Ang hilig ni Jay Ann Claire Bincal sa mga branded bags ang nagbunsod sa kanya para itayo ang Purse Maison.
Sinimulan niya ang negosyo noong panahon ng pandemya.
"I started 2020 pandemic, sa bahay lang namin. Biro mo, it turns out to be the biggest blessing.
“Alam ko, pandemic siya, lahat sarado. Pero ang daming nag-o-online shopping kasi, pandemic."
In a few years time, ang kanyang online consignment shop ay naging popular, at ngayon, mayroon na siyang showroom sa Unit 1601and 1619 ng One Park Drive sa Bonifacio Global City sa Taguig City.
Jay Ann Claire Bincal's Background
Before this, isa siyang certified accountant at alumna ng Polytechnic University of the Philippines.
"I graduated BS Accountancy in PUP. I'm a certified public accountant.”
Tatlong taon siyang nagtrabaho sa mga kumpanya.
“After nun, nag-online business kami, selling Casio watches, branded perfumes. Booming pa lang ang industry ng e-commerce nung nag-start kami.
"Yung Papa ko is retired military officer and my mom is a plain housewife. Siguro sakto lang, they can provide, but di ako galing sa rich family."
Jay Ann Claire Bincal's JOURNEY
Sa ginanap na opening noong December 19, 2025, nagkuwento ang businesswoman tungkol sa maraming pagsubok na hinarap, at paano niya naging puhunan ang kredibilidad para makilala ang kanyang "100% authentic and legit luxury goods."
Aniya: "Everything is a challenge. Nung nagsisimula ka, ang pinaka-challenge ay yung kung paano ko ibi-build yung trust and credibility ko as seller.
“Of course, sino ba naman ako, di ba? Unknown pa ako that time. Mahirap iyon kaya sobrang memorable sa akin yung pinaka-unang client ko, kasi nag-trust siya. Nag-meet up pa kami. Actually, nag-consign lang siya ng bags. Para kaming platform, middleman kami..."
Hindi nagtagal, sa tulong ng "referral at word of mouth," dumami ang kanyang clients, at naka-attract din siya ng mga celebrities and influencers.

CELEBRITY CLIENTS
Binanggit niya kung sinu-sino ang sikat na naging kliyente niya.
"Ilan sa kanila sina Angelique Manto, Julia Barretto, Raymond Gutierrez, Mika Salamanca, Barbie Imperial, Bianca de Vera, Ser Geybin saka yung girlfriend niya si Ma'am Elma Asagra.
“Si Maine Medoza, long-time client siya. Dati Chanel tapos ngayon nagpapa-consign na lang siya. Mostly Chanel and Hermes ang binibili nila. Nagtsa-chat muna sila, ‘Do you have this?’ Sasabihin ko naman, ‘Yes, we have this collection.’ Tapos punta na lang sila dito.
“For example kina Mika Salamanca, yung uso ngayon na Chanel 25 na bag, and that's around PHP425,000.
"Kay Julia Barretto, actually, in collaboration with Honor Philippines, pumili siya ng Hermes mini-Lindy worth PHP450,000. Pang-giveaway lang sa mga fans niya. Part siya ng promotion ng Honor Philippines.
"Si Raymond, personal use niya talaga yun, binili niya is Kelly 22, PHP750,000.
"Si Barbie, Goyard, and nagpapa-sell din siya ng bags sa akin."
Read: Renowned Filipino engineer Dado Banatao dies at 79
INVESTMENTS
Para sa iba, luxury ang pagbili ng branded items, tulad ng bags.
Pero para kay Jay Ann, ay isa itong magandang investment, tulad ng real estate.
"Investment talaga, it can actually last a lifetime.
"Why not? I love bags talaga. Siguro nung 23 ako, when I started collecting, when I started investing, ang una kong luxury bag, which is Louis Vuitton, favorite ko, dun nag-start ang love ko for bags."
Bumibili siya noon para i-reward ang kanyang sarili.
"Nung 22 kasi, nag-start na kami ng mini-business ng boyfriend ko, who happens to be my husband now.
“Siyempre, nung nakaipon na, like anyone, a milestone in your life, it's like having your first car.
"Parang iniisip namin, parang it's fun to have a luxury bag, why not try investing? Since then, mahilig na talaga ako, passion ko na siya.
"Yung feeling mo nire-reward mo ang sarili mo, I achieved this through hard work. Yung ganung feeling.
“Yung reward, para kang may milestone na sine-celebrate.
"Saka nag-i-invest lang ako, bumibili lang ako pag may sine-celebrate, and, of course, para lang may hard-to-let-go pieces na parang I need this for my collection."
