Hindi pa ikinakasal si Kiray Celis sa fiancé niyang si Stephan Estopia.
Ito’y sa kabila ng kaliwa’t kanang pagbati mula sa netizens matapos mag-viral online ang mga litrato nilang animo’y ikinakasal sa isang beach resort sa Bagac, Bataan.
Nitong Linggo, November 23, 2025, nag-post si Kiray ng ilang larawan kung saan makikita siyang nakasuot ng off-shoulder bridal gown at may hawak na bouquet, habang naka-brown suit naman si Stephan.
Sa isa pang larawan, makikita si Kiray na naglalakad sa aisle papalapit kay Stephan na naghihintay sa harapan.

Bagamat kapansin-pansing walang ibang tao sa paligid maliban kina Kiray, Stephan, at isang lalaking tila magbibigay-basbas sa dalawa, nagdulot pa rin ito ng espekulasyon sa publiko — na maaaring ito na ang araw ng kanilang pag-iisang dibdib.
Lalo pang umingay ang haka-haka dahil sa caption ni Kiray na: “#TEPANallyfoundhisdesTINGny.”
NOT AN ACTUAL WEDDING OF KIRAY AND STEPHAN
Sa kabila ng mga pagbati, lumalabas na hindi totoong kasalan ng dalawa ang mga litratong ipinost ni Kiray.
Ayon sa mga lumabas na ulat, ang pinaghihinalaang wedding ceremony ay para lamang sa isang shoot ng music video tampok ang dalawa.
Read: Kiray Celis, handang mag-sorry sa na-offend sa prenup photo niya
Sa panayam niya sa PEP Troika noong November 2025, sinabi ni Kiray na sa December 2025 pa nakatakda ang kanilang pag-iisang dibdib.
Inihayag din niyang isang Catholic wedding ang magaganap, at idaraos ito sa isang simbahan sa Maynila—bagamat hindi niya ibinunyag ang eksaktong venue.
Read: Kiray Celis, naloka sa lumolobong budget para sa kanyang kasal
Si Kiray ay na-engage kay Stephan noong April 21, 2025, matapos ang halos limang taong pagiging magkasintahan.
Read: Kiray Celis proudly showcases engagement ring worth PHP1 million
