Wala nang atrasan ang pag-alis ni Ellen Adarna, 37, sa bahay ng mister niyang si Derek Ramsay, 48.
Nakaempake na si Ellen base sa Instagram Story niya kagabi, November 24, 2025.
Nagpatulong siya mag-empake ng gamit sa mga kaibigan. Binahagi pa niya ang litrato nila na kumakain sa mahabang dining table.
"Thanks for helping out friends," saad ni Ellen sa written text kasama ng hashtag "#packup."
Idinaan pa ni Ellen sa biro ang litrato ng mga maleta niya.

Read: Ellen Adarna shows convo with Derek Ramsay's ex-girlfriend
ELLEN ADARNA on taxpayers' money
Naalala niya ang kontrobersiyal na flood control projects at mga maletang naglalaman ng bilyong pisong kickback na binubulsa ng mga nagsabwatang lawmakers, government officials, at contractors.
Sabi ni Ellen sa wikang Bisaya, "Sana sa paggising ko tomorrow, meron na itong lamang bilyones #floodcontrol."
Bukas si Ellen sa pagsubaybay niya sa imbestigasyon sa maanomalyang flood control projects at kaisa siya sa mga Pilipinong napu-frustrate sa kakulangan ng mabilis na aksyon sa isyu.
May patutsada pa siya sa mga mambabatas na diumano'y nagbubulsa ng taxpayers' money.
"Hindi lang tayo magdasal kay Lord ‘no kay taxpayers money kaya ito.
"Pero nangangarap lamang tayo na merong billions dito. Magdasal na lang tayo.
"Ready na ang aking mga bags for the billions, but not taxpayers money.
"Hala, sino kaya ang magician na billionaire," natatawang pahayag ni Ellen.

