Hindi naging maganda ang pakiramdam ng ilang netizens sa Noche Buena ng pamilya ng aktres at former Miss Universe na si Gloria Diaz.
Kabilang sa marangyang handa nila ay soft shell crab at foie gras.
Taliwas daw ito sa kontrobersiyal na pahayag ni Gloria na kakasya ang PHP500 na pang-Noche Buena para sa pamilyang Pilipino.
Ito ay bilang pagsang-ayon sa naunang pahayag ng kaibigan niyang si DTI Secretary Cristina Roque.
Read: Celebrities react to DTI's PHP500 Noche Buena budget
Kalat ngayon sa social media ang Instagram Story ng anak ni Gloria na si Isabelle Daza ng paghahanda nila sa kanilang Noche Buena noong December 24, 2025.
Para raw ito sa kanilang buong pamilya.

Makikita sa isa pang screenshot na bongga ang naging salu-salo nila kung saan pinag-uusapan nina Gloria at kapatid ni Isabelle na si Ava Daza ang handang foie gras.
Ang foie gras ay isang luxury delicacy na gawa sa enlarged liver ng goose o duck.
Sabi ni Isabelle sa caption, "Mom to Ava, 'You want more foie gras? di ka na nahiya.'"

Read: Celebrities react to DTI's PHP500 Noche Buena budget
NETIZENS on GLORIA'S POST ABOUT EATING SOFT SHELL CRAB
Sa kanya namang Instagram ngayong Biyernes, December 26, nag-upload si Gloria ng Reel kung saan makikitang nagbubukas siya ng crab na mainit-init pa.
Sabi niya sa caption: "Eating soft shell crabs is a privilege. but our crabs in Philippines is just as amazing!"
View this post on Instagram
Dito bumuhos ang mga komento ng netizens tungkol sa marangyang Noche Buena ni Gloria.
Komento ng isang netizen (published as is): "Hi po asking lang po how much ung inabot ng pinang noche buena niyo. Tinry niyo po ung 500 pesos na noche buena challenge? kasya ba?"

Tanong ng isa: "Bakit po wala kayong corned beef at pineapple juice with lots of ice sa Noche Buena?"

Sabi naman ng isa pa: "Ito ba ung nag agree sa 500 pesos?#hindi porket friend mo ung DTI sec. E mag aagree kana sakanya. Ka 8080han ung ganun mæm.

Komento naman ng isa: "this is so insensitive, the audacity to say 500 pesos is enough for filipino people’s noche buena and defend your friend, invalidating the people, gaslighting them, and showcasing this, not very miss universe of you lol"

Ayon sa isa pa: "this is the Ms. Universe 1969, eating foie gras, supporting gavage. She also claimed that a P500 Noche Buena is sufficient for Filipinos but it seems like she's not able to walk the talk"

Paninita ng isa: "Matapos mo ipaglaban ang 500 peso Noche Buena, magpapakita ka ng ganitong post haha. Minaliit mo masyado ang mamamayang Pilipino, Gloria."

Ayon naman sa isang post sa Reddit: "Noche Buena ni Gloria Diaz. Nasaan ang corned beef? fruit salad? pineapple juice na dinagdagan ng maraming yelo? at ang pansit?"

Read: DTI nanindigang kasya ang PHP500 budget para sa Noche Buena
THE ISSUE ABOUT the PHP500 NOCHE BUENA
Matatandaang nag-viral ang pagsang-ayon ni Gloria sa statement ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Maria Cristina Aldeguer-Roque na kasya na ang PHP500 pang-Noche Buena ng isang family of four ngayong Pasko.
Sabi ni Roque, maaari na raw makabili ng mga sahog sa macaroni salad, spaghetti, at ham sa budget na ito.
Ikinagalit ito ng netizens pati na rin celebrities dahil sa "insensitive, insulting, tone-deaf" na pahayag ni Roque.
Ayon kay Gloria: “Of course, puwede. And by the way, Cris is a good friend of mine. She showed me all of DTI’s [meal plans] for P500. You can have corned beef, fruit salad, you can have pineapple juice na dinagdagan ng maraming yelo, and then you can make pansit.”
Read: Gardo Versoza weighs in on DTI's PHP500 noche buena budget
Walang sinagot si Gloria sa komento ng netizens.
