PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Loisa Andalio pens heartfelt note after wedding to Ronnie Alonte

Loisa Andalio: "Hindi namin maipaliwanag kung gaano kasaya ang puso namin..."
by Arniel C. Serato
Published Nov 27, 2025
Loisa Andalio feels "blessed" after marrying longtime boyfriend Ronnie Alonte
Loisa Andalio thanks the Lord for giving her and longtime boyfriend Ronnie Alonte the “perfect timing” to finally marry: "Ibinibigay namin sa kanya ang noon, ngayon, at ang future namin bilang mag-asawa. Salamat sa biyayang hindi nauubos at sa perfect timing niya. Grateful forever."
PHOTO/S: Courtesy: @teampatdy @caliberking @nelwinuyphotography @patdy11

Lubus-lubos ang kaligayahang nararamdaman ni Loisa Andalio ngayong kasal na sila ng kanyang longtime boyfriend na si Ronnie Alonte.

Kasabay ng selebrasyon ng kanilang ika-siyam na anibersaryo ngayong Martes, November 27, 2025, inilabas ni Ronnie ang unang bugso ng mga larawang kuha sa kanilang kasal sa hindi binanggit na petsa at lugar.

Ngayong gabi, si Loisa naman ang nagbahagi ng marami pang larawang kuha sa kasalan.

Kitang-kita sa larawan ng bagong kasal ang labis-labis na pagmamahalan nila.

Loisa Andalio and Ronnie Alonte.
Photo/s: Courtesy: @teampatdy @caliberking @nelwinuyphotography @patdy11
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Loisa Andalio and Ronnie Alonte are now married

Loisa Andalio: Mas lalo naming nararamdaman kung gaano kami ka-blessed.

Sinimulan ni Loisa ang kanyang post ng salitang "Just Married"

Isa-isang pinasalamatan ng aktres ang lahat ng may kinalaman sa kanilang relasyon at sa ginanap na kasal.

Lalo raw nilang naramdaman ni Ronnie kung gaano sila kasuwerte sa mga taong nakapalibot sa kanila.

Higit sa lahat ang kanilang pamilya na sinusuportahan daw ang bawat desisyon nila noong magkarelasyon pa lang sila ni Ronnie.

Saad ni Loisa: "Mas lalo naming nararamdaman kung gaano kami ka-blessed. Hindi namin maipaliwanag kung gaano kasaya ang puso namin ngayon at gusto naming iparamdam sa inyo kung gaano namin kayo pinahahalagahan.

"Sa pamilya at kaibigan namin, salamat sa lahat. Salamat sa pag-suporta sa bawat desisyon namin at sa pagmamahal ninyo. Ang saya ng puso namin dahil kasama namin kayo sa espesyal na araw na ito."

Pinasalamatan din ni Loisa ang mga taong tumulong sa preparasyon ng kanilang kasal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pati na sa gumawa ng kanyang gown kung saan naramdaman daw niyang siya ang "most beautiful bride."

Dagdag ni Loisa: "Sa team na nagbuo ng wedding namin, sa coordinators, stylists, photographers, hair and makeup artists, at lahat ng suppliers, maraming salamat sa pagdala ng pangarap naming araw sa realidad.

"Hindi lang kayo nagtrabaho kundi minahal nyo rin ang araw namin.

"Sa dream wedding gown ko mula sa Rosa Clara, sobrang salamat. Ramdam ko ang puso at talent na ibinigay ninyo.

"It was more than a gown, it made me feel truly myself and so happy on this special day.

"Thank you for making me feel like the most beautiful bride, in a gown that was a dream come true and full of meaning."

Special mention din ni Loisa ang veteran make-up artist na si RB Chanco, na kasama raw nagplano ng kanilang kasal ni Ronnie.

Pamilya na raw ang turing ng dalawa kay RB.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sabi ni Loisa: "@rbchanco, walang sapat na salita para masuklian ang lahat ng ginawa mo para sa amin.

"Sana maramdaman mo kung gaano ka namin kamahal at gaano namin pinapahalagahan ang lahat ng sakripisyo mo, sa lahat ng advice at gabay mo sa amin. Sobrang grateful kami na kasama ka sa journey na ‘to.. hanggang sa mga susunod pa."

Sa huli, pinasalamatan ni Loisa ang Diyos sa paggabay sa kanila.

"At higit sa lahat, salamat kay Lord. Sa guidance, sa strength, sa timing, at sa lahat ng taong ginamit niya para maging posible ang espesyal na araw na ito.

"Ibinibigay namin sa kanya ang noon, ngayon, at ang future namin bilang mag-asawa.

"Salamat sa biyayang hindi nauubos at sa perfect timing niya. Grateful forever. To God be the Glory, always. [heart emoji]"

Noong November 22 ay isinapubliko ni Loisa ang engagement nila ni Ronnie.

Makalipas ang ilang araw ay ginanap na ang kanilang pag-iisang dibdib.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Loisa Andalio, Ronnie Alonte are now engaged

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Loisa Andalio thanks the Lord for giving her and longtime boyfriend Ronnie Alonte the “perfect timing” to finally marry: "Ibinibigay namin sa kanya ang noon, ngayon, at ang future namin bilang mag-asawa. Salamat sa biyayang hindi nauubos at sa perfect timing niya. Grateful forever."
PHOTO/S: Courtesy: @teampatdy @caliberking @nelwinuyphotography @patdy11
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results