Hanggang sa ginawa na nga niya itong negosyo dahil as part of her motivation, para makapag-"build" siya ng kanyang Hermes collection.
"Siyempre, realistically, hindi ko kayang bilhin lahat ng bags, so kaya ini-start ko ang business na ito.
“Good investment din siya. I guess di ito alam ng iba. Akala nila, it's just a bag, pero if you are investing on the right brands, like Chanel and Hermes, they actually grow yung value nila.
"Nag-i-increase yung value nila, so I call them investments."
Read: How architect Ed Ramos converts content into clients
To prove her point, nagkuwento si Jay Ann kung paano umakyat ang presyo ng isang bag na nabili niya.
"Yung pinakaunang Channel piece na nabili ko was Chanel classic bag, nabili ko siya for PHP200,000 lang, way back 2016.
"Ngayon, yung brand new niya is PHP750,000.
“Imagine, it's like a lot. Nasa akin pa rin siya, mayroon ngang bumibili sa akin nun, PHP350,000, I'm not willing to let go."
TIPS TO KNOW IF THE BAG IS LEGIT
Paano ba malalaman na authentic o legit ang isang bag?
"Unang-una, giveaway [yung] smell, e. Amoy leather yung real na bag. Of course, yung hardware, dapat quality, polish siya.
"Actually, masalimuot ang authentication.
“Yung logo, pero brand kasi, it varies, e. Years of experience talaga.
“Ako talaga, based on experience, pagkakita pa lang, alam ko na, ‘O, this is the right thing.’
“[With] Chanel, mayroon iyang mga serial codes. Pag malinaw yung font, malinaw yung placing ng mga letters and numbers, alam mo na.
“Although mayroong mga super fake na ang hirap tingnan. Yun talaga, bawat kanto, bawat sulok, kailangan mong tingnan mabuti.
“Yung stiches, yung leather, yung amoy talaga ang pinaka-giveaway.
"Mostly kasi, kapag fake, they are made of poor materials. Alam mo yung synthetic lang na leather, they're made of plastic."
May tatlo siyang advice sa mga gustong bumili ng luxury bags.
"Siyempre, research. Dapat mag-research ka pag nag-invest ka sa bags. Dapat mag-research ka para di ka maloko.
"Dapat trusted yung reseller, investigate, siyempre, legit ba yung feedback.
“Actually, isa rin sa red flags pag masyadong below-market value yung mga bags. Either nakaw siya or fake, kasi alam mo yung value ng bag mo, bakit mo ibebenta nang mura?"
EXPERIENCING A SCAM
Tulad ng ibang mga negosyo, nakaranas din si Jay Ann na maging biktima ng scam.
"Naku, na-experience ko. Last year nga lang muntik na kaming ma-scam worth PHP5 million.
“Itong credit card [ng client], nakaw pala yung credit card kaya last year, nung birthday ko, nag-celebrate ako sa police station for an entrapment operation.
"Gumamit siya ng foreign card, it happens na stolen card pala yun, so nagpapa-charge back yung totoong owner kasi sa kanya raw yung items almost PHP5 million.
"Nag-contact siya sa amin the night na nangyari yun, ‘Can you help us refund this,’ because stolen daw yung card, ginamit daw ng isang tao na di niya alam.
"Actually, medyo madugo yun kasi feeling namin connivance siya, sindikato siya.
"Naibalik yung money."
Mabuti na lang at mabilis siyang um-aksiyon.
"Kaya kami nagkaroon ng entrapment operation kasi yung the next day, yung bumili sa amin, binebenta na niya sa ibang store, sa ibang reseller, yung item para ma-convert into cash.
“Nahuli siya. Ang sinasabi niya, authorized raw siya na gamitin yung card. Siyempre, nagde-deny siya.
“Napakulong namin siya, pero, actually, kailangang evidence yung mga items so di na kami nag-file ng case. Nabawi namin yung items.
"Foreigner sila. Feeling namin, sindikato sila kasi nung una, eager sila na ma-reverse yung item, tapos nung nalaman nila na nagpa-entrapment kami, nung nalaman nila na nasa police station yung gumamit ng card, bigla silang nawala. Feeling ko, sindikato siya."
Sa ngayon, nakapag-invest na rin sa ibang properties si Jay Ann at ang asawang si Ricky Bincal.
"Oo, nakapag-invest na rin. Real estate, tapos itong showroom, galing siya dun.
“Mayroon kami dati sa Avida City Flex sa likod ng St. Luke's. Clinose na muna namin yun at trinansfer namin dito."

