi niya, ‘Opo, tuloy yung kasal.’

"Pero sabi ko sa kanya, 'No pressure. Kailangan mo muna mag-recover, kahit gaano katagal. Tapos kapag naka-recover ka na tsaka natin pag-usapan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Wala namang sinabi si Mark na petsa kung kailan sila ikakasal ni Sherra.

Mark Arjay says Sherra focuses on regaining her strength

Sa ngayon, masaya raw si Mark Arjay na nakikitang bumabalik na ang ganang kumain ni Sherra, isa raw magandang senyales na unti-unting bumabalik ang lakas nito matapos ang ilang araw na hindi pagkain mula nang ito ay mawala.

"Up until now, nagre-recover pa rin po siya. So, pinagpapahinga po namin.

"Pinapakain po namin yung mga gusto niya para at least makabalik po yung [sigla] sa katawan niya.

"Nakakausap na rin po namin siya kahit papaano," pahayag nito.

Bagamat nakakausap, ayon pa rin kay Mark Arjay, hanggang ngayon ay hindi pa rin maalala ni Sherra kung bakit at paano siya napunta sa Pangasinan.

Saad niya, "Hindi po namin pino-force na mag-disclose si Sherra sa amin kung ano yung mga bagay na naaalala niya.

"Gusto po namin siyang bigyan ng oras para makapag-heal at maka-recover kasi ayon po ang kailangan niya ngayon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong December 30, 2025 tuluyang nakauwi ng bahay sa Fairview, Quezon City ang nawalang bride-to-be na si Sherra matapos nitong matagpuan sa bayan ng Sison, Pangasinan, noong December 29.

QCPD says no evidence of crime yet in bride-to-be disappearance
Photo/s: Quezon City Police District on Facebook

Sinundo ang dalaga ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD), kasama ang kanyang kapatid pati na rin ng fiancé niyang si Mark Arjay.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ayon sa QCPD, isang concerned citizen ang nagbigay ng impormasyon sa pamilya ni Sherra hinggil sa kinaroroonan nito ilang linggo matapos nitong mapaulat na nawawala.

Read: QCPD says no evidence of crime yet in bride-to-be disappearance

Nakatakda sanang ikasal si Sherra kay Mark Arjay Reyes noong December 14.

Ngunit hapon ng December 10, napaulat siyang nawawala makaraang magpaalam na bibili lamang ng sapatos na gagamitin sa kasal.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Missing bride-to-be Sherra de Juan’s fiancé Mark Arjay Reyes confirms their wedding will still push through, but he underlines that he's willing to wait for her to recover first.
PHOTO/S: Mark Arjay Reyes on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results