Nagdala ng kilig sa fans ang muling pagkikita ng dating magkasintahang sina Kim Chiu at Gerald Anderson sa Star Magical Christmas event.
Ang Star Magical Christmas ay annual gathering ng mga artista ng Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN Studio.
Pero kumpara noong nagdaang tatlong edition ng event, ngayon ay kasama ang prime stars ng Star Magic.
Pinarangalan sina Gerald, Kim, Jake Cuenca, Enchong Dee, Zanjoe Marudo, at Joem Bascon bilang Loyalty Awardees para sa kanilang pananatili sa Star Magic sa loob ng 20 years.
Pagkatapos sila isa-isang binigyan ng trophy, tinawag lahat ng awardees para sa group picture.
Dito na nagkrus ang landas nina Kim at Gerald.
Nauna sa harap si Kim dahil siya ang huling binigyan ng award.
Mapapansing lahat sina Sam, Zanjoe, Joem, Jake, at Enchong ay bumeso agad kay Kim bago sila pumuwesto para sa photo-op.

Nang humilera na sila ay nagmuwestra sina Enchong at Gerald kay Kim para gumitna ang dalaga.

Mas gitna sana si Kim kung pinagitnaan niya sina Gerald at Enchong, pero sa tabi ni Enchong pumuwesto ang aktres.
Kapansin-pansin namang sumulyap pa si Gerald kay Kim bago humarap sa camera.

GERALD ANDERSON AND KIM CHIU FINALLY MEET ON STAGE
Pagkatapos ng photo-op, hindi pa sila kaagad umalis. Nakipagtsikahan si Kim kina Zanjoe at Sam; habang sa kabila naman sina Gerald, Jake, Joem, at Enchong.
May tumawag pa kay Gerald para sandaling kausapin siya. Pero pagkatapos niyon, lumapit si Gerald kay Kim para batiin ito.

Naharangan nga lang ni Sam ang camera kaya hindi nakita ang mismong pagbeso ni Gerald kay Kim.
Parehong nakangiti sina Kim at Gerald, pero agad ding umiwas si Kim at di na nakipagtsikahan sa ex-boyfriend.

Apat na taong naging reel-and-real-life sweethearts sina Kim at Gerald, na sabay nagsimula sa showbiz nang maging housemates sila sa Pinoy Big Brother: Teen Edition Season 1 noong 2006.
Nabuwag ang loveteam nila na Kimerald kasabay ng pagkumpirma nilang hiwalay na sila bilang magkasintahan noong 2010.
Read: Showbiz History: Gerald Anderson tearfully admits hurting Kim Chiu’s feelings
Muli silang nagtambal sa seryeng Ikaw Lang Ang Iibigin noong 2016.
Read: Kimerald together again!
NETIZENS' REACTIONs
Ikinatuwa ng netizens na sandaling nagkrus ang landas nina Kim at Gerald.
Iba-ibang video edits ang ginawa nila sa TikTok mula sa livestream ng Star Magic. Isa rito ay mula sa account na @altstarmagic.
Kuha rito ang pagbeso nina Kim at Gerald, na natakpan ni Sam.
May written text sa edit na ">>>MULTO????"
Hango ito sa trending song na "Multo" ng Cup of Joe, na naglalarawan sa isang taong minumulto pa rin ng pagmamahal niya sa nakahiwalayang karelasyon.
Ayon sa mga nag-react sa comments section, nanumbalik sa kanila ang sikat na Kimerald loveteam noon.
Napansin pa ng iba na hindi raw binanggit nina Kim at Gerald ang isa't isa sa kani-kanilang speech nang tanggapin ang Loyalty Award nila mula sa Star Magic.
Kung tutuusin daw ay malaking bahagi ng kasikatan ng ex-couple ay gawa ng kanilang loveteam noon.
Tingin naman ng iba, respeto nila iyon sa isa't isa dahil may kanya-kanya na silang buhay.

May mga nanukso namang baka may pag-asang magbalikan sina Kim at Gerald na single pa rin naman daw ngayon.

May spark pa rin daw ang dalawa kaya baka magkatotoo raw ang titulo ng dating seryeng pinagtambalan nila, ang Sana Maulit Muli.

May iba namang nakapansin sa bahagyang pagtulak ni Jake kay Gerald na waring inilalapit ni Jake si Gerald kay Kim.

Ang huling nakarelasyon ni Gerald ay si Julia Barretto. Sinasabing sinusuyo muli ni Gerald si Julia, pero hanggang ngayon ay hindi malinaw kung may pag-asang magkabalikan ang dalawa.
Si Kim ay matagal nang nauugnay sa ka-loveteam na si Paulo Avelino, pero pareho silang tikom ang bibig sa kung ang pagiging malapit nila sa isa't isa ay hudyat na higit sa pagkakaibigan at pagiging onscreen partners ang relasyon nila.
Read: Ellen Adarna shows convo with Derek Ramsay's ex-girlfriend
