PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Loisa Andalio and Ronnie Alonte are now married

Best wishes, Loisa and Ronnie!
by Khryzztine Joy Baylon
Published Nov 27, 2025
Loisa Andalio and Ronnie Alonte are now married
Loisa Andalio begins her happy ever after with Ronnie Alonte.
PHOTO/S: Ronnie Alonte on Instagram

Kasabay ng selebrasyon ng ika-siyam na anibersaryo nila bilang magkasintahan, ikinasal na ang longtime couple na sina Loisa Andalio at Ronnie Alonte.

Ngayong Huwebes, November 27, 2025, in-upload ni Ronnie sa Instagram ang ilang kuhang larawan mula sa naganap nilang pag-iisang dibdib.

Loisa Andalio and Ronnie Alonte are now married
Photo/s: Ronnie Alonte on Instagram

Walang ibang detalyeng inilagay si Ronnie kung kailan at saan ginanap ang kanilang kasal, puwera sa inilagay niyang caption na (published as is): "Zup! Mrs. Alonte [bride and infinity emoji]."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa comments section ng kanyang post ay nag-reply naman si Loisa ng, "Hi [crying, heart, and bride emoji].

Ini-repost din ng aktres ang post ni Ronnie sa kanyang Instagram Stories, kalakip ang caption na "Thank you Lord God."

Loisa Andalio and Ronnie Alonte are now married
Photo/s: Loisa Andalio on Instagram

LOISA-RONNIE'S engagement

November 22 nang isapubliko ni Loisa ang engagement nila ni Ronnie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ito'y matapos i-upload ng aktres ang larawan niya kasama ang kanyang alagang aso.

Sa picture, kapansin-pansin ang suot na oval-shaped engagement ring ng aktres.

Loisa Andalio and Ronnie Alonte are now married
Photo/s: Loisa Andalio on Instagram

Walang inilagay na caption si Loisa sa kanyang post ngunit agad na bumuhos ang congratulatory messages sa comments section mula sa malalapit na kaibigan at tagahanga.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Loisa Andalio, Ronnie Alonte are now engaged

November 26, sa mismong araw ng kanilang 9th anniversary, ibinahagi naman ni Ronnie sa kanyang YouTube channel ang proposal video nila ni Loisa.

Sa simula ng video, mapapanood ang pagpili ni Ronnie sa disenyo at pakikipagkita niya sa gumawa ng singsing na ibibigay kay Loisa.

Ayon kay Ronnie, espesyal ang engagement ring na ibinigay niya sa nobya dahil may mga engraved na detalye ito tungkol sa kanilang relasyon.

“May idadagdag ako na papa-engrave… kung kailan kami naging [couple]… Gusto ko ipalagay yung R.L. kasi Ronnie and Loisa tapos 11.26 kasi November 26 [naging kami],” saad ni Ronnie sa video.

Sa sumunod na eksena ng vlog, ipinakita ang simple pero heartfelt na wedding engagement ng couple.

Makikitang may pinanood si Ronnie kay Loisa na para bang mga throwback nilang ginawa, at biglang bumulaga ang surprise message sa screen na, “Will you marry me?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bigla namang nagtanong si Loisa: "Tapos na? Ayan na?"

Ang sagot naman sa kanya ni Ronnie, “Ano ba sabi sa screen? Ano sagot mo diyan?”

Hirit namang sagot sa kanya ni Loisa, "Secret!” kasunod ng biglang pagluhod ni Ronnie sa harap ng aktres.

"Beh, ano, ang hirap, e. kaya mga pinasulat ko na lang [sa screen].

"Ang bilis ng tibok ng puso ko. Beh, gusto ko marinig ang yes mo.

"Nakakakaba pala ito. Wala ako masabi kasi deserve mo talaga ito.

"Kapag hinabaan ko pa message ko, baka maiyak na ako,” sambit ni Ronnie kay Loisa na naiiyak na.

Sabi pa ng aktor, “Deserve mo ito. I love you. Will you marry me?”

Isang matamis na "yes" naman ang kanyang natanggap mula sa longtime girlfriend.

Bago matapos ang video, ikinuwento ng aktor na matagal na siyang nagpapahiwatig kay Loisa tungkol sa dream proposal niya.

"Grabe yung experience. Hindi ko ini-expect na ganoon yung feeling ko," pag-amin ni Ronnie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dagdag pa niya, “Since naging kami, na patagal nang patagal, may mga tanong na ako kay Loisa kung ano ang dream engagement ring and nasa utak ko na yun.

"Lahat ng yun inipon ko hanggang sa dumating na sa plano ko na mag-propose."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Loisa Andalio begins her happy ever after with Ronnie Alonte.
PHOTO/S: Ronnie Alonte on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results