Pangarap ni Jeric Raval, 64, na mauwi sa kasalan ang relasyon ng anak na si AJ Raval, 25, kay Aljur Abrenica, 35.
Tatlong taon na ang relasyon nina AJ at Aljur. Mayroon silang tatlong anak — sina Aikina, Junior, at Abraham.
Ito ang inihayag ni Jeric sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sa thanksgiving party ni Vice-Mayor Marcos Mamay, sa Music Box, noong December 4, 2025.
"Alam mo, bilang magulang, kahit sinong magulang, yun naman ang lagi niyang pangarap sa anak niya, lalo na yung anak niya ay babae," bungad ni Jeric.
Pero si Aljur ay kasal pa sa misis nitong si Kylie Padilla.
Kung may plano man sina Aljur at Kylie na ipawalang-bisa ang kasal nila ay hindi naman daw nakikialam si Jeric.
Saad ng action star: "Di ko siya puwedeng pangunahan dun. Well, maganda yun sana.
"Walang magulang, o kahit na sinong magulang na [gustong] yung anak nila hindi ikasal. Nasabi ko na yan sa mga unang interview."
Tungkol kay Aljur, sambit ni Jeric, "Sabi niya inaayos pa nila ang sarili nila."
Kahit sa anak na si AJ ay hindi rin naman daw nakikialam si Jeric.
"Lagi kong sinasabi, pagdating sa buhay pag-ibig, hindi ko saklaw ang damdamin ng mga anak kong babae.
"Mano pa yung mga anak kong lalake, napapakialaman ko. Si AJ lang kasi, nung araw pag may manliligaw yan, kinakausap ko yung lalake.
"Hindi ko kinakausap si AJ. Una, prinsesa ko yun, e. Sabi ko nga sa kanya, 'You're my little princess, kahit anong edad mo na.'"
Read: AJ Raval: “The best decision I ever made was to stay quiet.”
JERIC RAVAL SUPPORTS AJ AND ALJUR
Suportado naman ni Jeric ang relasyon nina AJ at Aljur.
"As what I've said before, Aljur is a good provider. Mayroon siyang sense of responsibilty.
"Okay naman, wala naman akong... Kasi kung may nakikita akong problema, hindi naman kami magiging magkasundo. Hindi naman makakalusot sa akin ang mga ganun."
Tingin ni Jeric ay sinsero si Aljur kay AJ.
Paliwanag pa ni Jeric: "Nakikita ko naman na okay ang samahan nila. Nakikita ko na sincere naman yung tao.
"Hindi naman magkakaanak ng ganun karami na anak sa anak ko kundi naman siya sincere.
"Nakikita ko naman na mahal nila ang isa't isa. They love each other."
Nasaksihan daw ni Jeric kung paano ang relasyon ng couple dahil nasa poder niya si AJ noon.
Patukoy kay Aljur, sabi pa nito: "Actually, wala naman akong maipapayo sa kanya. Nakikita ko naman na masipag siya, hardworking. Na dapat lang naman kasi marami na silang anak.
"Actually, hindi pa sila nagkakaproblema. Lagi lang silang masaya. Kilala ko ang anak ko pag may problema. Lumaki sa dibdib, magkasama kami sa bahay."
Pagbabahagi pa ng aktor, "Recently lang sila nakakuha ng bahay."
Magkasama na ngayon sa isang bahay sina AJ at Aljur?
Sagot ni Jeric, "Hindi, pero nakakuha sila ng townhouse. Ang pagitan namin, ayun sa stoplight, tapos bahay namin heto, ilang hakbang lang."
Read: MMFF 2025 Box-Office Update: Call Me Mother umalagwa sa first day
ON MEETING ROBIN PADILLA
Sa kabilang banda, naikuwento ni Jeric na hindi inaasahang nagkita sila ng ama ni Kylie na si Robin Padilla.
Lahad niya: "Two weeks ago nagkita kami sa banyo ng City Of Dreams, by accident lang.
"Ako, may bisita akong Hapon; parang may event yung anak niya, birthday o ano."
Hindi naman daw nila napag-usapan ang tungkol sa estado ng mga anak nila.
"Alam mo kaming mga barako, di namin pinag-uusapan yung ganun," tukoy ni Jeric kay Robin.
Tungkol naman kay Aljur, "Matatanda na ang mga yun, ilang taon na yung lalake, di na bata yun. Siguro kung yan ay mga beinte, disinuwebe, ibang usapan yun."
Mismong si Kylie ay naglinaw uli sa isang recent interview na hindi third party si AJ sa hiwalayan nila ni Aljur.
Reaksiyon ni Jeric: "Hindi ko kasi napapanood yung mga interviews nung magkabilang-panig kaya mahirap magkomento diyan.
