PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jessica Soho on corrupt officials: "Tumakas ang konsensya nila."

Jessica Soho says Filipinos shouldn't lose hope in calling for change.
by Rose Garcia
Published Nov 27, 2025
Jessica Soho says corrupt officials involved in flood control projects have no conscience anymore
Jessica Soho on shocking amount of money allegedly pocketed in anomalous flood control projects: "Base sa aking pinagdaanan, noong Napoles, di ba, P10B lang ang pinag-uusapan noon. E ito, trillion na! May inflation pati kurakot, di ba?"
PHOTO/S: @km_jessica_soho Instagram

Mula sa telebisyon ng halos isang dekada, mapapanood ngayon sa pelikula ang KMJS’ Gabi ng Lagim ng GMA Pictures at GMA Public Affair.

Tampok si Jessica Soho bilang narrator para sa tatlong kuwento ng katatakutan: ang “Pocong,” “Berbalang,” at “Sanib.”

Pero kung meron mang kinatatakutan si Jessica, iyon ang talamak na korapsyon sa gobyerno.

"Yung downward spiral. Yung magtuluy-tuloy yung nangyayaring situwasyon sa ating lipunan. Hindi tayo makaahon. Nakakatakot, e," bungad ni Jessica.

"Sila, yung mga kurakot, okay na sila, e. They can leave anytime. Malamang ang dami na nilang nakurakot, di ba?

"Paano naman tayo? Paano naman yung mga araw-araw nagsisikap na mabuhay dito sa ating bansa? Yun naman ang nakakatakot."

Kung tutuusin ay hindi naman na raw bago ito, pero waring hindi natututo ang taong-bayan.

Lahad pa niya: "Kasi, nakita na natin ‘to noong 1980s. Ang sama ng reputasyon ng Pilipinas.

"Lumayas yung mga investors, nagkaroon ng capital flight. Bumagsak yung ekonomiya. Na-survive naman natin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pero sana, wag naman magkaroon ng round 2, tama na."

Read: Jessica Soho compares corrupt government officials to vampires

JESSICA SOHO ON VOTING FOR THE RIGHT LEADERS

Si Jessica ay 61 taong gulang, at apat na dekada na siya bilang respetadong broadcaster.

Tingin niya, malaki ang ambag ng taong-bayan para masolusyunan ang problema ng bansa.

"It all boils down to sino ba kasi ang mga binoboto natin? Dapat matuto na tayo…

"Kung titingnan mo rin naman in the overall context, tayo, sawang-sawa na, inis na inis na.

"May nagsabi kasi sa akin na, medyo bata pa ang Republika ng Pilipinas. Mahigit isang daang taon pa lang tayo. Lahat daw ng bansa, may pinagdadaanan.

"Ibig sabihin, baka part ito ng mahabang process or evolution bago tayo matuto ng leksyon."

Pero hindi raw iyon dahilan para hindi magkaroon ng pagbabago.

Pagpapatuloy ni Jessica, "41 [years] na kong journalist. Sabi ko, sana naman may mga nagbago. Hindi naman yung mga lumang problema pa rin ang kinakaharap natin ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"E, unfortunately, nandoon pa rin tayo sa ganitong situwasyon.

"Matuto na tayong bumoto, piliin talaga ang tama. Huwag tayong papadala sa sweet talks. Kung sino ang maboka…"

Singit ng awtor na ito hindi rin sana nagpapadala ang taong-bayan sa mga kandidatong bumibili ng boto.

Sang-ayon ni Jessica: "Yun, tama, kasi dinadaan nila sa pera. Wag ganon. Kasi, alam na natin kung ano ang magiging resulta."

Read: Kapuso stars Gil Cuerva at Lexi Gonzales, break na?

jessica soho on TAXPAYER'S MONEY

Ayon pa kay Jessica, sa tagal niya bilang broadcaster ay masasabi niyang isa sa pinakamalagim ang eskandalo ng maanomalyang flood control projects.

Wala raw sinabi ang scam sangkot ang "pork barrel mastermind" noon na si Janet Napoles.

"Base sa aking pinagdaanan, noong Napoles, di ba, P10B lang ang pinag-uusapan noon. E ito, trillion na! May inflation pati kurakot, di ba?

"Parang yung magnitude ngayon, napapagod na nga kami. Ang daming story na pitches na, 'Eto Ma’am, tingnan niyo, o, regarding flood control.’

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Ang dami naming natatanggap na report and we can only do so much. Naka-eleven na kaming episodes ng kurakot series namin. Nao-overwhelm kami. Parang hanggang saan kaya ito?"

Nalulula raw talaga si Jessica sa laki ng perang binubulsa ng mga kawatan.

Sabi pa niya, “Ako, as a person, as a journalist, nagtataka ako. Wala ba talaga silang konsensya?

"Kapag lumabas sila sa kalsada, nakikita nila ang mga naghihirap na tao. Parang wala ba silang konsensya?

"Iniisip ko na lang, baka natakot ang konsensya nila sa sarili nila. Tumakas ang konsensya nila.”

Read: Ama ni Fatima Bosch pinabulaanan ang mga alegasyon laban sa kanya

TALL ORDER FOR THE YOUTH

Sa huli, idiniin ni Jessica na mas lalo raw kinakailangan ngayon ang pagkakaisa para sa ikauunlad ng bansa.

"Hindi tayo puwedeng maubusan ng pag-asa. Pero ako, inaamin ko, yung generation ko, sa Gen-X ako nakaka-identify, wala na. Lost cause na kami.

"Ang pag-asa ngayon, nasa mga bata. Siguro millennials, Gen-Z, Gen-Alpha.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So sinasabi ko sa mga bata, kapag pinagsasalita nila ako, sabi ko, 'Sa inyo ang kinabukasan. Seed it now. Kayo na ito. Gawin niyo ang nararapat at tama para maituwid yung mga mali namin. Yung mga hindi namin naikorek. Hindi namin nasolusyonan, kayo.Otherwise, mamanahin niyo lang yan at ipapasa lang namin.'

Dagdag pa niya, “Dapat matigil na ito. Yung mga nag-aabroad, yung mga nakakapag-biyahe po, nakikita niyo naman na napag-iiwanan na tayo. Tama na.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jessica Soho on shocking amount of money allegedly pocketed in anomalous flood control projects: "Base sa aking pinagdaanan, noong Napoles, di ba, P10B lang ang pinag-uusapan noon. E ito, trillion na! May inflation pati kurakot, di ba?"
PHOTO/S: @km_jessica_soho Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results