"Ay, yun pala, nakita ko lang na sinabi naman daw niya na hindi ang anak ko ang third party.
"Hindi naman niya kasi ugali ang ganun, si AJ. Saka yan din ang tinanong ko sa kanya nung nagkita kami, nung nasa PDEA (Philippine Drug Enforcement Agency) ako."
Read: Kim Chiu celebrates Christmas sans sister Lakam
ON AJ RAVAL BEING A YOUNG MOM of five
Bago pa ang relasyon nina AJ at Aljur, naging ina na si AJ sa murang edad.
Mayroong anak si AJ sa dating karelasyon—sina Ariana at Aaron. Pumanaw na si Aaron, habang si Ariana ay eight years old na ngayon.
Bilang ama, tanggap daw ni Jeric ang naging sitwasyon ni AJ na batang ina.
Lahad ni Jeric: "Hindi ko na siya pinakitaan ng di maganda. Natuwa lang ako dun sa bata, yung apo ko.
"Hindi naman sa kinukunsinti ko. Pero anong magagawa mo? Nandiyan na yan. Wag mo nang dagdagan yung burden ng anak mo.
"Siyempre nung nagbuntis yan, namomroblema kung paano sasabihin sa amin. Huwag mo nang dagdagan yun.
"I-welcome mo na sa family niyo. Sa ayaw at sa gusto mo, magiging part na yan ng family niyo."
Higit kanino man, naiintindihan ito ni Jeric na mayroong 18 anak sa magkakaibang babae.
Sa kaso ni AJ, siya ay 17 years old nang unang mabuntis sa panganay na anak na si Ariana.
Nang pasukin niya ang pag-aartista ay 18 years old siya.
Lumipas ang ilang taon, ngayong siya ay 25 taong gulang na, saka lang niya isinapubliko na siya ay ina ng limang anak.
Ayon kay Jeric, malaking gaan sa pakiramdam ni AJ ang masabi ang katotohanan tungkol sa mga anak.
Lahad ni Jeric: "Parang nabunutan siya ng tinik. Parang okay nang lumabas-labas, okay nang hindi tinatago yung mga anak niya.
"Napag-uuusapan namin yun kasi, siyempre, may career yung bata, e.
"Di naman puwede na puro desisyon ko lang. Siyempre may nagma-manage sa kanya, kailangan konsultahin rin yun."
Read: Ellen reveals Angelica now part of Derek’s exes group chat
ON HOW HE HANDLED PREVIOUS INTERVIEWS ABOUT AJ
Noong August 2025, sa panayam niya sa Fast Talk With Boy Abunda, sinabi ni Jeric na dalawa lang ang anak ni AJ.
Pagsapit ng Nobyembre, saka inamin ni Jeric na lima na ang apo niya kay AJ.
Sabi naman ng aktor: "Nung una, talagang ganun yun. Nung una, dalawa lang. Biglang naging apat. Anong magagawa ko?
"Nung una kasing mga interview ko, dalawa lang naman kasi talaga.
"Ano ba sinabi niya dun kay Boy Abunda? One month, two months. Basta bago ako pumunta ng Australia, kapapanganak pa lang niya.
"Mayroon na, isa lang. Yung namatay [na anak ni AJ], di ko nga alam yun. Sa interview lang.
"Siyempre, nagulat ako, pero di ko na tinanong. Hindi na namin pinag-usapan kasi ayaw niyang napag-uusapan namin yung ganun."
Read: Ang dahilan kaya raw nag-selfie ang driver ni Catalina Cabral
ON BASHERS of AJ AND ALJUR
Aminado si Jeric na na-bash nang husto sina AJ at Aljur dahil sa kanilang relasyon.
Pahayag niya: "Nung una, hindi ko naman pinapansin ang mga yan, hindi ako apektado. Kasama yan.
"Pero nung mga bandang huli, nakikita ko, apektado ang anak ko. Pag apektado ang anak ko, dun ako naaapektuhan.
"Kung ako lang, kasama pa nga ako sa naba-bash, di ba? 'Kinunsinti. Like father, like daughter. Kung ano ang puno yun ang bunga.' Automatic yun. Hindi ako naaapektuhan sa mga ganyan."
Pero kumpiyansa si Jeric na kaya nina AJ at Aljur i-handle ang negative feedback ng iba.
"Magagaling ang mga yan, e. Sila ang magagaling. Talagang ganun, e.
"Alam mo naman sa Pilipinas, maraming ganun. Bawal nga umasenso dito, maraming magagalit.
"Bawal nga dito ang artista, ang pulitiko, madaming nagagalit."
Sa huli ay nagbigay ng Christmas wish si Jeric para sa dalawa.
"Happiness and more blessings," simpleng saad ni Jeric.
